One-yll22
SPOKEN WORD POETRY🌹❤
07/04/2025
Ang puso kong Nanahimik
By. One-yll22
Tumibok nanaman ang puso kong nanahimik sa isang taong ngayun ko lang nakilala at naka usap ng husto. Hindi ko na alam gagawin ko at hindi narin maalis pa saaking imahinasyon ang kayang mukha, at mapupungay niyang mga mata parang mababaliw na ata ako kasi ngumingiti na akong mag isa sa na nakasandal sa isang punong acasya.
Hindi naman bago saakin ang ganitong nararamdaman pero bakit ganito ang hirap na kalimutan siya at hindi ko na siya makalimutan umiibig nanaman ba ako sa isang taong hindi ko alam kung umiibig narin ba siya saakin. Ang hirap kasing sumugal ulit sa pag ibig ayaw ko ng matalo at ayaw ko naring mag pa ubaya o ipaubaya ulit sa ibang tao.
Nung una hindi naman ako na niniwala sa love at first sight nayan peste naman oh bakit ganito siguro na love at first sight na yata ako sa isang tao, at sa kaklase ko pang binibiro lamang ako at isa pa yung pa-cute niyang dance step.. Ahy ayaw ko ng mag mahal hahayaan ko nalang itong nararamdaman kong paghanga sakanya sana isang araw makakalimutan ko ang mga nangyari sa mga oras na'ito kasi ayaw ko ng mag mahal ulit ng isang taong hindi naman ako ang gusto o mahal.
12/03/2025
Ikaw at Ako
By: One-yll22
Ikaw at ako na masayang nag hahabulan sa gitna ng tirik na araw na ngayun ko lang ulit naranasan at hindi ko na mamalayan bumalik saakin yung dating saya, at bumalik ulit ang alalang ginagawa Pala natin ang nag hahabulan.
Sa tagal ng yun naalala ko din nung mga panahong hindi pa tayo nag ka hiwalay at parehas ng oras, Sana hindi nalang ako umalis at mas piniling lumayo nalang ako sayo ngayun malabo ng mangyari na palagi tayong nag aasaran at nag hahabulan kasi bihira nalang tayo sa ganitong estado ng mga buhay natin.
Buti nalang na bigyan ulit ako ng oras at pag kakataong magawa ulit nating dalawa ang ginagawa natin noon kahit na malayo at mag ka iba na tayo ng oras wala paring nag babago saating dalawa, parang mga batang paslit na nakatas sakanilang ina na walang pakelam kung magagalit basta ma kalaro lang ng habulan at satingin nating dalawa doon lang tayo masaya.
04/03/2025
Baka Sakaling makita mo ang halaga ko..
By. One-yll22
Nag babakasakali akong makita mo rin ang halaga ko para hindi na kita hahabulin pa ng tingin pag nakikita kita.
Baka sakaling mahalin mo rin ako Gaya ng pag mamahal mo sa taong mahal mo na papagod at nasasaktan din ako nakikita mo Lang naman ang halaga ko pag wala siya at hindi mo siya nakaka sama.
Yung tipong ako yung na didito at nakakasama mo pero siya at siya parin ang hinahanap-hanap mo, Mas masakit pa sa sampal ang nararamdaman ko satuwing siya Yung hinahanap mo at palagi mong sinasambit.
Nag babakasakali lang ako kahit na isa o dalawang beses lang na ako naman ang bigyan mo ng halaga at pansin o di kaya ako naman ang hanapin mo kahit isang saglit lang. Hindi mo naman kasi nakikita at napapasin na nasasaktan narin ako sa paulit ulit mong sinasabi na siya lang ang mahal mo at type mo, at sa pag alis mo kasabay ng pag tulo ng mga luha sa aking mga mata.
02/03/2025
Muling Pag Tatagpo ng landas nating Dalawa
By. One-yll22
Yung tipong bumalik lahat ng masasayang araw at sakit at pasakit na naramdaman ko sa tuwing nakikita kitang tumatawa sa piling na ng iba hindi ko kayo kayang tignang dalawa kasi nag seselos ako, Na-alala ko pa Yung mga araw na huli tayong nag kita at nag kasama nakikita ko naman sayo yung tuwa sa iyong mukha pero hindi gaya ng tuwa at Saya sa'yong mukha ngayun ni isa hindi mo manlang ipakita saakin na Kaya mo din palang mas maging masaya.
Kung ibabase natin sa panahon ngayun Yung tuwa at saya mo sa piling ng bago mong minamahal malayong malayo kumpara nung panahong ako pa yung kasama mo at minamahal mo.
Kahit papaano nakita ko sa'yong mga mata ang saya nung na kita mo ulit ako kahit na mai kasama kanang iba at hindi mo na tiis, At napayakap ka ng pabigla-bigla saakin doon tumigil ang mundo ko wala na nga akong pake kung anong sasabihin ng iba o sasabihin ng kasama mo ang mahalaga lang saakin ang pag yakap mo ulit ng matagal at mahigpit.
09/02/2025
MISS NA KITA
By: One-yll22
Miss na kita, miss ko na Yung dating ikaw. Kailan ka babalik sa dati, Nanibago na ako sa pinapakita mo saakin. Hindi nalang Sana kita pina ubaya sa taong hindi mo naman pala totoong mahal, Hindi kana sana dumating pa sa puntong nag bago ka dahil lang sa nangyaring Pina ubaya kita. Nag sisi akong nakikita kitang nag bago kana ng dahil saakin kung mag babalik ko Lang sana yung panahon at araw na pinaubaya kita, Sana hindi ko nalang ginawa at kahit hindi ko naman ginawa hindi parin tayo pwede. Kung pag bibigyan man ulit ako ng panahon na mag mahal ulit ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko my Moreno guy I miss your voice and I miss your smile pero hanggang sa alala nalang ang lahat ng yun, kahit pag balik baliktarin parin ang mundo ikaw parin yung lalaking pinaka mamahalin ko.
20/08/2024
IKAW AT AKO SA PANAGINIP
By: One-yll22
Paano ko sasabihin sa'yo at Uumpisahan Kung wala akong lakas ng loob Para sabihin sayo ang lahat lahat. Para malaman mo Kung bakit ba ako nawala at hindi na nag paalam sayo ng maayos eh kasi nga, kasi nga diba naging complikado na ang buhay ko at naging complikado narin ang buhay mo dahil sa dinami-rami narin ng problema mo ayaw ko ng dumagdag sa problema mo at ayaw ko narin maging pabigat pa sayo.
Mas mabuti na yung ma mimiss nalang kita kesa naman umabot pa sa hindi na kita Kaya pang tignan o titigan at hindi narin kita gustong makita dahil masasaktan lang ako kung humantong pa tayo saganito Yung parang isang magandang panaginip nalang ang lahat nung nakilala kita na bigla nalang napunta sa isang bangungut na panaginip ang lahat.
Dito kasi sa panaginip pwede akong mangarap na meron tayong dalawa eh, pwede rin akong maniwala kasi hindi naman to totoo pag gising ko at pag balik sa reyalidad babalik ang lahat sa dati kung sa ano ang totoo at sa Kung anong totong tayo baka kasi wala tayong lugar para sa isa't isa sa totoong buhay o sa reyalidad..
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Dallangayan Oeste
San Fernando