Kabataang Maaasahan
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Serbisyo ngayon, tagumpay bukas!
23/05/2026
๐ ISANG MALAKING BALITA PARA SA KABATAANG MACABLING! ๐
Mga lodi at kapwa ko kabataan! Naniniwala ba kayo na ang edukasyon ang pinakamalakas na sandata natin para sa mas magandang kinabukasan? Ito ang susi na magbubukas ng pinto sa ating mga pangarap, magbibigay sa atin ng lakas para harapin ang bukas, at mag-aangat sa ating komunidad. Dahil sa edukasyon, walang limitasyon ang mararating ng kabataang may pangarap!
Bilang parte ng balik eskwela program ng ๐ ๐ฎ๐ฎ๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐น at ๐๐๐ธ๐น๐ผ๐ฑ ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป, katuwang ang ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฎ๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป sa pangunguna ng inyong ๐ฆ๐ ๐๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐บ๐ฎ๐ป ๐๐๐ฝ๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ป๐, ๐๐๐ถ๐ด๐ถ ๐ข๐ป๐ด-๐ถ๐ธ๐ผ ๐๐๐๐ฟ๐ฒ๐น๐น๐ฎ at ng buong koponan, hatid namin ang โฑ1,000 Educational Assistance Program para sa ating mga masisipag na Senior High School at College Students ng Barangay Macabling! ๐
๐ข ๐ง๐๐ก๐๐๐๐ก: Dahil sa limitadong pondo para sa batch na ito, ๐ฑ๐ฌ ๐บ๐ฎ๐๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ๐ป๐ด ๐ธ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ฑ๐ผ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฒ๐ป๐ฒ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ lamang ang mapipili batay sa pagsusuri ng mga ipapasang dokumento. Kaya huwag nang magpatumpik-tumpik pa!
Gusto mo bang maging bahagi nito? Narito ang mga detalye na dapat mong tandaan:
๐ ๐ ๐๐ ๐ฅ๐๐ค๐จ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ก๐ง๐ฆ (Dapat malinaw at kumpleto ang pagsusumite!):
1๏ธโฃ Certificate of Enrollment / Registration / School ID (Dapat may nakikitang Validity Date bilang patunay na ikaw ay kasalukuyang enrolled).
2๏ธโฃ Latest Transcript of Records / Copy of Grades (Pinakabagong kopya ng iyong academic record na naglalaman ng iyong mga nakuhang grado).
3๏ธโฃ Registered Voter ng Barangay Macabling / Voter's Certificate (Patunay ng iyong pagiging rehistradong botante sa ating barangay).
๐ฒ ๐ฃ๐๐๐ก๐ข ๐ ๐๐-๐๐ฃ๐ฃ๐๐ฌ?
I-click lamang ang link na ito at i-upload ang inyong malinaw at kumpletong requirements:
๐ https://forms.gle/su5AJTjPc66etWbE6
๐๏ธ ๐ ๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ง๐ฆ๐ (I-save ang date, huwag magpahuli!):
1. Deadline ng Submission: May 30, 2026
2. Announcement of Qualified Beneficiaries: May 31, 2026
3. Araw ng Pamamahagi (Event Date): June 4, 2026 (Huwebes)
Oras: 11:00 AM
Saan: Macabling Elementary School
Tiyakin na malinaw, maayos, at kumpleto ang inyong ipapasang dokumento sa Google Form para iwas-antala sa inyong aplikasyon!
Sama-sama nating abutin ang tagumpay dahil sa sama-samang pagkilos, mas maliwanag ang kinabukasan ng bawat kabataan. See you there, at sabay-sabay nating isigaw: serbisyo ngayon, tagumpay bukas! ๐โ๏ธ
19/05/2026
Patuloy tayong magkakapit-bisig sa pananampalataya at totoong serbisyo! ๐ค๐น
Nitong nakaraang ika-12 ng Mayo, naging isang banal at mapagpalang pagkakataon para sa ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐ง, sa pangunguna ng ating ๐๐ ๐๐ก๐๐ข๐ซ๐ฆ๐๐ง ๐๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐๐ง๐ญ ๐๐ฎ๐ข๐ ๐ข ๐๐ง๐ -๐ข๐ค๐จ ๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ฅ๐ฅ๐, na makiisa sa pag-aalay ng mga bulaklak para kay Birheng Maria at sa taimtim na pagdadasal ng santo rosaryo. Ang aktibidad na ito ay hindi lamang tradisyon, kundi isang patunay ng nag-aalab na debosyon at pananalig ng kabataan sa ating Mahal na Ina.
Kasabay ng pagpapatibay ng ating espiritwal na aspeto, buong-puso ring tinugunan ng ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐ง ang kahilingan ng Music Ministry ng San Isidro Labrador Parish na magkaroon sila ng opisyal na uniform.
Ang suportang ito ay mahalaga dahil ang Music Ministry ang nagsisilbing tinig na naglalapit sa komunidad sa Panginoon sa bawat banal na misa. Sa pamamagitan ng bagong uniporme, mas maitataguyod nila ang kaayusan, pagkakaisa, at dignidad sa kanilang sagradong tungkulin.
16/05/2026
Muli, Maligayang Fiesta, Barangay Macabling! Patuloy tayong magkasama at magkaakbay sa mas maunlad at masayang bukas! โค๏ธโจ
Ipinagdiriwang ngayong ika-15 ng Mayo ang kapistahan sa ating mahal na Barangay Macabling. Isang taon na naman ng pagpapala, pagtutulungan, at pagkakaisa ang ating ipinagpapasalamat.
Upang simulan ang makabuluhang araw na ito, buong-pusong nakiisa sina ๐
๐๐๐ฉ. ๐๐จ๐ฆ๐๐ซ ๐๐๐ง๐๐ฅ at ang kanyang mga Konsehal, kasama si ๐๐ ๐๐ก๐๐ข๐ซ๐ฆ๐๐ง ๐๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐๐ง๐ญ ๐๐ฎ๐ข๐ ๐ข ๐๐ง๐ -๐ข๐ค๐จ ๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ฅ๐ฅ๐, sa banal na misa. Dito ay magkakasamang nag-alay ng panalangin ang ating mga pinuno upang pasalamatan ang Panginoon sa patuloy na paggabay, proteksyon, at saganang biyaya na ipinagkakaloob Niya sa bawat pamilyang Macablingueรฑo.
"๐๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ด๐บ๐๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ด๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป."
Pagkatapos ng misa, higit pang nag-alab ang saya sa puso ng lahat dahil sa iniraos na Raffle Draw! Ang bawat ngiti, hiyawan, at yakap ng mga nanalo ay tunay na nagpatingkad sa diwa ng fiesta. Walang mapagsidlan ang tuwa at kagalakan ng ating mga kabarangay na maagang biniyayaan ng mga papremyo.
Hindi lamang basta saya at swertehan ang naganap sa ating Raffle Draw, dahil ipinaloob din dito ang isang kapana-panabik na Trivia Game na buong-siglang pinangunahan ng ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐ง.
Tunay na nag-alab ang galing at talino ng ating mga kabarangay! Ang paligsahang ito ay hindi lamang nagdala ng hiyawan at tawanan, kundi nagdagdag din ng malalim na kaalaman at pagpapahalaga patungkol sa ating natatanging Uhayan Festivalโang makulay na simbolo ng ating kultura, mayamang kasaysayan, at pasasalamat sa kasaganahan ng Macabling.
Ngunit hindi doon nagtatapos ang regalo ng pagpapasalamat. Agad na tumungo ang Team Maaasahang Banal at ang Team Kabataang Maaasahan sa Robinsons EasyMart upang doon saksihan at gunitain ang isang pambihirang pagkakataon.
Hindi lamang isa, kundi dalawang maswerteng kabarangay ang nagkamit ng pangarap ng maramiโang One-Minute Shopping Spree! Ramdam na ramdam sa loob ng grocery ang excitement at kabog ng dibdib, habang ang bawat segundong lumilipas ay punong-puno ng tawanan, cheer, at inspirasyon.
Ang proyektong ito ay hindi lamang basta pamimili; ito ay simbolo ng ating layunin na maghatid ng direktang tulong at saya sa hapag-kainan ng pamilyang Macablingueรฑo.
15/05/2026
Happy Fiesta, Brgy. Macabling! ๐พ
Isang masigla at maligayang pagdiriwang ng Happy Fiesta sa ating mahal na Brgy. Macabling! ๐ Kasama ang buong komunidad, ating ipagdiwang ang Uhayan 2026 nang may kagalakan at pagkakaisa. Tuloy-tuloy ang saya at pasasalamat para sa masaganang taon!
Pagbati mula sa Kabataang Maaasahan sa pangunguna ni ๐๐ ๐๐ก๐๐ข๐ซ๐ฆ๐๐ง ๐๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐๐ง๐ญ ๐๐ฎ๐ข๐ ๐ข ๐๐ง๐ -๐ข๐ค๐จ ๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ฅ๐ฅ๐.
โจ THE NIGHT OF BEAUTY, PRIDE, AND DIVERSITY HAS ARRIVED! โจ
Get ready for an unforgettable celebration as we proudly present
๐ LAKAN AT LAKAMBINI NG IKATLONG LAHI 2026 ๐
๐
May 13, 2026
๐ 7:00 PM
๐ Buena Rosa 9, Brgy. Macabling, Sta. Rosa, Laguna
A night where confidence shines, talents inspire, and the LGBTQIA+ community takes the spotlight in celebration of inclusivity, empowerment, and self-expression. ๐
Presented by Rainbow Connection
In collaboration with Team Maaasahang Banal and Future Care Education and Wellness Foundation Inc.
Witness the elegance, charisma, and courage of our amazing candidates as they compete for the crown and proudly represent the beauty of diversity.
Join us as we celebrate every color, every story, and every voice. ๐
10/05/2026
Mainit na pagbati, mga ka-barangay sa Jordan 1 at Jordan 2! ๐
Hinding-hindi mapapagod ang ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐ง basta para sa serbisyong totoo! Isang masayang umaga ang ibinahagi natin sa ating mga ka-barangay habang ipinamimigay ang mga raffle stubs para sa ating inaabangang event ngayong May 14, 2026.
Higit pa sa raffle, ang tunay na nagpangiti kay ๐๐ ๐๐ก๐๐ข๐ซ๐ฆ๐๐ง ๐๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐๐ง๐ญ ๐๐ฎ๐ข๐ ๐ข ๐๐ง๐ -๐ข๐ค๐จ ๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ฅ๐ฅ๐ ay ang pagkakataong makipagkwentuhan at makinig sa inyong mga kwento. Ang bawat tawa at kamustahan ay nagbibigay sa atin ng mas malakas na inspirasyon para sa ating mga adhikain.
Salamat sa mainit na pagtanggap, Jordan 1 & 2! Kitakits tayo sa May 14โsino kaya ang papalarin? ๐ค
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Brgy. Macabling
Santa Rosa
4026