San Isidro Labrador - Bayotbot
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from San Isidro Labrador - Bayotbot, Catholic Church, San Jose.
16/05/2026
πππ₯π’π ππ²ππ§π π€ππ©π’π¬πππ‘ππ§ πππ§π²π¨π« πππ§ ππ¬π’ππ«π¨ ππππ«πππ¨π«, ππ§π πππ€π’π₯ππ§π π©πππ«π¨π§ π§π π¦π π π¦ππ π¬ππ¬ππ€π.
πππ² ππ, ππππ | Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa sa Motorcade 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng ating mahal na patron na si San Isidro Labrador.
Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa mga bumubuo ng Fiestejos, sa ating mga Barangay Councils, mga magulang, at higit sa lahat sa ating mga kandidata na naglaan ng kanilang oras, pagod, at walang sawang suporta upang maging matagumpay at makabuluhan ang ating pagdiriwang ng kapistahan.
ππ’π―π! πππ§ ππ¬π’ππ«π¨ ππππ«πππ¨π« ππ’π―π!
15/05/2026
ππ’π¬πππ§π πππ«ππ§π ππ₯ π€ππ² πππ§ ππ¬π’ππ«π¨ ππππ«πππ¨π«, ππ§π πππ€π’π₯ππ§π π©πππ«π¨π§ π§π π¦π π π¦ππ π¬ππ¬ππ€π.
Ang pamayanan ng San Isidro Labrador, Bayotbot ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng taong naging bahagi ng pagdiriwang na ito, sa ating mga fiestejos sa pangunguna ni
G. Sandy Pondanera. taos-pusong pasasalamat din sa lahat ng Barangay Official sa pangunguna ng ating butihing Kapitan, Salvador Manzano, sa mga kandidata at sa magulang. Mas lalong higit sa ating Chaplain Priest Rev. Fr. Ronnie Talaver, MMMP. Ang inyong oras, pagod, suporta, at pakikiisa, ay naging mas makulay at makabulugan ang ating selebrasyon.
Nawaβy patuloy tayong pagpalain ni San Isidro Labrador ng masaganang biyaya at matatag na pananampalataya. Maraming salamat po at pagpalain tayong lahat!
ππ’π―π! πππ§ ππ¬π’ππ«π¨ ππππ«πππ¨π« ππ’π―π!
15/05/2026
πππ₯π’π ππ²ππ§π π€ππ©π’π¬πππ‘ππ§ πππ§π²π¨π« πππ§ ππ¬π’ππ«π¨ ππππ«πππ¨π«, ππ§π πππ€π’π₯ππ§π π©πππ«π¨π§ π§π π¦π π π¦ππ π¬ππ¬ππ€π.
Sa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang kanyang kabanalan, sipag, at matibay na pananampalataya na nagsisilbing inspirasyon sa bawat pusong patuloy na nagsusumikap. Siya ang paalala na sa bawat butil ng pawis at dasal, may biyayang darating sa tamang panahon.
Nawaβy patuloy niyang gabayan ang ating mga magsasaka, pagpalain ang kanilang bukirin, at pagkalooban ng masaganang ani at matiwasay na buhay. Ang pista na ito ay hindi lamang selebrasyon kundi isang pasasalamat sa tiyaga, sakripisyo, at pag-asa.
πππ§ ππ¬π’ππ«π¨ ππππ«πππ¨π«, π’π©ππ§ππ₯ππ§π π’π§ π¦π¨ π€ππ¦π’.
08/05/2026
ππ π π¨π©π’π¬π²ππ₯ π§π π€ππ§ππ’ππππ π©ππ«π π¬π π©ππ π©ππ©ππ«ππ§π ππ₯ π€ππ² πππ§ ππ¬π’ππ«π¨ ππππ«πππ¨π«, ππ§π π©πππ«π¨π§ π§π π¦π π π¦ππ π¬ππ¬ππ€π.
Inaanyayahan po namin ang bawat isa na saksihan ang Coronation Night 2026 na gaganapin sa May 14, 2026, ganap na ika-7:00 ng gabi, bilang bahagi ng makabuluhang pagdiriwang ng kapistahan ng ating mahal na patron.
Ang gabing ito ay hindi lamang pagpapakita ng kagandahan, kundi higit sa lahat ay pagpaparangal sa pananampalataya, kasipagan, at kababaang-loob na naging halimbawa ni San Isidro sa ating pamayanan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
San Jose
5100