MSWDO - Sablayan Official
Development of people's potential is the key to improvement of public interest and welfare.
29/06/2023
Isang Maligayang Pagbati sa Kaarawan ng ating Pangalawang Ama ng Bayan EDWIN N. MINTU na laging nakaalalay sa lahat ng Proyekto at Programa ng Tanggapan ng Kagalingan at Pagpapaunlad ( MSWD)
Ang pagkakaroon ng Pangalawang Ama ng Bayan ng Sablayan sa inyong katauhan na may tunay na pagmamahal at pagmamalasakit sa ating mga kababayan ay regalo mula sa ating Maykapal kaya ang aming dalangin sa inyong Kaarawan, Sana'y pagkalooban pa kayo ng isang Masagana , Masaya at Payapang buhay para kayo ay patuloy pang magsilbing daluyan ng mga tulong at biyaya mula sa Dakilang Lumikha patungo sa ating mga kababayan nangangailangan.
Muli, Mula sa Tanggapan ng MSWD. Happy..Happy... Birthday Vice -Mayor Edwin N. Mintu ππΎπ₯
20/05/2023
Magandang gabi po sa ating lahat!
Malugod po naming ipinababatid na bumaba na po ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act. Dahil po dito, ay tinatawagan natin pansin ang ating mga Solo Parent sa ating bayan na mayroong anak na 22 yrs old pababa na magparehistro sa ating Tanggapan , MSWD Office LGU Compound Sablayan. Asahan po natin ang ilang mga pagbabago sa mga requirements na kinakailangan isumite na nakabatay sa mga ibinabang guidelines at mas kapaki-pakinabang na mga benepisyo sa mga Solo Parent na kwalipikado.
Kami po ay magsasagawa ng mga oryentasyon upang higit pa nating mapalawig ang ating mga kaalaman tungkol sa Batas ng Solo Parent.
Narito po ang brochure o polyeto na naglalaman ng mahahalagang impormasyon, kwalipikasyon at mga dokumentong kinakailangan upang kayo ay mapabilang bilang isang Rehistradong Solo Parent sa aming tanggapan.
Para sa ibang katanungan at pagkuha ng form na sasagutan, magsadya sa LGU Compound MSWD Office, Buenavista Sablayan Occidental Mindoro at hanapin po ang ating nakatalagang Solo Parent Focal Person JOY S. AQUINO.
22/03/2023
Bilang pakikiisa sa Women's Month Celebration. Ang Municipal Social Welfare Development Office(MSWDO) ay nakiisa sa pagpapadaloy ng programa na isinagawa ng Muncipal Health Office (MHO) patungkol sa mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik katulad ng STI/HIV na naganap noong March 15, 2023.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Address
Sablayan, Occidental Mindoro
Sablayan
5104
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |