TCLGN Ball Busters

TCLGN Ball Busters

Share

Brgy. Tacligan Volleyball
🖤🤍💛

04/05/2026

𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗞𝗟𝗨𝗞𝗔𝗡!

Isang makasaysayang pagtatapos ang nasaksihan sa Tacligan Sports Center nitong Mayo 3 matapos hirangin bilang bagong hari ng court ang DITO Prepaid Foxies. Sa isang emosyonal at makapigil-hiningang Finals Game 2, tuluyan nang sinelyuhan ng Foxies ang serye sa pamamagitan ng isang five-set thriller laban sa defending champions na Fhakaru Prime V2 sa iskor na 3-2 (22-25, 25-7, 20-25, 25-19, 17-15). Hindi na hinayaan pa ng DITO na makahirit ng decider Game 3 ang Fhakaru, sa tulong ni Zeirrick Rayos na itinanghal bilang Player of the Game.

Ang tagumpay na ito ay itinuturing na "𝙪𝙡𝙩𝙞𝙢𝙖𝙩𝙚 𝙧𝙚𝙙𝙚𝙢𝙥𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙨𝙩𝙤𝙧𝙮" sa Barangay Tacligan; matatandaang noong nakaraang season, ang Foxies ang koponang unang nalaglag at kulelat na may 0-2 record, habang ang Fhakaru naman ang naghari bilang kampeon. Ngayong taon, binaligtad ng Foxies ang tadhana upang pabagsakin ang higante at agawin ang korona. Sa pagtiklop ng huling set, opisyal nang naitala ang DITO Prepaid Foxies bilang bagong kampeon ng Summer League 2026 Men's Volleyball!

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in San Teodoro?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Tacligan
San Teodoro
5202