Mayor Dinan Labung

Mayor Dinan Labung

Share

Engr. Dinan Labung, fondly referred to as the "darling of the masses," is a distinguished figure in Philippine civil engineering and public service.

15/06/2026

KAISA SA PAGGUNITA SA MT. PINATUBO ERUPTION | Kaisa po tayo sa paggunita sa pagputok ng Mt. Pinatubo. Nawa’y maipasa natin sa bagong henerasyon ang mahahalagang aral ng katatagan, pagkakaisa, at pagbangon ng mga Kapampangan.

Patuloy nating alalahanin ang bahaging ito ng ating kasaysayan bilang paalala na sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, anumang pagsubok ay malalampasan.

Mabilis ang aksyon at walang korapsyon!
miDINAN neng LABUNG ing B***N!

14/06/2026

DINAN LAB ADVICE | Lagi pong may baong mahahalagang payo at aral tungkol sa buhay may-asawa si Mayor Dinan Labung para sa mga ikinakasal. Sa pagkakataong ito, pinayuhan niya ang mga bagong mag-asawa na patatagin ang kanilang pagsasama at iwasang saktan ang isa’t isa, pisikal man o emosyonal.

Ayon po sa ating butihing Alkalde, ang matibay na pagsasama ay maihahalintulad sa isang gusali. Hindi ito basta-bastang naitatayo; kailangan itong pundasyunan ng pagmamahal, respeto, pasensya, at tiyaga upang maging matatag at pangmatagalan.

Mabilis ang aksyon at walang korapsyon!
miDINAN neng LABUNG ing B***N!

13/06/2026

TINGNAN | Nanumpa na po ang mga bagong halal na opisyal ng Youth Municipal Federation ng Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP) Sta. Ana sa isang oath-taking ceremony na pinangasiwaan ni Mayor Dinan Labung.

Patuloy po ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Sta. Ana sa mga programang naglalayong hubugin at palakasin ang kakayahan ng ating mga kabataan bilang mga susunod na lider ng komunidad.

Mabilis ang aksyon at walang korapsyon!
miDINAN neng LABUNG ing B***N!

Photos from Mayor Dinan Labung's post 12/06/2026

🇵🇭 INDEPENDENCE DAY 🇵🇭 | Ipinagdiwang po sa ating bayan ang ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas bilang paggunita sa katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan ng ating mga ninuno na nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan.

Pinangunahan po ni Mayor Dinan Labung kasama ang ating mga lingkod-bayan ang wreath-laying ceremony sa rebulto ni Dr. Jose Rizal sa harap ng munisipyo bilang pag-alala sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng ating bansa.

Nawa’y magsilbi itong paalala sa bawat isa na patuloy nating pahalagahan at ipagtanggol ang kalayaan sa pamamagitan ng pagiging mabuting mamamayan at sama-samang pagkilos para sa ikauunlad ng ating bayan at bansa.

Mabilis ang aksyon at walang korapsyon!
miDINAN neng LABUNG ing B***N!

11/06/2026

PIMPEÑO SA MUTYA NG PILIPINAS PAMPANGA | Nag-courtesy call po kay Mayor Dinan Labung si Dianne Clarisse Maniago, ang Mutya ning Sta. Ana 2024, na siyang magiging kinatawan ng ating bayan sa Mutya ng Pilipinas Pampanga.

Ipinagmamalaki po ng Sta. Ana ang kaniyang kakayahang maging inspirasyon sa ating mga kababayan. Buo po ang suporta ng ating lokal na pamahalaan at ng buong sambayanang Pimpeño sa kaniyang paglahok sa prestihiyosong patimpalak na ito.

Dalangin po natin ang kaniyang tagumpay habang buong husay niyang itinataas ang bandera ng Sta. Ana sa entablado ng Pampanga.

Good luck, Dianne!

10/06/2026

🌾 SUPORTA PARA SA MGA MAGSASAKA 🌾 | Nabigyan ng hybrid seeds, in**ed seeds, biofertilizer, vegetable seeds, at crop insurance assistance ang ating mga magsasaka sa pamamagitan ng isinagawang Seed Distribution Program.

Ibinahagi rin po ni Mayor Dinan Labung na lubos niyang nauunawaan ang sakripisyo at paghihirap ng ating mga magsasaka.

Tiniyak din ng ating butihing Alkalde ang patuloy na suporta ng pamahalaang bayan sa sektor ng agrikultura upang higit pang mapaunlad ang kabuhayan ng ating mga magsasakang Pimpeño.

Mabilis ang aksyon at walang korapsyon!
miDINAN neng LABUNG ing B***N!

Photos from Mayor Dinan Labung's post 10/06/2026

GOOD LUCK, TEAM STA. ANA! 🏀

Good luck po sa Team Sta. Ana na sasabak sa Governor’s Cup simula ngayong araw sa Bren Z. Guiao Convention Center.

Buo po ang suporta ng tanggapan ni Mayor Dinan Labung sa ating mga atletang Pimpeño.

Ipagmalaki po natin ang galing, disiplina, at pusong Pimpeño!

Photos from Mayor Dinan Labung's post 09/06/2026

TINGNAN | Nagpulong ang Municipal Development Council (MDC) sa pangunguna ni Mayor Dinan Labung bilang Chairman, kasama ang mga sectoral representatives at iba pang lingkod-bayan ng ating munisipyo.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga mahahalagang programa at proyektong kinakailangan ng ating mga kababayang Pimpeño upang higit pang mapaunlad ang serbisyo at kalidad ng pamumuhay sa Sta. Ana.

Patuloy na pinakikinggan at binibigyang-priyoridad ng ating lokal na pamahalaan ang mga pangangailangan ng mamamayan upang matiyak na ang bawat proyekto ay may direktang pakinabang para sa lahat ng Pimpeño.

Mabilis ang aksyon at walang korapsyon!
miDINAN neng LABUNG ing B***N!

Photos from Mayor Dinan Labung's post 08/06/2026

SAMA-SAMA SA PAGLABUNG NG STA. ANA | Sa isinagawang weekly flag-raising ceremony, binigyang-diin ni Mayor Dinan Labung ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat isa para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng ating bayan.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kabataang kabilang sa Special Program for Employment of Students (SPES) na makilala ang ating mga lingkod-bayan.

Naging abala rin ang ating butihing Alkalde sa pakikinig at pagtugon sa mga hinaing ng ating mga kababayan, gayundin sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Mabilis ang aksyon at walang korapsyon!
miDINAN neng LABUNG ing B***N

08/06/2026

Welcome back to school, dear Pimpeño students and teachers!

Nakaantabay po ang ating mga traffic enforcers at kapulisan upang masiguro ang maayos at ligtas na daloy ng unang araw ng klase.

Pagbutihin po ninyo dear students, para sa isang mas malabung na bukas!

Mabilis ang aksyon at walang korapsyon!
miDINAN neng LABUNG ing B***N!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Santa Ana?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


San Roque
Santa Ana
2022