Go Marinduque
Everything and Anything Marinduque!
22/09/2025
DR. ROMULO BACORRO, UUPO BILANG ACTING GOVERNOR HABANG NAKA-LEAVE SI GOV. MEL GO
Tatlong linggong uupo bilang Acting Governor si Vice Governor Dr. Romulo “Jun” Bacorro matapos mag-file ng leave of absence si Governor Mel Go upang bumiyahe sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya.
Ayon kay Bacorro, nararapat lamang umano na bigyan ng panahon si Governor Go para makapagpahinga matapos ang ilang buwan ng masusing trabaho at mabigat na responsibilidad bilang gobernador ng lalawigan. “Deserve naman po ni Gov. Mel ang pagkakataong ito para mag-relax at makasama ang kanyang pamilya. Hindi madali at nakaka-stress din ang pagiging gobernador,” pahayag ni Bacorro.
Samantala, ayon sa tala ng Civil Service Commission (CSC), ito na ang ikatlong pagkakataon na nag-file ng leave si Governor Go mula nang siya ay maupo bilang gobernador ng Marinduque.
Sa panahong ito, tiniyak naman ni Bacorro na ipagpapatuloy ng pamahalaang panlalawigan ang mga programa at serbisyo para sa mamamayan ng Marinduque habang pansamantalang wala si Gov. Go.
21/09/2025
100 ARAW NI CONGRESSMAN REYNALDO SALVACION, BINATIKOS DAHIL SA KAWALAN NG KONKRETONG NAGAWA PARA SA MARINDUQUE
Umabot na sa mahigit 100 araw mula nang maupo si Congressman Reynaldo Salvacion bilang kinatawan ng Marinduque, ngunit kabi-kabilang batikos ang kanyang kinakaharap dahil sa umano’y kawalan ng malinaw at kongkretong programa para sa pag-angat ng kabuhayan ng mga Marinduqueño.
Sa datos mula sa kanyang opisina, dalawa pa lamang ang naihain niyang panukalang batas, at kapansin-pansin na wala sa mga ito ang tuwirang nakatuon sa pagpapabuti ng antas ng pamumuhay at ekonomiya ng lalawigan na kanyang kinakatawan.
Ito ay taliwas sa kanyang matunog na pangako noong kampanya na “alam ko ang tunay na pangangailangan ng aking mga kababayan dahil ako’y isang tunay na Marinduqueño”. Marami ang nadismaya dahil sa kabila ng kanyang pagiging “native son” ng Marinduque, wala pa rin umanong nakikitang pagbabago o inisyatibong makakatulong sa mahahalagang sektor gaya ng agrikultura, pangisdaan, at turismo.
Ilan sa mga residente ang nagpahayag ng pagkadismaya at galit:
“Pinangakuan kami ni Salvacion na i-aangat niya ang buhay namin. Pero hanggang ngayon, puro salita lang. Wala pa kaming nakikitang proyekto para sa mga magsasaka o mangingisda,” ayon kay Mang Roberto, isang magsasaka mula Gasan.
Ayon naman kay Aling Teresa, isang market vendor mula Boac:
“Tatlong buwan na mahigit, pero parang wala tayong kongresista. Ni hindi natin ramdam ang kanyang presensya sa mga isyu dito sa probinsya.”
Sa kabila ng limitadong panahon, umaasa pa rin ang ilang sektor na magigising si Cong. Salvacion at gagamitin ang kanyang mandato upang maglatag ng mga makabuluhang hakbang para sa kaunlaran ng probinsya. Subalit sa ngayon, lumalakas ang panawagang panagutin siya sa kanyang mga ipinangako ngunit hindi natutupad.
Marami ang nagsasabing kung magpapatuloy ang ganitong kalakaran, baka hindi magtagal ay tuluyan nang mawala ang tiwala ng mga Marinduqueño kay Congressman Salvacion.
21/09/2025
TINGNAN: Umagaw ng atensyon si Christopher R. De Los Santos, kilalang vlogger ng Marinduque News Online, matapos makitang bitbit ang isang tarpaulin na may nakasaad na: “Velasco Political Dynasty, Huwag Ibalik sa Marinduque!” sa isinagawang rally sa Luneta nitong nakaraang linggo.
Gayunpaman, ayon sa ilang netizens, sandali lamang umano itong umakyat para magpakuha ng litrato at agad ding bumaba matapos makunan ng larawan. Dahil dito, marami ang nagduda sa tunay na layunin ng kanyang presensya sa nasabing kilos-protesta.
Bukod pa rito, kumakalat ang espekulasyon na si De Los Santos ay bayarang vlogger umano ni Vice Governor Romulo Bacorro, na matagal nang nakikita bilang matinding kritiko ng mag-amang Velasco sa pulitika ng Marinduque. Giit ng mga kritiko, malinaw umanong ginagamit si De Los Santos bilang instrumento upang atakehin ang pamilya Velasco.
Samantala, wala pang opisyal na pahayag si De Los Santos hinggil sa mga akusasyong siya ay pinopondohan para sa kanyang mga kilos laban sa mga Velasco. Subalit, marami na sa ating mga kababayan ang hindi na natutuwa sa kanyang mga ginagawa dahil wala naman talaga siyang alam sa nangyayari sa Marinduque.
09/05/2025
𝗖𝗛𝗥𝗜𝗦𝗧𝗢𝗣𝗛𝗘𝗥 𝗥. 𝗗𝗘 𝗟𝗢𝗦 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗢𝗦, 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗥𝗜𝗡 𝗡𝗔 𝗣𝗥 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗨𝗟𝗧𝗔𝗡𝗧
Sa pagsisiyasat, lumalabas na si Christopher R. De Los Santos ay binayaran ng mga taong may malisya at gustong lang manira. Nagtatago sa alias na “Christopher De Los Santos”, ang totoong pangalan niya ay Mapalad Ricafrente De Los Santos na walang permanenteng address.
Siya ay nag papakilala na Freelance Virtual Assistant o Journalist pero siya ay isang bayarin ng mga tao na gustong manira sa kapwa. Ayon sa imbestigasyon, si Mapalad ay tumitira sa apartment ng dating Vice Governor Bacorro sa Quezon Avenue at Arellano Street, Sitio Maligaya, Sta. Cruz sa harap ng Cardbank. Sa employment history ni Mapalad siya ay walang permanenteng hanap buhay. Ang mga dating employers ni Mapalad ay Cana Group, Exsight 36 Media, J & B Consumers Goods Trading, Fabricolti Mobili Trading, Unit Medical Electronic, Neuricode Software, Dream Design Builders, JC Premiere, Calle Messenger Courier, Fever & Cenoviates, MCYSIX Enterprises at Efastbreak Philippines. Dahil hindi siguro kumita ay napilitan gumawa ng Marinduque Online TV dahil binabayaran siya para manira sa Velasco dahil sa 2025 halalan. Bago pa man lumabas ang mga posts ni Mapalad ay nagyayabang na ang mga kandidato sa provincial positions na may pasabog na gagawin. Malamang na nagbayad kay Mapalad ang mga naninira. Ani ng iba, si Mapalad ay naging kasama sa negosyo ni dating Bokal John C. Pelaez. Ang JC Premiere ay pag aari ni John Pelaez.
Mula sa opisina ni Mayor Lorna Velasco, pinabulaanan nito ang sinasabing sumbong sa kanya dahil wala namang transaksiyon sa Municipal Government of Torrijos ang Sto. Cristo Construction and Trading, Inc. patungkol sa sinsabing public market project base sa certification ng Municipal Engineer ng Torrijos. Pati ang sinasabi na residence ni De Los Santos sa San Isidro ay kasinungalingan dahil base sa certification ng Barangay Capt. ng San Isidro si De Los Santos ay hindi naging residente ng San Isidro.
Nag-complain na si Mayor Lorna Q. Velasco sa NBI sa mga krimen ni De Los Santos at kanyang mga conspirators. Naka amba na ang demanda na Libel and Damages laban kay De Los Santos at kanyang mga kakuntsaba.
06/05/2025
MODERN DAY VOTE BUYING: QR CODE MODUS, UMIIKOT SA TORRIJOS AT GASAN
Kumakalat ngayon ang umano’y makabagong uri ng vote buying sa pamamagitan ng QR code na ipinamamahagi umano nina Joey Peñaflor at James Marty Lim, kapwa tumatakbong alkalde sa kani-kanilang bayan ngayong nalalapit na halalan.
Ayon sa ulat mula sa mga residente at sa source na malapit sa Commission on Elections, Marami ang humihiling ng investigation kaugnay ng pagpapamudmod ng QR code, na sinasabing may kaugnayan sa sistematikong pamimili ng boto sa mga bayan ng Torrijos at Gasan. Hinihiling ang agarang imbestigasyon Kay PES Angela Royandoyan ng COMELEC upang busisiin ang umano’y lantaran at makabagong pamamaraan ng vote buying na magiging bahid sa malinis na election.
Bawal sa ilalim ng Omnibus Election Code ang pagbili at pag tanggap sa GCash para ibenta ang boto. Sa panahon ngayon, hindi na umano limitado sa direktang pagbibigay ng pera ang vote buying — kaya’t mahigpit nilang binabantayan ang mga digital na paraan, kabilang ang paggamit ng money transfer apps tulad ng GCash, Maya, at iba pa.
Ang PNP under Kay PCol. Arthur Salida, Director ng Marinduque Provincial Police Office, ay naka-high alert sa lalawigan upang agapan at hulihin ang sinumang mahuhuling sangkot sa pamimili ng boto, kabilang ang may hawak ng mga kahina-hinalang QR code Lalo na ang tumatanggap ng pera mula sa GCash.
Nagbabala rin ang COMELEC na ang pagmamay-ari o pagtanggap ng QR code na bahagi ng modus na ito ay maaaring ituring na ebidensiya ng pakikilahok sa iligal na gawain, kaya’t hinikayat nila ang publiko na i-report agad sa kinauukulan ang anumang insidente o indibidwal na sangkot.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Barangay Banahaw
Santa Cruz
4902