CFGHS centts club
" in CENTTS, we make SENSE "
19/03/2024
𝐌𝐀𝐓𝐄𝐑𝐈𝐀𝐋𝐒 𝐑𝐄𝐂𝐎𝐕𝐄𝐑𝐘 𝐅𝐀𝐂𝐈𝐋𝐈𝐓𝐘 𝐌𝐎𝐍𝐈𝐓𝐎𝐑𝐈𝐍𝐆
𝐌𝐎𝐍𝐃𝐀𝐘 | 𝐌𝐀𝐑𝐂𝐇 𝟏𝟏 𝟐𝟎𝟐𝟒
Ang pagiging ligtas at malinis ay isa sa mga katangian ng bawat mag-aaral na Carlosians. Kaya’t upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa ating sintang paaralan Carlos F. Gonzales High School, ang mga opisyal ng centts club ay nagkaisa at naglaan ng sapat na oras para mabigyang gabay at disiplina ang mga estudyante na nag tatapon sa ating Materials Recovery Facility (MRF) at para masanay sa palagiang pagsesegregate ng anumang basura na siyang magsisilbing dahilan upang tayo ay makaiwas sa anumang uri ng sakit.
Kaugnay rito ay ang paghihiwalay ng mga basura sa nararapat nitong paglagyan, tulad ng papel, karton, at plastic bottles. Ito ay makatutulong upang mas mapadali ang pangongolekta ng basura ng ating Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) of San Rafael Bulacan.
Nagkaroon ito ng katagumpayan sa pamamagitan ng paggabay ng ating mga natatanging club adviser Ma’am Sheryl R. Fulgencio katuwang ang ating club co-adviser Ma’am Marissa V. Mallillin.
•𝐈𝐍 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐓𝐒, 𝐖𝐄 𝐌𝐀𝐊𝐄 𝐒𝐄𝐍𝐒𝐄•
13/03/2024
𝐓𝐈𝐆𝐍𝐀𝐍 | "𝐂𝐋𝐄𝐀𝐍 𝐄𝐍𝐕𝐈𝐑𝐎𝐍𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐓𝐇𝐑𝐎𝐔𝐆𝐇 𝐓𝐑𝐀𝐒𝐇 𝐒𝐄𝐆𝐑𝐄𝐆𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐋𝐎𝐆𝐀𝐍 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐒𝐓"
Nagpamalas ng husay at talento sa larangan ng sining ang mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Carlos F. Gonzales sa pamamagitan ng pagguhit patungkol sa patuloy na pagmamahal at pag-aalaga sa ating Inang Kalikasan.
Narito ang mga obra ng mag-aaral na Carlosians na nagtuon ng oras at panahon upang bigyang pansin ang ating Slogan Making Contest na handog ng buong samahan ng CENTTS Club na may temang "𝐂𝐋𝐄𝐀𝐍 𝐄𝐍𝐕𝐈𝐑𝐎𝐍𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐓𝐇𝐑𝐎𝐔𝐆𝐇 𝐓𝐑𝐀𝐒𝐇 𝐒𝐄𝐆𝐑𝐄𝐆𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐋𝐎𝐆𝐀𝐍 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐒𝐓".
Nagkaroon ito ng katagumpayan sa pamamagitan ng paggabay ng ating mga natatanging club adviser Ma’am Sheryl R. Fulgencio katuwang ang ating club co-adviser Ma’am Marissa V. Mallillin.
•𝐈𝐍 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐓𝐒, 𝐖𝐄 𝐌𝐀𝐊𝐄 𝐒𝐄𝐍𝐒𝐄•
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Website
Address
Maguinao
San Rafael
3008