DepEd San Rafael Central School 105133-Bulacan
The official page of San Rafael Central School. It is developed to provide up-to-date school information.
09/07/2026
Announcement to our Dear Alumni.
03/07/2026
Ikaw ba ay nagtapos sa Paaralang Sentral ng San Rafael or Paaralang Elementarya ng San Rafael? Sali na sa ating facebook group upang manatiling updated!
Sundan ang link sa ibaba 👇
https://www.facebook.com/share/g/18xM7xArqM/
19/06/2026
June 18, 2026
Duck, Cover, and Hold! Isang hakbang tungo sa mas ligtas at handang paaralan.
Ang kahandaan ay susi sa kaligtasan. Sama-samang nagsagawa ng Earthquake Drill ang mga g**o at mga mag - aaral ng Paaralang Sentral ng San Rafael upang mas mapalakas ang ating kakayahan sa pagtugon sa oras ng lindol.
18/06/2026
Taos-pusong pasasalamat po ang ipinapaabot ng aming paaralan kina G. at Gng Marwin Alcarde, Gng. Fatima Talusan, G. John Harvie Vizcara, Bb. Miles Correa, Igg. Emol at Mariz Dionisio, SRNTS-MPC at sa lahat ng mga nagpaabot ng tulong sa anumang kaparaanan na ayaw magpabanggit ng pangalan.
Ang inyong bukas-palad na pagbabahagi ay malaking tulong sa patuloy na paghahanda at pagpapaganda ng ating paaralan para sa darating na pagbubukas ng klase. Higit pa sa mga materyales na inyong ibinigay, ang inyong malasakit at suporta ay nagbibigay-inspirasyon sa buong komunidad na makiisa para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.
Maraming salamat po sa inyong kabutihan at pagiging katuwang sa pagtataguyod ng de-kalidad na edukasyon. Nawa’y patuloy kayong pagpalain at gantimpalaan ng masaganang biyaya sa inyong buhay.
“Ang bawat munting tulong ay nagiging malaking pagbabago kapag ito’y iniaalay para sa ikabubuti ng mga bata at ng paaralan.”
11/06/2026
Ang matagumpay na edukasyon ay nagsisimula sa matibay na pagtutulungan ng paaralan at tahanan.
Naging matagumpay ang isinagawang Parents’ Orientation ng Paaralang Sentral ng San Rafael na naglalayong palakasin ang ugnayan ng paaralan at tahanan para sa mas maayos at matagumpay na pagkatuto ng ating mga mag-aaral.
Maraming salamat po sa mga magulang na naglaan ng oras upang makibahagi at makiisa sa mga programa at layunin ng paaralan. Ang inyo pong pakikilahok ay patunay ng inyong pagmamahal at suporta sa inyong mga anak at sa paaralan. Sama-sama nating ihanda ang mga bata tungo sa isang ligtas, masaya, at matagumpay na taon ng pagkatuto.
11/06/2026
🚨 Ligtas ang may alam, ligtas ang handa!
Matagumpay na isinagawa ng Paaralang Sentral ng San Rafael ang unang Earthquake Drill para sa taong pampanuruan 2026 - 2027. Naglalayon itong ihanda ang lahat sa tamang pagtugon sa panahon ng lindol. Sa pamamagitan ng disiplina at pakikiisa ng bawat isa, mas napapalakas natin ang kultura ng kaligtasan sa ating paaralan.
Ang kahandaan ngayon ay susi sa kaligtasan bukas. Sama-sama tayong maging alerto at handa sa anumang sakuna!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Telephone
Website
Address
Delos Reyes Street , Libis
San Rafael
3008
Opening Hours
| Monday | 6am - 5pm |
| Tuesday | 6am - 5pm |
| Wednesday | 6am - 5pm |
| Thursday | 6am - 5pm |
| Friday | 6am - 5pm |