KALIPI-Roxas 2026
"kababaihan, Kaagapay sa Kaunlaran ng Bayan"
29/04/2026
MEMBER KA NA BA NG KALIPI ROXAS PALAWAN?
JOIN AND BE PART OF OUR ASSOCIATION TO EMPOWERED WOMEN IN OUR MUNICIPALITY
Paano maging myembro?
Pumunta lamang sa inyo mga Barangay KALIPI OFFICER para magpalista sa inyong mga Lugar.
21/04/2026
ππππππ πππππππππ ππππππππππππ: ππππ πππππ πππππππ πππ ππππππππ πππππππ ππππππππππ
Isang taos-pusong pagbati ang ipinapaabot sa mga nagsipagtapos na miyembro ng KALIPI matapos matagumpay na makumpleto ang kanilang pagsasanay sa kabuhayan.
Pinatunayan ng mga kalahok na sa tamang diskarte at matibay na determinasyon, kahit ang simpleng produkto tulad ng banana chips at tinapa ay maaaring maging daan tungo sa pag-angat ng buhay.
Lubos din ang pasasalamat ni KALIPI Federation President/ Unang Ginang Rowena Sabando sa mga grupo ng tagapagsanay na nagbahagi ng kanilang kaalaman, lalo na kay Sir Abel Arzaga, gayundin sa patuloy na suporta ng TESDA at ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Municipal Mayor Hon. Pedy Bautista Sabando.
simula pa lamang ito ng mas marami pang pagsasanay na ilalaan para sa komunidad upang patuloy na mapaunlad ang kabuhayan ng bawat miyembro.
MALIGAYANG PAGTATAPOS SA INYONG LAHAT!
13/04/2026
πππ. ππππππππ ππππππ πππππππππππ πππππππππ πππ πππ πππππππ ππππππππππ ππππ ππ ππππππ ππ ππππππ πππππ ππ ππππππ
Sinamantala narin ang pagkakataon nang n mga KALIPI - Member Association Bgy. Tagumpay , Roxas Palawan, ang libreng pagsasanay na handog ng KALIPI Roxas Chapter sa pangunguna ng Unang Ginang/ KALIPI Federation President Rowena Sabando katuwang ang TESDA at Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni TESDA Coordinator Abel Arzaga bilang kinatawan ni Punong Bayan Kgg. Pedy B. Sabando, na may kaugnayan sa paggawa ng Banana Chips at Smoke Fish o Tinapa.
Sa pamamagitan ng ganitong mga training, nabibigyan ng oportunidad ang mga kababaihan na matuto ng praktikal na kasanayan na maaari nilang magamit upang magsimula ng maliit na negosyo o mapalago ang kanilang kita.
Umaasa naman ang Asosasyon na Hindi lang kaalaman ang kanilang baon kundi pagkakataon narin para magsimula ng sariling kabuhayan at dagdag kita para sa pamilya.
10/04/2026
πππππππ ππππππππ ππ πππππ πππππππππ ππ πππππππ πππ ππ πππ ππππππ ππππππ ππ πππππ πππππ ππππππ
Mahigit 100 miyembro ng KALIPI mula sa Sitio Green Island ang lumahok sa isinagawang libreng pagsasanay na handog ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pakikipag- ugnayan ng KALIPI- Roxas Chapter katuwang ang Lokal na Pamahalaan.
Layunin ng naturang programa na mabigyan ng karagdagang kaalaman at kasanayan ang mga kababaihan upang makatulong sa kanilang kabuhayan at mapalakas ang kanilang kakayahan sa ibaβt ibang larangan.
kabilang sa mga itinuro sa training ang mga praktikal na kasanayan na maaaring magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay at maging sa paghahanap ng pagkakakitaan, tulad na lamang ng pagawa ng Banana Chips at Smoke Fish O Tinapa,
Kaugnay nito nagpapatuloy parin ngayon ang inisyatibo para sa mga kababaihan sa iba pang mga Barangay sa Munisipyo sa pangunguna ni TESDA Coordinator Abel Arzaga, bilang kinatawan ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Punong Bayan Kgg. Pedy B. Sabando at KALIPI Federation President Rowena Sabando.
09/04/2026
ππ ππ πππ ππππππππππ , πππππππ ππ πππππππ πππππ ππππππ πππππ ππ πππππ π
πππ ππππππππ ππ ππππππππ πππ ππππππ
Sinamantala narin ang pagkakataon nang nasa 61 na mga KALIPI - Member Association Bgy. San Isidro Roxas Palawan, ang libreng pagsasanay na handog ng KALIPI Roxas Chapter sa pangunguna ng Unang Ginang/ KALIPI Federation President Rowena Sabando katuwang ang TESDA at Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni TESDA Coordinator Abel Arzaga bilang kinatawan ni Punong Bayan Kgg. Pedy B. Sabando, na may kaugnayan sa paggawa ng Banana Chips at Smoke Fish o Tinapa.
Sa pamamagitan ng ganitong mga training, nabibigyan ng oportunidad ang mga kababaihan na matuto ng praktikal na kasanayan na maaari nilang magamit upang magsimula ng maliit na negosyo o mapalago ang kanilang kita.
Umaasa naman ang Asosasyon na Hindi lang kaalaman ang kanilang baon kundi pagkakataon narin para magsimula ng sariling kabuhayan at dagdag kita para sa pamilya.
07/04/2026
ππππππ ππππππ πππππππππππ πππππππππππ ππ ππ πππππππ πππππ ππππππππ ππ πππππππ ππ ππππππ πππππ ππ ππππππ
Umarangkada na ang programang pangkabuhayan ng KALIPI Magara Association matapos nitong ilunsad ang libreng pagsasanay mula sa TESDA na nakatuon sa paggawa ng banana chips at tinapa o smoked fish.
Layunin ng naturang training na mabigyan ng dagdag kaalaman at kasanayan ang mga miyembro ng samahan upang makapagsimula ng sariling kabuhayan.
Ayon sa pamunuan ng KALIPI ROXAS CHAPTER sa katauhan ng unang ginang / KALIPI Federation President Rowena Sabando, malaking tulong ang programang ito lalo na sa mga kababaihan at pamilyang naghahanap ng alternatibong pagkakakitaan.
Sa tulong ng TESDA at ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni TESDA Coordination Abel Arzaga, tinuturuan ang mga kalahok ng tamang proseso sa paghahanda, pagluluto, at packaging ng banana chips at tinapa. Kasama rin sa pagsasanay ang basic entrepreneurship upang matutunan ng mga benepisyaryo kung paano ibenta at palaguin ang kanilang produkto sa merkado.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang libreng pagsasanay na handog ng nasabing samanahan sa ilan pang mga Barangay sa Munisipyo ng Roxas.
06/04/2026
KALIPI BGY. TARADUNGAN CHAPTER NAKIISA SA ISINAGAWANG PAGLILINIS NG BARANGAY NITONG SEMANA SANTA
31/03/2026
πππππ πππππ ππ ππππππ πππππππ ππππ ππ πππ ππππππ πππππππ ππππππππ ππ
Sa pakikipag - ugnayan ng Unang ginang at KALIPI Federation President Rowena Sabando sa KHALSA AID INTERNATIONAL na magkaroon ng mga kagamitan sa pananahi dumating na ngayong araw .
Layunin ng naturang inisyatibo na mabigyan ng kabuhayan at dagdag na kasanayan ang mga kababaihan sa komunidad sa pamamagitan ng pananahi.
Inaasahang makatutulong ang mga makinang panahi at iba pang kagamitan upang mapalawak ang kanilang kakayahan at makapagsimula ng sariling hanapbuhay.
Lubos naman ang pasasalamat ng pamunuan ng KALIPI ROXAS - CHAPTER sa KHALSA AID INTERNATIONAL sa ibinigay na inisyatibo para sa kanilang samahan
Habang mayroon paring aasahang darating para naman sa 2nd batch ng mga sewing machine.
31/03/2026
πππππππ πππππ ππππππππ ππππ ππ πππππ ππ πππ ππππππππππ ππ πππππ πππππππ ππππππ ππ ππππππ πππππ-πππππππ
Nais mo bang mapabilang sa limampu (50) bawat Barangay naisasailalim sa libreng TESDA Training na handog ng KALIPI Roxas -Chapter (Kalipunan ng Liping Pilipina) sa Bayan ng Roxas Palawan.
Ang KALIPI Roxas Chapter sa pakikipag- Ugnayan sa TESDA ay magsasagawa ng mga pagsasanay tulad ng Banana Chips at Tinapa Smoke Fish training sa mga mababangit na Barangay.
Ang nasabing pagsasanay ay dadaluhan ng mga interesadongkalipi na hindi bababa sa limampu (50) katao bawat barangay.
NARITO ANG MGA SCHEDULE NG BAWAT BARANGAY
April 6, 2026 (8:00
AM - 5:00 PM) - Barangay, Magara
April 7, 2026 ( 8:00AM - 5:00 PM) - Barangay, San Isidro
April 8, 2026 ( 8:00AM - 5:00 PM) - Barangay, Abaroan
April 9, 2026 ( 8:00AM - 5:00 PM) - Barangay, Tumarbong Sitio Green Island
April 10, 2026 ( 8:00 AM - 5:00 PM) - Barangay, Jolo Roxas Palawan
Magkakaroon din ng Graduation Ceremony para sa lahat ngparticipants sa darating na APRIL 14, 2026 sa Municipal Gymnasium, Barangay 2,Roxas Palawan.
29/03/2026
ππππππ πππππ πππππππ πππππππ, ππππππππππ ππππ ππ ππππππππππ ππ πππππππππππ ππ ππππππππ πππππβπ πππππ
Naging bahagi ang KALIPI Roxas Palawan Chapter bilang host organization sa matagumpay na pagdiriwang ng National Womenβs Month ngayong Marso sa Bayan ng Roxas, sa pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office at Local Council of Women ng Lokal na Pamahalaan.
Sa pamamagitan ng ibaβt ibang makabuluhang aktibidad tulad ng information drive, talakayan ukol sa women empowerment, at mga gawaing pangkomunidad, naipakita ang patuloy na pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng kababaihan. Layunin ng mga programang ito na palakasin ang boses ng kababaihan at hikayatin ang kanilang aktibong partisipasyon sa pag-unlad ng komunidad.
Nagbigay din ng mensahe ang Ama ng Bayan, Kgg. Pedy B. Sabando, kung saan kanyang binigyang-diin na anuman ang samahan ng kababaihan sa Roxas ay patuloy na susuportahan ng kanyang administrasyon at hindi pababayaan ng Lokal na Pamahalaan.
Sa pangunguna ng Unang Ginang at Federation President na si Rowena F. Sabando, binigyang-halaga ang ganitong selebrasyon bilang daan upang higit pang mapalawak ang kaalaman ng kababaihan tungkol sa kanilang mga karapatan at kakayahan. Ipinahayag din ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakibahagi at sumuporta sa nasabing gawain.
Sa kabuuan, naging matagumpay ang pagdiriwang ng National Womenβs Month sa Bayan ng Roxas, kung saan ang KALIPI Roxas Palawan Chapter ay nagampanan ang mahalagang papel bilang host, katuwang ang ibaβt ibang sektor sa pagsusulong ng kapakanan ng kababaihan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Roxas Palawan
Roxas
5308