Rajal Centro Integrated School

Rajal Centro Integrated School

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Rajal Centro Integrated School, Education, Rajal Centro, Santa Rosa.

Photos from Rajal Centro Integrated School's post 06/07/2026

🇵🇭✨ Isang panibagong linggo, panibagong pagkakataon upang matuto at umunlad! ✨📚

Sa pagbubukas ng panibagong linggo ng Instructional Block, sama-samang sinimulan ng pamilya ng Rajal Centro Integrated School ang Flag Raising Ceremony, bilang simbolo ng ating pagkakaisa, disiplina, at pagmamahal sa bayan.

Ang programa ay matagumpay na pinangunahan ni Ma'am Nanette P. Edillo kasama ang kanyang masisipag at mahuhusay na mga mag-aaral mula sa Grade 7, na nagpakita ng kahandaan at aktibong pakikilahok sa pagsisimula ng linggo.

Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang harapin ang bawat araw nang may sigla, dedikasyon, at determinasyong makamit ang tagumpay.

💚 Maligayang panibagong linggo ng pagkatuto, patuloy tayong magtulungan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan. 🌟

Photos from Rajal Centro Integrated School's post 05/07/2026

📚✨ Sa pagbubukas ng panibagong linggo ng pagkatuto, muling nagkakaisa ang mga g**o ng Rajal Centro Integrated School sa kanilang misyong magbahagi ng bagong kaalaman, humubog ng mga pangarap, at magsilbing inspirasyon sa bawat mag-aaral. 🍎💚

Sa bawat aralin, bawat paggabay, at bawat ngiti sa silid-aralan, panibagong pagkakataon na naman ito upang matuto, umunlad, at magtagumpay. 💡📖

Sama-sama nating simulan ang linggong ito nang may sigla, dedikasyon, at pagmamahal sa edukasyon. 💪🎓

Maligayang bagong linggo ng pagkatuto, RCIS! ❤️💛💚

30/06/2026

𝐍𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨, 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐑𝐚𝐣𝐚𝐥 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐫𝐨 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐠𝐫𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐚𝐲 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠-𝐩𝐮𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐭𝐞𝐦𝐚𝐧𝐠:

👉"𝐍𝐔𝐓𝐑𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐀𝐓 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐀𝐍!"👈

​𝐀𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐥𝐢𝐠𝐢𝐫𝐚𝐧. 𝐒𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐬𝐮𝐬𝐮𝐬𝐭𝐚𝐧𝐬𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐨𝐤𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐩𝐫𝐨𝐝𝐮𝐤𝐭𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐬𝐚𝐛𝐚𝐲-𝐬𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐚𝐠𝐮𝐲𝐨𝐝 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬𝐢𝐠𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐥𝐮𝐧𝐭𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝!

𝐌𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐰𝐚 𝐑𝐂𝐈𝐒𝐢𝐚𝐧𝐬, 𝐬𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐭𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐮𝐦𝐚𝐢𝐧 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐦𝐚 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐭𝐚𝐧𝐢𝐦 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧! 💚🥦🌱

Want your school to be the top-listed School/college in Santa Rosa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Rajal Centro
Santa Rosa
3101