Architect Ed

Architect Ed

Share

Architect Vlogger, Architectural Design & Build Services

19/06/2026

𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗢𝗦, 𝗣𝗔𝗔𝗡𝗢 𝗜𝗗𝗘𝗦𝗜𝗚𝗡?

Maraming bahay ang maganda habang uso ang design. Pero paglipas ng ilang taon, halatang naiwan na sa trend.

Para magkaroon ng bahay na hindi madaling maluma:

• Huwag lang sumunod sa kung ano ang uso ngayon. Ang trends ay nagbabago halos bawat dekada. Based on experience, ang sikat ngayon ay maaaring maging outdated bukas.

• Gawing bespoke ang design. Tailor-fit ito sa iyong panlasa, pangangailangan, at lifestyle. Mas tumatagal ang halaga ng design kapag tunay na ikaw ang nakikita sa bahay.

• Piliin ang timeless na architecture at materials. Ang simple, balanced, at well-proportioned na design ay mas matagal ma-appreciate kaysa sa mga panandaliang trend.

• Isaalang-alang ang pagiging future-proof. Magplano para sa lumalaking pamilya, bagong teknolohiya, at pagbabago ng pangangailangan sa paglipas ng panahon.

• Gawing environment-friendly. Ang energy-efficient at sustainable na bahay ay hindi lang maganda ngayon, kundi praktikal at relevant pa rin sa mga susunod na taon.
Ang bahay na hindi nalalaos ay hindi iyong pinakasikat. Ito ang bahay na maayos ang disenyo, akma sa may-ari, at handa para sa hinaharap.

16/06/2026

Hindi natin kaya labanan ang nature pero pwede natin bawasan ang damage at maka-survive tayo sa malakas na puwersa ng kalikasan kung…

12/06/2026

𝗣𝗥𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗗 𝗖𝗢𝗡𝗦 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗢𝗙 𝗗𝗘𝗖𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗢𝗬 𝗛𝗢𝗨𝗦𝗘

Maraming nagpapalagay ng roof deck dahil modern ang dating at dagdag space. Pero bago ka mag-decide, ito ang dapat mong malaman.

𝗣𝗥𝗢𝗦
𝗔𝗱𝗱𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗽𝗮𝗰𝗲
May extra area ka para sa family gatherings, BBQ, coffee mornings, o simpleng tambayan.
𝗠𝗮𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗩𝗶𝗲𝘄
Kung maganda ang paligid, sulit ang roof deck lalo na sa sunrise, sunset, at evening relaxation.
𝗙𝘂𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗘𝘅𝗽𝗮𝗻𝘀𝗶𝗼𝗻
Parang naka-ready ka na sa future. Kapag gusto mong dagdagan ng isa pang floor, mas madali na itong idevelop.

𝗖𝗢𝗡𝗦
𝗥𝗶𝘀𝗸 𝗼𝗳 𝗟𝗲𝗮𝗸𝘀
Real talk, halos kalahating taon umuulan sa Pilipinas. Concrete is naturally porous kaya kapag hindi tama ang waterproofing at maintenance, possible ang leaks over time.
𝗠𝗮𝘀 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹
Additional structural requirements, waterproofing system, railings, at finishing works pa lang, dagdag gastos na agad.
𝗡𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗺𝗯𝗮𝗸𝗮𝗻
Sa maraming bahay, excited lang sa umpisa. After a few years, nagiging storage area na lang dahil bihira nang gamitin.

𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟 𝗧𝗔𝗞𝗘
Kung may magandang view at alam mong magagamit mo talaga, malaking value ang roof deck. Pero kung "for looks" lang at walang clear purpose, baka mas practical ilaan ang budget sa ibang bahagi ng bahay.

Want your business to be the top-listed Home Improvement Business in San Jose del Monte?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


San Jose Del Monte
3023