San Jose Rural Health Unit - Romblon

San Jose Rural Health Unit - Romblon

Share

The Official Page of San Jose (Romblon) RHU. Follow us and get updated with the latest health programs and activities.

Photos from Romblon Provincial Hospital's post 27/04/2026

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎 |

Narito ang opisyal na price list ng mga serbisyo sa Romblon Provincial Hospital para sa Laboratory, X-ray, Ultrasound, at CT Scan.

17/04/2026

LIBRENG CHECK-UP.. pero... SURE KA NA BA DIYAN?

Maging WAIS sa pagpili ng iyong PhilHealth YAKAP Clinic!

Huwag basta-basta magparehistro. Tiyakin na ang inyong mapipiling YAKAP Clinic ay tunay na tumutugon sa inyong pangangailangan!

Narito ang ilan sa mga bagay na dapat ninyong tandaan:

✅ MALAPIT BA SA INYO? Piliin ang klinika na madaling puntahan mula sa inyong bahay o trabaho. Dapat yung hindi na kayo gagastos ng malaki sa biyahe para lang magpa-checkup o kumuha ng inyong gamot o laboratory test.

✅ KUMPLETO BA ANG SERBISYO AT GAMOT? Tiyakin na nag-aalok ng konsultasyon, laboratoryo, at mga kinakailangang gamot. Dapat EVERY MONTH ninyong nakukuha ang inyong libreng maintenance na gamot mula sa inyong napiling YAKAP Clinic.

✅ MAAYOS BA ANG PASILIDAD AT SERBISYO? Siguraduhing malinis ang klinika at maasikaso ang mga doktor at staff. Dapat maayos magpaliwanag, hindi laging nagmamadali, at ramdam ninyo ang malasakit nila para sa inyong paggaling.

✅ TAPAT AT MAAYOS MAGPALIWANAG? Humanap ng klinikang tapat at malinaw magpaliwanag. Dapat ay sinasabi sa inyo ang inyong mga benepisyo at maayos na ipinapaliwanag ang mga proseso kung paano ito gagamitin. Walang hidden charges at walang kalituhan, para iwas budol!

⚠️ MAHALAGANG PAALALA:
Ang inyong pagpaparehistro o empanelment ay magtatagal ng isang (1) buong taon. Ibig sabihin, "locked-in" kayo sa inyong napiling klinika at hindi ninyo makukuha ang mga libreng YAKAP benefits (gaya ng libreng gamot, check up at laboratory) sa ibang pasilidad sa loob ng panahong ito.

Kaya naman, huwag magmadali. Piliin ang YAKAP Clinic na TUNAY NA MAG-AALAGA sa inyo!

Magparehistro nang tama. Mag-YAKAP na sa tamang klinika! 🩺✨

Want your business to be the top-listed Health & Beauty Business in San Jose?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Carabao Island Provincial Road
San Jose
5510

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm