UMC - Southern Tagalog Provisional Philippines Annual Conference East

UMC - Southern Tagalog Provisional  Philippines Annual Conference East

Share

Administrative regional body of United Methodist congregations in the provinces of Laguna and Quezon in the Philippines

Photos from UMC - Southern Tagalog Provisional  Philippines Annual Conference East's post 22/05/2026

The AC COM Planning and Evaluation for STPPACE was successfully held on May 1โ€“2, 2026 at Villa Amore Resort.

The gathering served as a meaningful space for reflection, assessment, and prayerful planning as leaders looked back on the accomplishments and challenges of the past conference year. Through open discussions and collaborative evaluation, participants were able to identify key learnings and areas for improvement in the different areas of communication and conference ministry.

More importantly, the event provided an opportunity to set clear directions and priorities for the upcoming conference year. Guided by shared vision and commitment to connectional ministry, the team worked together in strengthening coordination, improving communication flow, and enhancing ministry engagement across the conference.

The time also allowed leaders to build stronger relationships through fellowship and informal conversations, reinforcing unity and trust among the team.

As the conference moves forward, the outcomes of this planning and evaluation are expected to serve as a guide in shaping more intentional, responsive, and collaborative communications and ministry work for STPPACE.

Photos from Pacita United Methodist Church's post 15/04/2026
03/04/2026

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1381346997354965&id=100064390341426

Board of Church and Society
Philippines Regional Conference
The United Methodist Church

Abril 3, 2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ถ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ถ๐—ด๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐—น๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐˜€๐˜†๐—ฎ

Ang Philippines Regional Conference โ€“ Board of Church and Society ng The United Methodist Church ay kinukundena ang digmaan sa Kanlurang Asya (aka Middle East) na nagbuwis at patuloy na nagbubuwis ng maraming buhay. Ang paunang pag-atake ng US at Israel ay naging mitsa ng paglawak ng kaguluhan sa ibaโ€™t ibang bahagi ng rehiyon. Ito ngayon ay nagdulot ng pagtaas ng presyo ng langis na nagkaroon ng matinding epekto sa kabuhayan ng marami kabilang ang karaniwang mamamayang Pilipino. Nakikiisang damdamin ang Board sa sambayanan na direktang naaapektuhan ng dagok na dulot ng mga pambobomba at banta ng patuloy na paglawak ng mga labanan.

Nagdulot ng โ€œoil price shockโ€ ang digmaan. Mula nang nagsimula ang labanan noong Pebroro 28, 2026 naging mahigit doble na ang presyo ng mga produktong petrolyo sa Pilipinas na nagdulot ng panibagong hamon sa pagdaloy ng pangunahing bilihin mula sa kanayunan at ibang bansa patungo sa mga pampublikong pamilihan. Unang tinamaan ng implasyon sa krudo at gasolina ang mga operator at drayber ng pampublikong sasakyan kasma ang mga TNVS at delivery riders.

Ayon sa Panlipunang Prinsipyo ng The United Methodist Church, โ€œKinasusuklaman ng simbahan ang giyera at lahat ng porma ng marahas na paglalaban-labanโ€ฆโ€ (BOD ยถ163). Tinuturing din ang digmaan bilang isa sa dahilan ng kahirapan (BOD ยถ161).

Ang pagpasok ni Hesus sa Herusalem, lulan ng payak at maliit na a**o โ€“ hindi ng magara at matikas na kabayong pandigma (Mateo 21), ay nagpapakita ng kababaan, pagkiling sa mga aba at dusta ng lipunan hindi ng mapanirang lakas laban sa mahina at mga nasa laylayan ng lipunan.

Sa gitna ng krisis, ang Board ay hinihimok ang pamahalaan na,

โ€ข Manawagan sa US at Israel na itigil ang mga pag-atake at sa Iran na maging bukas sa usapang pangkapayapaan;
โ€ข Tanggalin lahat ng EDCA sites sa bansa dahil nilalagay nito ang Pilipinas sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Tsina;
โ€ข Ibasura ang excise tax at value-added tax sa lahat ng produktong petrolyo upang makapagbigay ng minimum at agarang ginhawa sa industriya ng transportasyon, enerhiya at logistics;
โ€ข Ibasura ang oil deregulation law (RA 8479), i-rollback ang presyo ng langis at tuluyang isabansa ang industriya ng petrolyo; at
โ€ข Itaas at gawing nakabubuhay ang sweldo ng karaniwang manggagawa.

Nananawagan din ang Board sa mga mananampalataya na ipanalangin at gumawa ng daan tungo sa kapayapaan.

Nilagdaan:

PASTOR THAAD KOLIN A. SAMSON
Chairperson, PCC BCS

REV. GLOFIE G BALUNTONG
Executive Director, PCC BCS

BISHOP ISRAEL M. PAINIT
Bishop Assigned to PCC BCS

PDF Copy: https://1drv.ms/b/c/b06a7c7170b9f2a5/IQCOI_l0a4kFSoa924ML3kLAAe2Z7PMrMG8bSZT1GTl5CTI?e=uOXUwa.

15/06/2025
Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Santa Rosa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Santa Rosa