MPDO-Roxas, Palawan

MPDO-Roxas, Palawan

Share

The Official page of the Municipal Planning & Development Office- Roxas, Palawan

Photos from MPDO-Roxas, Palawan's post 26/06/2026

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘: Alinsunod sa direktiba ni Kgg. Pedy B. Sabando, Municipal Mayor, at bilang tugon sa paanyaya ni Kgg. Diosdado G. Agustin, Punong Barangay ng Bagong Bayan, matagumpay na naisagawa kahapon, ika-25 ng Hunyo 2026, ang Updating ng Barangay Development Plan (BDP) ng Barangay Bagong Bayan, Roxas, Pal.

Sa pangunguna ni Engr. Nora P. Arzaga, EnP., MPDC, at sa pakikipagtulungan ng Barangay Development Council (BDC) ng naturang barangay, natukoy sa isinagawang pagpaplano na pangunahing prayoridad ng komunidad na maisama sa kanilang BDP ang pagsasaayos ng mga kalsada, pagkakaroon ng access sa maayos na ilaw at malinis na inuming tubig, gayundin ang pagpapalakas ng agrikultura, pangisdaan at turismo bilang tugon sa mababang revenue ng barangay.

Ang inisyatibong ito ay isinagawa bilang pagtugon sa DILG Memorandum Circular No. 2026-030, na nagtatakda sa lahat ng barangay na bumuo o mag-update ng kanilang Barangay Development Plan (BDP). Layunin nitong matiyak na ang plano sa pagpapaunlad ng barangay ay nakabatay sa aktuwal na kalagayan at tumutugon sa mga pangangailangan, prayoridad, at mithiin ng komunidad sa pamamagitan ng isang inklusibong pagpaplano.

Samantala, lubos na nagpapasalamat ang MPDO sa pamunuan ng Barangay Bagong Bayan, sa pangunguna ni Kgg. Diosdado G. Agusting, kasama ang mga miyembro ng Barangay Development Council (BDC), sa kanilang pakikiisa sa isang malayang talakayan patungkol sa mga plano at hakbang para sa ikauunlad ng Barangay Bagong Bayan.

.BagongBayan2k26

Photos from MPDO-Roxas, Palawan's post 23/06/2026

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘: Nakiisa ang Municipal Planning and Development Office (MPDO) sa isinagawang Tree Planting Activity ngayong ika-23 ng Hunyo 2026 sa Townsite, Barangay III, Roxas, Palawan. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Municipal Arbor Day alinsunod sa Municipal Ordinance No. 483A, s. 2014, na nagtataguyod ng taunang pagtatanim ng puno at pangangalaga sa kalikasan.

21/06/2026

π‡π€πππ˜ 𝐅𝐀𝐓𝐇𝐄𝐑'𝐒 πƒπ€π˜!

Today, we honor all fathers and father figures whose love, strength, and sacrifices shape our lives. As protectors, teachers, and supporters, they guide us through every challenge and celebrate every success. Their care, dedication, and unwavering support leave a lasting impact that cannot be measured.

To all fathers, grandfathers, stepfathers, guardians, and mentorsβ€”thank you for your love, patience, and guidance. May this Father's Day be filled with joy, appreciation, and the recognition you truly deserve.

Photos from MPDO-Roxas, Palawan's post 19/06/2026

Sa katatapos lang na Barangay Development Plan (BDP) Planning Workshop na isinagawa ng Municipal Planning and Development Office (MPDO) sa pangunguna ni Engr. Nora P. Arzaga, EnP., noong Hunyo 18, 2026 sa Barangay Malcampo, Roxas, Palawan, binigyang prayoridad ng barangay na maisama sa kanilang BDP para sa taong 2027–2029 ang mga proyektong nakatuon sa pagpapalakas ng turismo. Kabilang dito ang pagsasaayos at pagpapabuti ng mga kalsada, pagpapalawak ng street lighting at internet access gayundin ang pagkakaroon ng sapat at malinis na inuming tubig sa lugar.

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Development Council (BDC) ng Malcampo sa pangunguna ni Kgg. Rich Mon S. Dagomboy, Punong Barangay ng Malcampo, kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor at iba pang stakeholder, sa pagtukoy ng mga prayoridad na programa, proyekto, at gawain na layuning mapanatili at mapalakas ang patuloy na pag-unlad ng komunidad.

Ipinresenta rin ni Engr. Nora P. Arzaga, EnP, ang resulta ng nakaraang Community-Based Monitoring System (CBMS) survey, kung saan ang Barangay Malcampo ay nakakuha ng kabuuang bilang ng populasyon na 1,965 o 523 na kabahayan. Ang datos na ito ang magsisilbing batayan sa pagbubuo ng isang komprehensibong plano para sa nasabing barangay.

Lubos ang pasasalamat ng BLGU Malcampo sa Lokal na Pamahalaan ng Roxas, sa pangunguna nina Kgg. Pedy B. Sabando, Municipal Mayor, at Kgg. Alfredo B. Enojas, Jr., Municipal Vice Mayor, kasama ang mga Sangguniang Bayan Members, sa pamamagitan ng MPDO, para sa ibinigay na technical assistance na naglalayong palakasin ang kapasidad ng mga barangay sa pagbuo ng isang komprehensibo at sistematikong plano na tumutugon sa pangangailangan ng komunidad.

.Malcampo

Want your organization to be the top-listed Government Service in Roxas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Malcampo Roxas Palawan
Roxas
5308

Opening Hours

Monday 8am - 5am
Tuesday 8am - 5am
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5am