Duktor Alternatibo
This page is made to help and give hope to the sick especially those who have nothing to sustain their conventional medications. Let food be your medicine.
25/09/2019
PANDAN
Ang pandan ay isang karaniwang pampabango o pampalasa sa mga tinapay, kakainin, o kanin. Ang dahon nito, na siyang pinagkukunan ng mabangong amoy, ay nagmumula sa isang halaman na may katamtamang taas. Ang dahon ay pahaba na parang damo at maaaring may tinik sa gilid o wala. Ang malaking uri ng pandan ay karaniwang nakikita sa mga dalampasigan, habang ang maliit na halaman ay karaniwan naman sa mga mababang lugar.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA PANDAN?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang pandan ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang pandan ay may taglay na essential oil, alkaloids, glycosides, isoprene esters, at tannin. Ang langis ng pandan ay mayroong diterpene, d-linalool, phenylethyl acetate, citral, phenylethyl alcohol ester, ester of phthalic acid, fatty acids and steroptene. May taglay din ito na provitamin A carotenoids.
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Ugat. Ang ugat ay maaaring ilaga at inumin na parang tsaa. Makatutulong ito sa ilang kondisyon sa katawan. Maaari pa itong nguyain upang makatulong sa kondisyon sa bibig.
Dahon. Maaaring dikdikin ang dahon ng pandan at ihalo sa langis upang magamit na pantapal sa katawan. Maaari ding ilaga ang dahon at inumin.
ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG PANDAN?
1. Hirap sa pag-ihi. Ang pag-inom sa pinaglagaan ng sariwa o pinatuyong ugat ng pandan ay mabisa para mapadali ang pag-ihi. Iniinom ito na parang tsaa.
2. Pananakit ng ulo. Pinapainom sa taong dumadanas ng kondisyon ng pananakit ng ulo ang pinaglagaan ng mabangong dahon ng pandan. Maaari ding gamitin ang dinikdik na dahon na hinalo sa langis para ipantapal sa nanakit na ulo.
3. Sugat. Tumtutulong naman na pabilisin ang paghilom ng sugat ang pagtatapal ng dinurog na pinatuyong dahon ng pandan.
4. Rayuma. Nakatutulong din sa pagpapahupa ng pananakit ng mga kasukasuan dahil sa rayuma ang pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng pandan.
5. Madaling pagsusugat ng gilagid. Nakapagpapatibay naman ng gilagid ang pagnguya sa ugat ng pandan.
6. Pigsa. Mahusay naman na pantanggal ng pigsa ang dinurog na dahon na hinaluan ng katas ng kalamansi at kaunting asin.
7. Pagsusuka. Ang tuloy-tuloy na pagsusuka ay maaaring gamutin ng pag-inom sa pinaglagaan ng pandan.
8. Pananakit ng tenga. Pinapatakan naman ng katas ng bulaklak ng pandan ang nananakit na tenga.
Baka makatulong po kami
Dok A
09391255598
25/09/2019
Para iwasan ang paglaganap ng lamok, iwasan magimbak ng tubig na hindi gagamitin. Palitan ang mga tubig sa vase or balde. Kung maari, magtanim ng mga halamang ito para maiwasan ang dengue.
Tandaan, palakasin din ang iyong kalusugan upang malabanan at maiwasan ang dengue virus.
24/09/2019
ARATILES
Sikat ang aratiles dahil sa maliliit, bilog, at mapupulang bunga nito na hilig pitasin ng mga bata. Karaniwang tumutubo ang puno nito saan mang lugar sa bansa at sa iba pang lugar na nasa rehiyong tropiko. Ang dahon nito ay may maliliit na balahibo at patulis ang dulo.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA ARATILES?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang aratiles ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang bunga ng aratiles ay may taglay na flavanones at flavones. Ang dahon at mga sanga naman ng aratiles ay makukuhanan ng chrysin, 2′,4′-dihydroxychalcone at galangin 3, 7-dimethyl ether.
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Bulaklak. Ang pinaglagaaan ng bulaklak ng aratiles ay mabisa laban sa ilang mga kondisyon sa katawan.
Balat ng kahoy. Pinakukuluan ang balat ng kahoy ng puno ng aratiles upang ipainom at ipanggamot sa ilang mga sakit.
Dahon. Kinukuhanan naman ng katas ang dahon upang ipanggamot sa may sakit. Maaari din itong ilaga at inumin na parang tsaa.
Bunga. Ang bunga ay kinakain na mismo.
ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG ARATILES?
1. Pananakit ng kalamnan (muscle cramps and spasm). Ang pinaglagaan ng bulaklak ng aratiles ay ginagamit na gamot sa pananakit ng mga kalamnan sa ilang bahagi ng katawan partikular sa tiyan. Ito ay iniinom na parang tsaa.
2. Panunuyo ng balat. Makatutulong din paghuhugas gamit ang pinaglagaan ng bulaklak ng aratiles sa pagpapabuti ng kutis ng balat. Ganito rin ang epekto ng paggamit sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ng aratiles.
3. Sipon. Ang pag-inom sa pinaglagaan ng bulaklak ng aratiles ay may bisa rin sa pagpapabuti ng pakiramdam kapag may sipon.
4. Sakit ng ulo. Maiibsan din ang pananakit ng ulo sa pamamagitan ng pag-inom sa pinaglagaan ng bulaklak.
5. Impeksyon ng bacteria sa katawan. Makatutulong ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon at mga sanga ng aratiles sa paglaban sa impektsyon ng mga bacteria sa katawan. Sinasabing ito raw ay kasimbisa ng mga standard na gamot na antibacterial na nabibili sa mga butika.
6. Lagnat. Nakapagpapababa din ng lagnat ang pag-inom ng pinaglagaan ng dahon ng aratiles.
7. Presensya ng nakasasamang free radicals. ang pagkain sa bunga ng aratiles ay sinasabing may epektong antioxidant na makatutulong sa paglaban sa mga Free Radicals na siyang nagdudulot ng pagtanda ng mga cells sa katawan.
8. Altapresyon. May epekto ring pampababa ng presyon ng dugo ang katas ng dahon ng aratiles.
Baka makatulong po kami
Dok A
09391255598
22/09/2019
KAMANTIGI
Ang kamantigi ay isang maliit lamang na halaman na kilalang namumulaklak. Ito ay may makinis na dahon na may tusok-tusok sa gilid at patulis sa dulo. Ang bulaklak ay maaaring kulay rosas o kulay puti. Ang mga buto ay nababalot ng mala-kapsulang bahagi. Kilala ito bilang halamang ornamental at kadalasang makikitang nakatanim sa paso.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA KAMANTIGI?
Ang iba’t ibang bahagi ng kamantigi ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang dahon ng kamantigi ay may taglay na sulfur at pectin. Ang ugat ay may taglay naman na peroxidase. Ang mga buto ay mayroong langis at phenol. Ang bulaklak ay may taglay naman na alkaloids, tannins, glycosides, flavonoids, saponins, terpene, and carbohydrates.
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Ang ilang bahagi ng halaman ay maaaring magamit sa panggagamot:
Dahon. Ang dahon ay karaniwang dindikdik upang ipantapal sa ilang kondisyon.
Bulaklak. Karaniwan namang nilalagat at iniinom ang bulaklak ng kamantigi.
Buto. Ang pag-inom sa pinaglagaan ng buto ay mabisa rin para sa ilang karamdaman.
ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG KAMANTIGI?
1. Ubo. Ang kondisyon ng ubo ay maaaring matulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng buto ng kamantigi.
2. Kulugo. Pinaniniwalaang makatutulong sa pag-alis ng kulugosa balat ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng kamantigi sa apektadong bahagi ng katawan.
3. Pasa. Makatutulong din para sa kondisyon ng pagpapasa ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng halaman.
4. Rayuma. Maaaring ipantapal ang dinikdik na bulaklak ng kamantigi sa nananakit ng kasukasuan na dulot ng sakit na rayuma.
5. Dysmenorrhea. Makatutulong sa kondisyon ng dysmenorrhea ang pag-inom sa pinaglagaan ng bulaklak.
6. Impeksyon ng fungi sa mga kuko. Mabisang panlunas naman para sa mga kuko na apektado ng impeksyon ng fungi ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng halaman.
Baka makatulong po kami
Dok A
09391255598
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
8 Sierra Madre Street Amityville Subd. , San Jose
Rodriguez
1860
Opening Hours
| Monday | 9am - 9pm |
| Tuesday | 9am - 9pm |
| Wednesday | 9am - 9pm |
| Thursday | 9am - 9pm |
| Friday | 9am - 9pm |
| Saturday | 9am - 9pm |
| Sunday | 1pm - 6pm |