Team Jeter

Team Jeter

Share

SANDIGAN NG KABATAANG MAY MITHIIN AT DIREKSYON

Photos from Team Jeter's post 05/06/2026

🌱💚 TEAM JETER joins the celebration of Environment Month 2026! 💚🌱

Sa simpleng paglilinis ng kapaligiran, at pagsasabuhay ng wastong pangangalaga sa kalikasan, sama-sama nating pinapakita ang ating pagmamalasakit sa ating kapaligiran.

Ang bawat maliit na hakbang ay may malaking ambag para sa mas malinis, mas luntian, at mas ligtas na kinabukasan para sa susunod na henerasyon.

🌍 "Our Environment, Our Responsibility."

Para sa kabataan.
Para sa komunidad.
Para sa bayan.

"SANDIGAN NGKABATAANG MAY MITHIIN AT DIREKSYON"

04/06/2026

Happy Pride Month🏳️‍🌈
Ngayong Pride Month, ipinagdiriwang natin ang pagmamahal, pagkakapantay-pantay, at ang kalayaang maging tunay sa ating sarili. Kinikilala natin ang lakas, tapang, at mga ambag ng LGBTQ+ community sa ating lipunan.

Naniniwala kami na ang bawat isa ay karapat-dapat na igalang, tanggapin, at pahalagahan anuman ang kanilang pagkakakilanlan.

Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad na puno ng pag-unawa, respeto, at pagkakaisa ngayong Pride Month at sa bawat araw.

🏳️‍🌈 Mabuhay ang pagmamahal. Mabuhay ang pagkakaiba-iba. Mabuhay ang Pride!

Para sa kabataan.
Para sa komunidad.
Para sa bayan.

"SANDIGAN NG KABATAANG MAY MITHIIN AT DIREKSYON"

Photos from Team Jeter's post 01/06/2026

MALIGAYANG KAPISTAHAN BARANGAY APLAYA!!

Noong may 30-31 ay nagkaroon tayo ng palarong pinoy bilang pagdiriwang sa kapistahan ng ating mahal na patron Nuestra Señora de la Visitacion, sa pamamagitan ng ganitong aktibidad Sama-sama nating buhayin ang ating kultura, pagkakaisa, at kasiyahan sa pamamagitan ng Palarong Pinoy!!

Mula sa mga tradisyunal na laro hanggang sa masayang samahan ng bawat pamilya at kabataan, tunay na ipinapakita natin ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa sa ating komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at nakibahagi sa mga palaro. Ang inyong sigla at pakikilahok ang nagbibigay-buhay sa ating masayang pagdiriwang! 🤎🩷

Para sa kabataan.
para sa komunidad.
para sa bayan.

30/05/2026

Maligayang Kapistahan ng Nuestra Señora de la Visitacion!

Sa pagdiriwang ng banal na kapistahang ito, nawa’y patuloy tayong gabayan ng Mahal na Birhen sa landas ng pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahalan sa ating komunidad.

Dalangin namin ang patuloy na biyaya, kapayapaan, mabuting kalusugan, at kasaganaan para sa bawat pamilya. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang halimbawa ng ating Mahal na Ina sa paglilingkod, kababaang-loob, at malasakit sa kapwa.

Mula sa Team Jeter, isang mapagpalang kapistahan sa ating lahat!

29/05/2026

Maligayang Ika-20 Salambaw Festival!

Ang Team Jeter ay nakikiisa sa buong komunidad sa pagdiriwang ng ating mayamang kultura, pagkakaisa, at tradisyon. Nawa’y maging masaya, makabuluhan, at ligtas ang pagdiriwang para sa lahat.

Patuloy nating ipagmalaki ang ating barangay at ang mga kaugaliang nagbubuklod sa atin bilang isang komunidad.

Mabuhay ang Salambaw Festival! Mabuhay ang ating Barangay

28/05/2026

Happy Birthday to our future SK Chairman! 🎉💖

Your dedication, kindness, and genuine service to the youth inspire so many people around you. May God continue to bless you with wisdom, strength, and a humble heart as you pursue your dreams and continue helping the community.

Thank you for being a voice of hope, leadership, and positivity. We are proud of you and excited for the bright future ahead of you. Keep shining and keep serving with sincerity. 🤎💖

Wishing you happiness, success, good health, and more blessings on your special day. Enjoy your day, Chairman! 🎂🎈

Para sa kabataan.
Para sa komunidad.
Para sa mas magandang bukas.

“SANDIGAN NG KABATAANG MAY MITHIIN AT DIREKSYON”

Photos from Team Jeter's post 11/05/2026

Isang araw ng simpleng salo-salo ngunit punong puno ng saya, kwentuhan, at pagkakaisa kasama ang TEAM JETER sa Purok 4. lubos ang aming pasasalamat sa inyong mainit na pagtanggap, suporta, at pakikiisa sa amin. Hindi man engrande ang pagsasama sama, ramdam naman ang tunay na malasakit at magandang samahan ng bawat isa.

Maraming salamat sa oras, ngiti, at pagmamahal na inyong ibinahagi. Ang ganitong mga pagkakataon ang lalo pang nagpapatibay ng ating samahan bilang isang komunidad.

Sasusunod natin ulit na pagsasama sama! Patuloy po tayong magkaisa at magsuportahan para sa mas masayang samahan at mas maunlad na komunidad.

Para sa kabataan.
Para sa komunidad.
Para sa mas magandang bukas.

“SANDIGAN NG KABATAANG MAY MITHIIN AT DIREKSYON”

Photos from Team Jeter's post 10/05/2026

Hindi man kalakihan, ngunit taos-puso ang munting salo-salo na inihanda ng Team Jeter para sa mga kabataang mananayaw ng Purok 6 na kasalukuyang naghahanda para sa Salambaw Festival. 🥰 Salamat sa inyong dedikasyon, sipag, at pagmamahal sa sining at kultura. Sa bawat pag indak ay nabibigyan ng buhay at saya ang makulay na selebrasyon ng ating barangay.

Maraming salamat muli sa taos pusong pag tanggap sa amin at sa pagkakataong masaksihan ang iyong pageensayo at makapanayam ang ilan upang makilala pa natin lalo ang bawat isa!!

Para sa kabataan.
Para sa komunidad.
Para sa mas magandang bukas.

“SANDIGAN NG KABATAANG MAY MITHIIN AT DIREKSYON”

Photos from Team Jeter's post 04/05/2026

Isang makabuluhang araw na naman para sa TEAM JETER!🩷🤎

Matagumpay tayong nakapagbigay ng bola, net, at pambili ng basketball board para sa mga kabataan ng Purok 6 (unahan). Hindi man ito kalakihan, agad tayong tumugon at sinuportahan ang kahilingan sa atin para sa kanilang gaganaping one day league, lubos rin kaming nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap sa aming grupo at sa maikling oras na makapagusap usap at makilala ang bawat isa.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang diwa ng bayanihan at malasakit para sa ating komunidad.

Para sa kabataan.
Para sa komunidad.
Para sa mas magandang bukas.

“SANDIGAN NG KABATAANG MAY MITHIIN AT DIREKSYON”

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Santa Rosa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Barangay Aplaya
Santa Rosa
4026