Coach Rio BST Basketball Skills Training Camp

Coach Rio BST Basketball Skills Training Camp

Share

BST CAMP (Blood Sweat & Tears)
Basketball Skills Training Camp

29/04/2026

Happy Birthday, Brent🎂🎉🏀

Wishing you a day full of happiness, blessings, at good vibes kasama ang family at friends mo. Sa bagong taon ng buhay mo, tandaan mo na yung journey mo sa basketball is just getting started pa lang marami ka pang mararating.

Sa bawat training, pagod, at sacrifices mo, may kapalit ‘yan. Kahit may mga tough games, losses, o moments na parang gusto mo sumuko, tuloy mo lang. Part ‘yan ng growth mo bilang player at bilang tao.

Stay focused, stay disciplined, at higit sa lahat, wag mong kalimutan kung bakit ka nagsimula. Trust the process, believe in yourself, at ibigay mo lagi ang best mo sa court.

Hindi nagiging magaling ang player overnight—binubuo ‘yan sa sipag, tiyaga, at puso.

Keep grinding, Brent. Malayo pa, pero malayo ka na. 💪🔥🏀

– From your BST Familia

Photos from Coach Rio BST Basketball Skills Training Camp's post 04/04/2026

I would like to extend my heartfelt gratitude to Sir Don Mercado and the Mercado family for trusting BST and allowing Simon Daniel Mercado to start his basketball journey with us at an early age. Maraming salamat po sa tiwala at suporta ninyo.

From his early days in the BST Camp hanggang sa kung nasaan na siya ngayon, we have witnessed Simon’s growth, dedication, and love for the game. Ngayon, he is ready to take the next level of his basketball endeavors and career.

Simon is truly the pride and ambassador of BST. He represents not only himself but all his brothers and sisters in BST to the basketball world. Isa siyang inspirasyon sa mga susunod na yapak na tatahakin ng mga batang BST players.

Sa lahat ng aspiring players, tandaan ninyo:

No. 1 Discipline ☝️🏀
Work hard, keep practicing, and stay consistent in improving your basketball skills and game.

– Simon M.

Muli, maraming salamat po Mercado family. We are proud of you, Simon. The journey continues! 💪🏀🔥

Photos from Coach Rio BST Basketball Skills Training Camp's post 04/04/2026

Maraming salamat, BST Familia! 🙏💙🏀

From the bottom of our hearts, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa bawat isa na naging parte ng journey na ito sa mga players, magulang, supporters, at sa buong BST community.

Hindi naging madali ang bawat laban, bawat training, at bawat sakripisyo. Pero dahil sa inyong walang sawang suporta, tiwala, at pagmamahal sa laro, patuloy tayong lumalaban at bumabangon.

Sa aming mga players, saludo kami sa inyong effort, disiplina, at puso sa paglalaro. Panalo man o talo, ipinakita ninyo ang tunay na kahulugan ng pagiging BST—may puso, may tapang, at hindi sumusuko.

Sa mga magulang at supporters, maraming salamat sa oras, tiwala, at suporta na walang kapalit. Kayo ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit patuloy kaming lumalakas bilang isang pamilya.

This is more than just basketball—ito ay samahan, pamilya, at pangarap na sabay-sabay nating binubuo.

Maraming maraming salamat, BST Familia! Tuloy lang tayo—Trust The Process, Nothing To Lose! 💪🔥🏀

Special mention :
Maraming salamat po! 🙏🏀❤️

Lubos po kaming nagpapasalamat sa Sangguniang Kabataan, Sangguniang Barangay, ng Brgy.DUHAT SCL at lalong-lalo na po kay Kap. Jessielito A Kamatoy sa pagbibigay ng pahintulot at oportunidad na magamit ang inyong basketball court/venue.

Malaking bagay po ito para sa aming training camp at sa buong komunidad, lalo na sa mga kabataan na patuloy na nahuhubog hindi lang sa larangan ng basketball kundi pati sa disiplina, teamwork, at magandang samahan.

Dahil sa inyong suporta at malasakit, nagiging posible ang mga programa at aktibidad na nagbibigay inspirasyon sa susunod na henerasyon.

Hindi po namin ito makakamit kung wala ang inyong tulong at tiwala.

Muli, mula sa puso ng buong BST Familia,
maraming maraming salamat po! 🙌💙🏀
Thank u po mam Faye Estayo Mirasol

(Also added pics venues/basketball gym for the past weekends).

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Santa Cruz?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Santa Cruz
4009