Community Defense Auxiliary Group- CDAG Caramay Roxas Chapter
Disaster Response Unit
Magkakaiba man tayo ng pananampalataya pero sama sama sa iisang layunin ng boluntaryong pagtulong at pagdamay sa komunidad.
Hnd man tayo madalas nakikita o napapasalamatan tuloy pa dn ang laban para sa kampanya sa pag iwas, pag bawas, paghahanda at pag responde para sa nangangailangan at kaligtasan ng sambayanan.
Maraming salamat sa mga buhay, sakripisyo at oras na nilalaan ninyo para sa grupo ntn.
PDRRAI/CDAG Volunteers Bgy. Caramay Roxas Palawan Chapter🥰
walang iwanan
📸 MG Foxtrot
📸 Monica Entila
12/04/2026
| 44 VOLUNTEERS SA BAYAN NG ROXAS, SUMASAILALIM SA STANDARD FIRST AID TRAINING
Sumasailalim sa tatlong araw na Standard First Aid Training ang apatnapu’t apat (44) na volunteers ng Community Defense Auxiliary Group (CDAG) sa Brgy. Tagumpay, Roxas, Palawan, simula kahapon, Pebrero 4, 2026.
Pinangasiwaan ang aktibidad ng mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) katuwang ang CDAG, kung saan itinuturo sa mga kalahok ang iba't ibang tamang paraan ng pagresponde sa mga emergency, kabilang ang wastong pagbenda sa iba’t ibang uri ng sugat at bali, tamang pagbuhat ng pasyente, at ang victim packaging o pag-strap ng pasyente sa spine board.
Isinasagawa ng PDRRMO ang aktibidad bilang tugon sa kahilingan ng CDAG na madagdagan ang kaalaman ng kanilang mga volunteers sa pagsagip ng buhay, alinsunod sa layunin ni Gob. Amy Roa Alvarez na maging handa ang bawat komunidad sa buong lalawigan sa pagresponde sa mga emergency.
Maliban sa mga CDAG volunteers, nakilahok din sa aktibidad ang KALIPI, isang grupo ng kababaihang volunteers na nagnanais ding magkaroon ng kaalaman sa pagsagip ng buhay sa kanilang mga tahanan at komunidad.
Samantala, bukas umano ang PDRRMO sa mga grupo ng volunteers na handang makipagtulungan sa komunidad sa usapin ng disaster risk reduction at climate change, at nagnanais na magkaroon ng kasanayan sa pagresponde sa mga hindi inaasahang pangyayari. | via John Lawrence Bermil
12/04/2026
| MGA VOLUNTEERS NG CDAG SA BAYAN NG ROXAS, NAGSAGAWA NG BUWANANG ENSAYO NG BLS AT SFA
Nagsagawa ng buwanang ensayo ng Basic Life Support (BLS) at Standard First Aid (SFA) training ang mga volunteers ng Community Defense Auxiliary Group (CDAG) sa Brgy. Caramay, Roxas, Palawan nitong Pebrero 1, 2026.
Ayon sa CDAG, kabilang sa ensayo ang pagsasagawa ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR), pagsagip sa biktimang nabulunan, mga paraan ng pagbuhat sa pasyente o biktima, at ang tamang paglalagay ng benda sa sugat at bali.
Samantala, ang nasabing ensayo ay regular nilang ginagawa kada buwan bilang bahagi ng kanilang kampanya sa kahandaan sa sakuna, alinsunod sa hangarin ni Gob. Amy Roa Alvarez na masigurong handa ang bawat komunidad sa buong lalawigan sa pagresponde sa mga emergency. | via John Lawrence Bermil
📷 CDAG
PANOORIN | Nagpasalamat ang volunteer ng Community Defense Auxiliary Group (CDAG) sa Brgy. Caramay, Roxas, Palawan na si Gng. Rosie Domine sa Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gob. Amy Roa Alvarez sa pagdadala ng YAKAP Program sa kanilang barangay, kung saan siya ay naging benepisyaryo ng libreng medical services. | via John Lawrence Bermil
12/04/2026
| CDAG VOLUNTEERS, NAGSAGAWA NG MANGROVE PLANTING SA BAYAN NG ROXAS BILANG BAHAGI NG DISASTER PREPAREDNESS
Nagsagawa ng mangrove planting activity ang mga volunteers ng Community Defense Auxiliary Group (CDAG) sa Brgy. Salvacion, bayan ng Roxas, Palawan nitong March 7, 2026 bilang bahagi ng kanilang inisyatibo sa pagpapalakas ng disaster preparedness sa lalawigan.
Ayon sa CDAG, umabot sa 162 na mga kalahok ang nakiisa kabilang ang mga volunteers mula sa mga barangay ng Jolo, Caramay, Salvacion, Tagumpay, San Jose at Abaroan sa naturang bayan.
Naging katuwang umano nila sa pagsasakatuparan ng aktibidad si Roxas Mayor Pedy Sabando. Nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Philippine National Police (PNP), Barangay Local Government Unit ng Brgy. Salvacion, KALIPI Association ng nasabing bayan, gayundin ang Boy Scouts at Girl Scouts of the Philippines.
Samantala, matagumpay na naitanim sa aktibidad ang humigit kumulang 350 na mga puno ng bakhaw na inaasahang makatutulong sa pagpapatibay ng coastal protection at paghahanda ng mga komunidad laban sa epekto ng bagyo at pagbaha.
Ang naturang hakbang ay bahagi rin ng hangarin ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Amy Roa Alvarez na palakasin ang kahandaan ng buong lalawigan sa panahon ng mga sakuna. | via John Lawrence Bermil
📷 CDAG
12/04/2026
| ISANG LALAKING MOTORISTA, AGAD NALAPATAN NG PAUNANG LUNAS NG MGA VOLUNTEERS NG CDAG MATAPOS MAKSIDENTE SA ROXAS, PALAWAN
Mabilis na nalapatan ng paunang lunas ang isang lalaking motorista matapos maaksidente sa national highway sa Brgy. Caramay sa bayan ng Roxas, Palawan, pasado alas-8:00 ng umaga kahapon, March 11, 2026.
Ayon sa CDAG, binabaybay ng motorsiklo na sinasakyan ng biktima ang nasabing lugar nang mawalan siya ng balanse at kontrol sa manibela, na nagresulta sa aksidente. Agad namang rumesponde ang mga volunteers, katuwang ang mga kawani ng barangay, at nilapatan ng paunang lunas ang sugatang motorista.
Samantala, matapos makatanggap ng first aid, hindi na nagpahatid sa pagamutan ang motorista dahil minor injuries lamang ang natamo nito sa aksidente. | via John Lawrence Bermil
📷 CDAG
12/04/2026
| 35 KAWANI MULA SA IBA'T IBANG MUNISIPYO SA LALAWIGAN, SUMASAILALIM SA DALAWANG ARAW NA WORKSHOP PARA SA KATATAGAN NG PALAWAN
Sumasailalim sa dalawang araw na Disaster Risk Reduction, Planning and Climate Change Adaptation: Enhancing Palawan's Resilience through Governance and Science-Based Ecosystem Assessment Workshop ang tatlumpu’t limang (35) kawani mula sa iba’t ibang Local Government Units (LGUs) sa lalawigan na ginaganap sa Brgy. IV, Roxas, Palawan simula kahapon, March 23 hanggang ngayong araw, March 24, 2026.
Ang aktibidad ay pinangangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), katuwang ang University of the Philippines Resilience Institute na nagsisilbing resource speakers.
Layunin ng aktibidad na maipaunawa ang mga pangunahing konsepto sa pagtaya ng kalagayan ng kapaligiran at ecosystem, maipaliwanag ang wastong pamamahala sa kalamidad sa antas ng LGU, at mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa risk assessment, basic mapping, at pagtukoy at paggamit ng mga tungkulin sa Disaster Risk Reduction, gayundin ang wastong local development planning.
Samantala, ang aktibidad ay nilalahukan ng mga kawani mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Planning and Development Office (MPDO) ng mga bayan ng Brooke’s Point, Narra, Sofronio Española, Roxas, at El Nido.
Nakikiisa rin ang mga barangay committee mula sa Brgy. New Cuyo at Caramay sa bayan ng Roxas, gayundin ang mga volunteers ng Community Defense Auxiliary Group (CDAG) na aktibong lumalahok sa nasabing aktibidad. | via John Lawrence Bermil
📷 PDRRMO
12/04/2026
| PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, PINALAKAS ANG KAHANDAAN NG MGA LGU SA MGA SAKUNA MATAPOS ISAGAWA ANG CLIMATE ADAPTATION TRAINING PARA SA MGA LGU
Mas pinaigting ng Pamahalaang Panlalawigan ang kahandaan sa sakuna ng mga Local Government Units (LGU) sa pamamagitan ng isinagawang dalawang araw na Disaster Risk Reduction, Planning and Climate Change Adaptation: Enhancing Palawan's Resilience through Governance and Science-Based Ecosystem Assessment Workshop sa Brgy. IV, Roxas, Palawan nitong Marso 23-24, 2026.
Nilahukan ang aktibidad ng tatlumpu’t limang (35) kawani mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Planning and Development Office (MPDO) ng mga bayan ng Brooke’s Point, Narra, Sofronio Española, Roxas, at El Nido. Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa Brgy. New Cuyo at Caramay sa Roxas, gayundin ang mga volunteers ng Community Defense Auxiliary Group (CDAG) na aktibong nakibahagi sa workshop.
Pinangasiwaan ang aktibidad ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), katuwang ang University of the Philippines Resilience Institute bilang mga resource speaker.
Layunin ng workshop na mapalalim ang pag-unawa ng mga kalahok sa mga pangunahing konsepto ng ecosystem assessment, maipaliwanag ang epektibong pamamahala sa kalamidad sa antas ng LGU, at mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan sa risk assessment, basic mapping, at pagtukoy at paggamit ng mga angkop na mekanismo sa Disaster Risk Reduction, kabilang ang integrasyon nito sa local development planning.
Ang aktibidad ay alinsunod sa hangarin ni Gob. Amy Roa Alvarez na higit pang mapalakas ang kahandaan ng bawat bayan sa lalawigan sa pagtugon at pamamahala sa mga sakuna. | via John Lawrence Bermil
📷 PDRRMO
12/04/2026
TINGNAN | Sama-samang umantabay sa San Vicente Ferrer Magara Chapel Mt. Calvary sa Brgy. Magara, Roxas, Palawan ang mga volunteers ng Community Defense Auxiliary Group (CDAG) mula sa iba’t ibang barangay ng nasabing bayan kahapon, April 3, 2026.
Ayon sa CDAG, nakipagkolaborasyon sila sa Roxas Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Sagip Palawan kung saan nagtayo sila ng medical station sa lugar upang makapagbigay ng agarang tulong sa mga debotong nakiisa sa mga aktibidad kaugnay ng Semana Santa ngayong taon.
Nagsilbi ring gabay at umalalay ang mga volunteers sa mga senior citizen na nagnanais umakyat sa bundok bilang bahagi ng kanilang debosyon at pagninilay.
Samantala, ang hakbang na ito ng CDAG ay alinsunod sa hangarin ni Gob. Amy Roa Alvarez na masigurong ligtas ang mga debotong Palaweño na nakiisa sa paggunita ng Semana Santa. | via John Lawrence Bermil
📷: CDAG
The Community Defense Auxilliary Group (CDAG) Roxas Chapter successfully conducted the Mangrove planting activity in Brgy. Salvacion, Roxas, Palawan. In collaboration with PDRRMO, MDRRMO, MENRO-Roxas, PNP, BLGU-Salvacion, Boy Scouts and Girls Scouts.
📸 MG Foxtrot
📸 Monica Entila
10/04/2026
Second quarterly meeting of CDAG-Roxas Chapter officers from Brgy. Caramay, Brgy. Tagumpay, Brgy. Salvacion and Brgy. Abaroan held in Brgy. Tagumpay, Roxas, Palawan.
10/04/2026
Caramay CDAG Volunteers & Brgy. officials attended the 2 days DRRM Workshop!
Disaster Risk Reduction, Planning, and Climate Change Adaptation: Enhancing Palawan's Resilience through Governance and Science-Based Ecosystem Assessment Workshop
Thankyou University of the Philippines Resilience Institute(UPRI) and PDRRMO.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Barangay Caramay
Roxas
5308