DepEd Pasong Inchik Elementary School 105126 - Bulacan
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Pasong Inchik Elementary School 105126 - Bulacan, School, San Rafael.
20/07/2026
Protips - July 20, 2026
Timing is Everything
By Maloi Malibiran-Salumbides
Malaking bagay ang tamang panahon sa negosyo, pag-ibig, pag-aaral at maraming pang aspekto ng buhay. Kahit sariwa ang isda na gusto mong ihain kung ito ay undercooked, hindi ito masarap kainin, maliban na lang kung sushi o kilawin ang plano mong gawin. Ang pag-ibig, kahit na sa tamang tao, kung mali naman ang panahon, ay magiging hinog sa pilit pa rin. Sa trabaho, kahit mahusay ang isang tao, kapag napromote ng wala sa panahon, hilaw pa rin. Sa negosyo naman, kahit pagkaganda-ganda ng isang konsepto, kung hindi napapanahon, ay mahirap pa rin tangkilikin ng mga mamimili. Timing is everything. Pero paano mo nga ba malalaman kung ngayon na ang tamang panahon?
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspirado at productive na pagtatrabaho at pagnenegosyo.
Paano mo malalaman kung ngayon na ang tamang panahon para isakatuparan ang iyong mga balak at plano sa iyong trabaho at buhay?
1) Ask yourself. Tanungin mong mabuti ang sarili mo, handa ka na ba? Kaya mo na ba? At kahit mahirapan ka, kakayanin mo ba? Sometimes we get too excited with the thought of change, promotion and expansion that we fail to count the cost of having added responsibilities. Timbangin mo kung ano ang mga bagay na kailangan mong gawin at baguhin para sa gusto mong gawin. Kaya mo bang ibigay ito? If your heart, mind and body are in agreement that you are indeed ready, baka nga, ngayon na ang tamang panahon. Pero kung nagtatalo pa ang puso at utak mo, huwag ka munang sumige. You should be 101% sure of what you are getting into.
2) Ask others. Hindi masamang magtanong sa iba, lalo na ang mga taong nagmamalasakit sa iyo kung napapanahon na nga ba ang iyong mga plano. Ang sabi sa Proverbs 15:22, "Plans fail for lack of counsel, but with many advisers they succeed."
3) Ask God. Ang pinakamabuting pagtanungan kung kailan ang tamang panahon ay ang Diyos. Ang sabi sa Eccelesiastes 3:11, "Yet God has made everything beautiful for its own time. He has planted eternity in the human heart, but even so, people cannot see the whole scope of God's work from beginning to end." Limitado ang ating kaalaman. Kahit na magplano tayo ng magplano, hindi pa rin natin alam kung ano ang eksaktong mangyayari bukas o sa mga darating na panahon. Pero ang lahat ng ito ay alam ng Diyos. Kaya Siya lamang talaga ang nakaaalam kung ano ang perfect timing para sa mga nais mong gawin. If you are truly wise, you will consult God and commit your plans to Him.
Sa kantahan, mahalaga ang timing. Kahit na pagkaganda-ganda ng boses ng isang mang-aawit, kung wala naman sa tiempo, hindi pa rin ito masarap pakinggan. Mahalaga ang timing, mainam na naghihintay tayo sa tamang panahon.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
07/07/2026
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Address
San Rafael
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |