Brgy. Tagapoofficial2013
This is the OFFICIAL Page of BRGY. TAGAPO, City of Santa Rosa, Laguna
Just LIKE this page and you will be updated on PROGRAMS of the Brgy. Council. Kgg. ALDRIN M.
21/07/2020
BASAHIN | PARA SA KAALAMAN NG PUBLIKO
PALUGIT SA PANSAMANTALANG PAGSASARA NG SANTA ROSA COMMUNITY HOSPITAL
Ipinababatid po sa lahat na mananatiling sarado ang SANTA ROSA COMMUNITY HOSPITAL simula ika-21 ng Hulyo hanggang ika- 2 ng Agosto.
Ito ay upang masiguro na maging ligtas ating ospital dahil mayroon nang health workers ang ospital ang nagpositibo sa COVID-19. Samantala, hinihintay pa ang resulta ng test ng iba pang mga kawani ng ospital.
Kasama sa pansamantalang pagsasara ang DIALYSIS CENTER ng SRCH upang maiwasan na mahawa ang tumatangkilik ng ating serbisyo.
Ang regular na 13 pasyente ng Dialysis Center ay bibigyan ng referral at endorsement sa ibang pasilidad at sasagutin ng Pamahalaang Lungsod ang kinakailangan treatment sa panahon na sarado ang ating Dialysis Center. Ang mga nasabing pasyente ay isasa-ilalim din sa swab test para matukoy kung sila maaaring makapagpagamot sa ibang pasilidad.
Ang mga nag-positibo natin na health workers ay kasalukuyang naka-admit sa COVID-19 Building (MAB) ng SRCH. Ang iba na naghihintay ng resulta ay naka-home quarantine o nasa isolation unit.
Umasa po ang publiko na handa ang Santa Rosa Community Hospital na muling magbukas at magsilbi sa mamamayan oras na masiguro ang kalusugan ng ating mga health workers at malinis na ang pasilidad dito.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
ARLENE B. ARCILLAS
Punonglungsod
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Brgy, Tagapo, J. P. Rizal Boulevard
Santa Rosa
4026