RidewithBry

RidewithBry

Share

Just a simple rider who wants to share his adventure with his motorcycle and at the same time, to en

Photos from RidewithBry's post 29/05/2021

Good Morning mga boss ☝️🖤
Rs sa lahat ng may rides ngayon 😁



Lets go!! ☝️

23/03/2021

Shoutout kay kuya MICHAEL ng Petron Espana cor. Blumentritt ☝️🔥🔥🔥

Share ko lang yung naging convo namin kanina mga boss 😅
Bale nagpagas ako kanina

Bry:boss unleaded po full tank (sinusian ko yung compartment at kusang umangat dahil sa seat dumper ko)

Michael:astig sir magkano bili mo?

B: 100 lang kuya dalawa na, naka miosporty ka rin po?

M: mura lang pala no? Hindi sir naka honda beat lang ako ayun po oh (sabay turo sa motor niya)

B:maganda yang honda beat kuya mabilis tsaka matibay din yan

M: oo sir, yan lang kasi nakayanan ko ng hulug hulugan eh

B: okay yan kuya tipid sa gas tsaka okay yang pang service sa araw araw

(Natuwa ako kay kuya kaya sabi ko bibigyan ko siya ng sticker ☝️)

B: kuya bigyan kita sticker ha?

M: anong sticker sir? (Parang nagulat siya sa sinabi ko)

(so kinuha ko na sa givi box yung sticker ko then nung iaabot ko na sa kanya)

B: kuya oh sticker baka may paggamitan ka

M: aay sir meron nako niyan binigyan mo nako nung nakaraan kaya pala pamilyar ka (sabay tawa tas tinuro niya yung sticker na nakadikit sa motor niya)

B: halaa boss pwedeng magpapicture sa motor mo pero syempre kasama ka

M: sige sir (sinabi niya ng nakangiti)

Wala natuwa lang ako mga boss kay kuya michael dahil sobrang down to earth niya kausap at ang bait pa 🙏

Saludo ako sayo kuya Michael dahil sa sipag mo, nakapagpundar ka ng sarili mong Motor. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na isa yun sa mga pinagpilian kong motor eh 😅

Sipag at tyaga lang talaga ang magaahon sating mga pangarap.

Kahit na mahirap ang buhay ngayon lalo na dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19, tuloy lang dapat ang laban.

Patuloy lang tayong maging mabuting tao sa iba at kabutihan din ang babalik sa atin.

Yun lang mga boss 👌
Ride safe always ☝️
Peace out ✌️

19/01/2021

May bago na namang pailaw si baby 🖤

Want your restaurant to be the top-listed Restaurant in Sampaloc?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address


Sampaloc