Timpucan - ICTHS

Timpucan - ICTHS

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Timpucan - ICTHS, High School, San Fernando.

28/08/2025

TARA NA’T MANOOD AT BUMOTO!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, tampok ang malikhaing galing ng ating mga Baitang 9 at 10 sa isang patimpalak ng Music Video ng Polosa Kapampangan!

Panoorin ang kanilang mga obra at iboto ang sa tingin mong pinaka-kahanga-hanga!

Bumoto sa pamamagitan ng Google Form sa link na ito:
https://docs.google.com/forms/d/1qoIXoBzEFJSdENkhND5UklR8irxKkUVG6WmFYtj3mcI/edit

⏰ Bukas lamang ang botohan hanggang 8:00 AM bukas ng umaga, kaya huwag magpahuli!

📌 Lahat ng kalahok ay may pahintulot ng magulang para lumahok sa paligsahan na ito.

27/11/2021

ICTHS, Isa Nang Ganap na Level 3 SBM-Accredited School sa Buong Rehiyon 3
ni Alyssa A. Alonzo

Opisyal nang kinilala ang Information and Communication Technology High School (ICTHS) bilang ganap na Level 3 School-Based Management (SBM) Accredited School sa buong Rehiyon 3 matapos ipagdiwang ang ikalawang taong programa ng Regional SBM Congress kahapon, ika-26 ng Nobyembre sa Pulungbulu, Angeles City.

Ayon kay DepEd Regional Office III-Director May B. Eclar, tanging 100 o humigit kumulang 3% ng mga nangungunang pampublikong eskwelahan sa buong Rehiyon 3 ang nakatatanggap pa lamang ng nasabing pagkilala.

Kabilang na rito ang tatlong pampublikong paaralan ng elementarya na mula rin sa City Schools Division of San Fernando, Pampanga (SDO-CSFP) na binubuo ng Del Rosario Elementary School, Sindalan Elementary School, at San Fernando Elementary School.

Mula naman sa mga pampublikong paaralan ng sekondarya sa Dibisyon ng San Fernando, kasama ng ICTHS ang Sta. Lucia Integrated School at Telabastagan Integrated School sa pagtanggap ng naturang prestihiyosong pagkilala.

Samantala, binigyang-linaw naman ni Bb. Eclar na ang nasabing programa ay hindi lamang sumesentro sa pagkilala sa 100 paaralan mula sa Rehiyon 3 na pumasa sa masalimuot na proseso ng SBM Accreditation, bagkus ito rin umano ang nagsisilbing-daan para higit na mabigyan ng pagpupugay ang dedikasyon at pagsisikap na ipinamalas ng lahat ng mga taong tumulong at nakibahagi sa aktibidad para maging ganap itong matagumpay sa kabila man ng kinahaharap na pandemya.

Edit ni Shaun Sagmit

27/10/2021

Oras na para buksan ang pinto ng ginintuang pagkakataon upang mapabilang sa samahan ng Timpucan!

Pumunta lamang sa link na ito: https://forms.gle/pJwZht8acwunJoUVA at punan ng mga hinihinging impormasyon ang bawat patlang na nakalaan sa nasabing form. Pagkatapos sagutan, hintayin lamang ang confirmation message pati na ang iba pang mga detalye na ipadadala sa iyong email address.

Alalahanin na ito ay magsisilbing preregistration para sa gaganaping School Press Conference (SPC) sa susunod na buwan.

Edit ni Aerish Simbulan

Want your school to be the top-listed School/college in San Fernando?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Culinary Team

Attire

Website

Address


San Fernando
2000