Paseo HOA Admin

Paseo HOA Admin

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Paseo HOA Admin, Management Service, Paseo de San Roque Village Ph 2 Clubhouse, San Rafael.

Photos from Paseo HOA Admin's post 13/02/2026

Mapagpalang araw po sa ating lahat, mga taga-Paseo!

Nais po naming ipaalam sa ating mga miyembro na naipaayos na po ang linya ng kuryente sa ating guardhouse. Bukod pa rito, nakapagdagdag din po tayo ng tatlong (3) ilaw at isang (1) emergency light sa guardhouse, gayundin ng tig-tatlong (3) floodlights sa Phase 1 at Phase 2 Clubhouse.

Ang pondong ginamit para sa proyektong ito ay nagmula sa ating sama-samang kontribusyon. Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa sa ating HOA.

Hinihikayat po namin ang lahat na ipagpatuloy ang pagtutulungan at pagsuporta upang unti-unti nating mas mapaayos, mapaganda, at mapanatiling ligtas ang ating komunidad.

Maraming salamat po at mabuhay ang ating samahan!

04/02/2026

Magandang araw po, mga taga-Paseo!

Mayroon pong libreng anti-rabies vaccination ang ating barangay ngayong araw. Nandito po sila sa Clubhouse, Phase 1, at hanggang 9:30 AM lamang po sila dito.

Inaanyayahan po namin ang lahat na dalhin at pabakunahan ang kanilang mga alagang a*o o pusa upang makaiwas sa rabies at mapanatiling ligtas ang ating komunidad.

Maraming salamat po!

09/01/2026

Paalala po sa ating mga miyembro:

Pinaaalalahanan po ang lahat na mag-update na ng kanilang Monthly Dues (MD), lalo na po ang mga nagpa-partial payment. Kasalukuyan po kaming nag-u-update ng listahan upang maiwasan po ang anumang abala sa inyo.

Pakiusap din po na iwasan ang pagkuha o pagsabay ng basura ng mga kapitbahay na hindi pa nag-u-update ng kanilang MD upang maiwasan po ang pagkadamay sa parusa. Sa tulong po ng MENRO San Rafael, magkakaroon po ng kaukulang parusa sa bawat paglabag.

04/01/2026

Ipinapaalam po namin na ang office hours natin ngayon ay mula 2:00 PM hanggang 6:00 PM, dahil magpapasa po tayo ng mga kinakailangang report sa DHSUD.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta.

Want your business to be the top-listed Business in San Rafael?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Paseo De San Roque Village Ph 2 Clubhouse
San Rafael
3008

Opening Hours

Monday 8am - 12pm
Tuesday 8am - 12pm
Wednesday 8am - 12pm
Thursday 8am - 12pm
Friday 8am - 12pm
Saturday 2pm - 6pm