Municipal Agriculture Office Roxas

Municipal Agriculture Office Roxas

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Agriculture Office Roxas, Public & Government Service, Bagumbayan, Roxas.

Photos from Municipal Agriculture Office Roxas's post 29/05/2026

Matagumpay na naisagawa ang โ€œ ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’ˆ๐’Œ๐’‚ ๐‘ฒ๐’ ๐‘ฎ๐’‚๐’˜๐’‚ ๐‘ฒ๐’ ๐‘ท๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’‚๐’Žโ€ โ€“ 53๐’“๐’… ๐‘ฉ๐’‚๐’•๐’„๐’‰ ๐‘ป๐’“๐’‚๐’Š๐’๐’†๐’“๐’” ๐‘ป๐’“๐’‚๐’Š๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’๐’ ๐‘ช๐’๐’๐’”๐’•๐’“๐’–๐’„๐’•๐’Š๐’๐’, ๐‘น๐’†๐’‘๐’‚๐’Š๐’“, ๐’‚๐’๐’… ๐‘ด๐’‚๐’Š๐’๐’•๐’†๐’๐’‚๐’๐’„๐’† ๐’๐’‡ ๐‘ญ๐’Š๐’ƒ๐’†๐’“๐’ˆ๐’๐’‚๐’”๐’” ๐‘น๐’†๐’Š๐’๐’‡๐’๐’“๐’„๐’†๐’… ๐‘ท๐’๐’‚๐’”๐’•๐’Š๐’„ (๐‘ญ๐‘น๐‘ท) ๐‘ฉ๐’๐’‚๐’•๐’” na isinagawa noong May 18โ€“29, 2026 para sa Dalahican Roxas Fishermen Cooperative (DARFISCO).๐ŸŒ๐Ÿ’™๐ŸŸ

Sa loob ng halos dalawang linggong pagsasanay, 37 Trainees ang matagumpay na nahasa at nabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan sa paggawa, pagkukumpuni, at tamang pangangalaga ng FRP boatsโ€”isang mahalagang hakbang tungo sa mas matatag at produktibong kabuhayan para sa ating mga mangingisda.

Lubos ang aming pasasalamat sa BFAR MIMAROPA sa pangunguna ni Regional Director Mr. Roberto Abrera represented by Ms. Hope J. Relayson, Chief RFTFCD sa patuloy na suporta sa sektor ng pangisdaan.

Ganun din sa DA-BFAR FB Pagbabago Livelihood Development Program, na kinatawan nina Ms. Sarah Jane M. Gado at Ms. Jeniva R. Duran, kasama ang mga dedikadong trainers na nagbahagi ng kanilang kaalaman at expertise.

Maraming salamat din sa patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan ng Roxas sa pangunguna ni Hon. Jerwin S. Dimapilis, na tunay na kaagapay ng ating mga mangingisda na matulungan sila sa kanilang kabuhayan.

Naisagawa ang Closing Program noong May 28, 2026 na dinaluhan ni SB Chairman on Agriculture and Fisheries Hon. King Philip B. Dimapilis, Municipal Administrator Mr. Johnell C. Siรฑel, Municipal Agriculturist Ms. Nerissa C. Gutierrez at MFARMC Chairman Mr. Roger C. Fabella.

Bilang highlight ng programa, matagumpay na nai turn-over ang anim (6) na unit ng 30-footer FRP Fishing Boats with Engine and complete accessories sa DARFISCOโ€”isang konkretong tulong na magpapalakas sa kanilang kakayahan sa pangingisda at magbibigay ng dagdag na oportunidad sa kabuhayan.

Ang programang ito ay patunay na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan at komunidad, posible ang pag-unlad at pag-angat ng buhay ng ating mga mangingisda. Sama-sama nating itaguyod ang isang mas maunlad, matatag, at sustenableng sektor ng pangisdaan!

Photos from Roxas OrMin PIO's post 07/05/2026
Want your organization to be the top-listed Government Service in Roxas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Bagumbayan
Roxas
5212

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5:30pm