Kabataan ng Damayang Filipino - San Rafael
This is the Official page of Kabataan ng Damayang Filipino - San Rafael
02/03/2026
MABUHAY AT MALIGAYANG BATI!
HUWARANG FILIPINO AWARDS 2026
IGG. GOBERNADOR DANIEL R. FERNANDO - AWARDEE 🇵ðŸ‡ðŸ‡µðŸ‡ðŸ‡µðŸ‡
MENSAHE NG AMA NG LALAWIGAN. SA GABI NG PARANGAL
"Magandang gabi po sa lahat. Taos-pusong pagbati sa mga bumubuo ng Huwarang Filipino Awards 2026, sa ating mga kapwa pinarangalan, at sa lahat ng panauhing nagbibigay-ningning sa gabing ito.
Sa ngalan ng Lalawigan ng Bulacan, ako po ay buong pagpapakumbabang nagpapasalamat sa pagkilalang ito. Higit sa isang parangal, ito ay isang paalala… na ang TUNAY NA LIDERATO AY NASUSUKAT SA MALASAKIT AT HINDI SA PAGMAMALABIS SA KAPWA, GAYUNDIN SA PAGDAMAY SA MGA MAMAMAYAN LALU NA SA MGA HIGIT NA NANGANGAILANGAN.
Iniaalay ko ang karangalang ito sa bawat mamamayang Bulakenyo na patuloy na nagsusumikap para sa mas magandang kinabukasan. Kayo po ang tunay na huwaran, kayo po ang aking inspirasyon at kalakasan.
Sa kabila ng maraming pagsubok sa aking pagkatao, lalo pa po nating pagtitibayin ang ating mga programa para sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, at imprastraktura.
Taos-pusong pasasalamat sa pamunuan ng Huwarang Filipino awards. Salamat po sa pagbibigay-pansin at malaking paniniwala sa aking tunay na pagkatao sa pamamagitan ng PAGPAPAHALAGA SA MARAMING TAON NG AKING TAHIMIK NA PAGLILINGKOD SA ATING MGA KABABAYAN.
Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay itinataas natin sa Poong Maykapal na siyang pinakamakapangyarihan sa lahat.
Maligayang bati at mabuhay ang Huwarang Filipino!"
~ GOBERNADOR DANIEL R. FERNANDO
30/12/2025
30/12/2025
Sa paggunita ng Araw ni Dr. Jose Rizal, sariwain natin ang diwa ng isang kabataang nagmahal sa bayan sa pamamagitan ng talino, tapang, at malasakit.
Kabataan, ikaw ang tinig ng kasalukuyan at pag-asa ng kinabukasan. Gamitin ang kaalaman at ipagpatuloy ang adhikaing iniwan ni Rizal—isang Pilipinas na may dangal at katarungan. 🇵ðŸ‡âœ¨
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
San Rafael
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |