Marinduque Netizen

Marinduque Netizen

Share

Marinduque Netizen is an Online News Portal dedicated to bring fresh and recent news, information and events happening inside and outside the Province.

06/03/2025

π— π—˜π—Ÿ π—šπ—’ 𝗔𝗧 π—₯π—˜π—¬π—‘π—”π—Ÿπ——π—’ π—¦π—”π—Ÿπ—©π—”π—–π—œπ—’π—‘, π—‘π—”π—žπ—œπ—¨π—¦π—”π—£ π—‘π—š 𝗦𝗨𝗣𝗒π—₯𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔π—₯π—–π—’π—£π—£π—˜π—₯ π—žπ—”π—£π—”π—Ÿπ—œπ—§ π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—•π—¨π—•π—¨π—žπ—”π—¦ π—‘π—š π—¦π— π—”π—Ÿπ—Ÿ-π—¦π—–π—”π—Ÿπ—˜ π— π—œπ—‘π—œπ—‘π—š

Lumutang ang kontrobersya sa lalawigan ng Marinduque matapos mamataang personal na bumisita sina Mel Go at Reynaldo Salvacion sa Marcopper Mining Corporation upang humingi umano ng suporta para sa kanilang kandidatura sa darating na halalan. Ayon sa ilang mapagkakatiwalaang sources, kapalit ng tulong-pinansyal mula sa kumpanya, nangako umano ang dalawa na kung sila ang mananalo, muling pahihintulutan ang pagbebenta ng mga natitirang properties ng Marcopper at pagbubukas ng small-scale mining sa probinsya.

Matatandaang ang Marcopper ay may madilim na kasaysayan sa Marinduque, lalo na sa matinding environmental disaster noong 1996 nang bumagsak ang isang waste pit, nagdulot ng malawakang polusyon sa Boac River, at iniwan ang maraming residente na apektado ng matinding kontaminasyon. Hanggang ngayon, hindi pa rin ganap na naibabalik ang normal na kalagayan ng kalikasan at kabuhayan sa lalawigan dahil sa matagal nang epekto ng pagmimina.

Dahil dito, maraming MarinduqueΓ±o ang nababahala at galit sa napabalitang kasunduan nina Mel Go at Reynaldo Salvacion sa Marcopper. "Tila ba wala silang pakialam sa naging trahedya noon. Ang mahalaga lang sa kanila ay ang pera at kapangyarihan!" pahayag ng isang miyembro ng MACEC na mahigpit na tumututol sa pagbabalik ng pagmimina sa lalawigan.

Bukod pa rito, pinangangambahan ng MACEC na kung muling magbubukas ang pagmimina sa Marinduque, lalo pang masisira ang natitirang likas na yaman ng probinsya. Hindi lamang ito banta sa kalikasan kundi pati na rin sa kalusugan at kabuhayan ng mga mamamayan, lalo na ang mga mangingisda at magsasaka na direktang maaapektuhan ng polusyon sa tubig at lupa.

12/02/2025

REJANO'S BAKERY, PINARANGALAN NG DTI MIMAROPA

Isang malaking karangalan ang natanggap ng Rejano’s Bakery matapos itong gawaran ng Recognition for Proficiency in Quality Management (Level 2) ng Philippine Quality Award (PQA) Program.

Ang prestihiyosong pagkilala ay bahagi ng PQA Regionalization Program na itinatag sa ilalim ng DTI Administrative Order 22-12, s. 2022, na naglalayong kilalanin ang mga organisasyong nagpapakita ng kahusayan sa performance at kalidad ng pamamahala.

Ipinagmamalaki ng buong Marinduque ang Rejano’s Bakery dahil sa kanilang dedikasyon sa kalidad at malasakit sa kanilang produkto. Patunay ito na ang mga negosyanteng MarinduqueΓ±o ay may kakayahang makipagsabayan sa pambansang antas.

"Iba talaga ang MarinduqueΓ±os!" sigaw ng mga sumusuporta sa tanyag na bakery na patuloy na nagbibigay ng de-kalidad at masarap na tinapay sa ating mga kababayan.

Muli, isang malaking pagbati sa Rejano’s Bakery para sa tagumpay na ito!

Want your business to be the top-listed Media Company in Santa Cruz?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Poblacion
Santa Cruz
4902