Santa Fe, Romblon Public Information Office
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Santa Fe, Romblon Public Information Office, Government Organization, Poblacion, Santa Fe.
22/06/2026
𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐒𝐞𝐜𝐨𝐧𝐝 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫 𝐂𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐉𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠
Ang Lokal na Pamahalaan ng Santa Fe, sa pamumuno ni 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐀𝐬𝐡𝐞𝐫 𝐂. 𝐕𝐢𝐬𝐜𝐚, ay nagsagawa ng 𝐒𝐞𝐜𝐨𝐧𝐝 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫 𝐂𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐉𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, kaligtasan, at kaunlaran ng ating bayan.
𝐒𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬, 𝐦𝐚𝐮𝐧𝐥𝐚𝐝, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐬 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐞𝐬𝐢𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐚 𝐅𝐞.
#𝑨𝒃𝒂𝒏𝒕𝒆𝑺𝒂𝒏𝒕𝒂𝑭𝒆
15/06/2026
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐆𝐀𝐒 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐇𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐅𝐄
Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng bigas sa lahat ng kabahayan sa Bayan ng Santa Fe sa ilalim ng Rice Distribution Program. Ang programang ito ay pinondohan ng Pambansang Pamahalaan at ipinatutupad sa pamamagitan ng Pamahalaang Lokal sa ilalim ng Local Government Support Fund – Growth Equity Fund (LGSF-GEF) FY 2026.
Sabay-sabay na isinagawa ang unang cycle ng pamamahagi ng bigas noong Hunyo 9, 2026 sa lahat ng Barangay ng Bayan ng Santa Fe kong saan may kabuuang 4, 935 households ang nakatanggap. Upang matiyak na bawat household ay makatatanggap ng tulong at suporta mula sa pamahalaan.
Patunay ang Rice Distribution Program sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na mapalakas ang seguridad sa pagkain, mapabuti ang kapakanan ng mga mamamayan, at matiyak na ang mga serbisyo ng gobyerno ay umaabot sa bawat tahanan. Sa Santa Fe, nananatiling gabay ang adhikaing makapaghatid ng sapat, makatarungan, at pantay-pantay na serbisyo para sa kapakinabangan ng lahat.
#𝑨𝒃𝒂𝒏𝒕𝒆𝑺𝒂𝒏𝒕𝒂𝑭𝒆
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Poblacion
Santa Fe
5508
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |