Arlene Jane Alvarez-Reyes - AJAR

Arlene Jane Alvarez-Reyes - AJAR

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Arlene Jane Alvarez-Reyes - AJAR, Public & Government Service, Santiago.

Photos from Arlene Jane Alvarez-Reyes - AJAR's post 12/05/2025

Magandang Umaga Lungsod ng Santiago!

Salubungin natin ang araw na ito ng isang bagong simula.

Ngayong 2025, nasimulan ko ang isang personal na resolution na sa loob ng isang taon pasasalamatan ako araw-araw. Naniniwala ako na mas magaan at masaya ang buhay kapag ang tao ay may pusong mapagpasalamat.

Sa araw na ito, ang mga tumaya sa akin sa halalan 2025 sa lungsod ng Santiago ay aking taos pusong pinasasalamatan ;

Isang malaking karangalan para sa akin ang tumakbo bilang punong lungsod kasama ang aking minamahal na slate ng Team We Live to Serve. Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa aming kampanya - sa kanilang oras, lakas, dedikasyon at paniniwala sa aming adhikain para sa Lungsod ng Santiago.

Gayon na rin ang aking pagbati sa koponan ni Mayor Sheena Tan at Coun. RC Co na nanalo sa halalan kahapon. Ang pasya ng mga botante ay malinaw, at buong paggalang ko itong tinatanggap.
Ngayon ang pinakamahalaga ay ang kinabukasan ng ating Lungsod. Ang paglilingkod sa bayan ay laging nangangahulugan ng paglalaan ng prayoridad sa kapakanan ng tao at hinihimok ko ang lahat ng residente sa bagong simula sa pagsuporta sa mga bagong pinahiraman ng kapangyarihan dito sa Lungsod ng Santiago.

Maraming salamat sa aking pamilya, sa Team We Live to Serve. Ipinagmamalaki ko ang ating isinagawang kampanya - isang kampanyang nakatuon sa mga pangarap na galing sa taong bayan, may dignidad , paggalang, at pagmamahal sa ating bayan.

Muli, binabati ko ang bawat botante na lumahok sa demokratikong prosesong ito at sa lahat ng nanalo, nawa’y pagpalain kayo sa inyong mahalagang tungkulin sa Lungsod ng Santiago.

- AJAR

10/05/2025

Good night, Santiagueños!🌃

07/03/2025

FLASHBACK FRIDAY: PAG-ALALA SA AKING MOMMY LITA

Ito si Mommy Lita, ang babaeng hindi lang nagdala sa akin sa mundong ito, kundi ang dahilan ng lahat ng aking mga tagumpay at katangian. Utang ko sa kanya lahat ng kung sino at anong mayroon ako ngayon. Sa bawat pagsubok, ramdam ko pa rin ang kanyang presensya na nagbibigay sa akin ng lakas at tibay ng loob.

Noong nabubuhay pa siya, isa siyang respetadong kumadrona na buong pusong naglingkod sa aming komunidad. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang makakakaya para makapagsilang ng mga sanggol nang ligtas, at naging instrumento sa pagdating ng bagong buhay sa maraming pamilya.

I hope I make you proud, Mommy Lita. 💛

Photos from Arlene Jane Alvarez-Reyes - AJAR's post 21/02/2025

NAGKAROON DIN TAYO NG LISTENING TOUR SA NAVARRO'S RESIDENCES

Personal naming dinalaw at pinakinggan ang mga hinaing ng ating mga kababayan sa Navarro's Residences. Mahalagang marinig ang kanilang mga saloobin, lalo na ang kanilang mga alalahanin tungkol sa kalagayan ng mga palengke - partikular ang matagal nang suliranin sa 4 Lanes, na ngayon, ayon sa kanila, ay tila ghost town na nga at nangangailangan ng agarang aksyon mula sa lokal na pamahalaan.

Sa ating patuloy na pagtutulungan, tinitiyak naming ang inyong mga idinulog ay aming pagtutuunan ng pansin at bibigyan ng konkretong solusyon sa darating na panahon.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Santiago?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Santiago
3311