RayTe's

RayTe's

Share

Follow my Tiktok Account:

https://www.tiktok.com/@akosipiper?_t=ZS-8vspOitDAr1&_r=1 Feel Good, Look Nice

01/06/2025

“Di na ako interesado.”

’Yan ang huling message ng client ko nung nag-decide siyang itigil ang pagbabayad ng Insurance policy niya. Nakapagbayad lang siya ng 3 quarters noong 2023. Nalungkot ako—not dahil sa unpaid premiums—pero dahil alam kong hindi niya talaga naintindihan nang buo kung ano ang goal natin nung nagsimula kami.

Pero kahit ganon, patuloy pa rin akong nag-a-update sa kanya. Kumokonek pa rin. Nagpaparamdam.

Kamakailan lang, pumayag na rin siyang balikan yung plan niya. Doon ko nalaman kung bakit siya tumigil. May kaibigan daw kasi siyang nagsabi na hindi worth it ituloy.

Pero alam mo naman ang buhay—may paraan talaga ’yan para magturo ng leksyon.

Yung same friend na ’yon, napilitan magbenta ng properties para pambayad sa biglaang medical expenses. Doon natauhan ang client ko.

Kahapon, sinabi niya sa’kin yung tumatak sa isip ko:

“Alam mo, narealize ko na yung yaman natin, kung walang protection, sugal lang talaga. Kasi di mo naman alam kelan darating ang sakit, aksidente, o kamatayan. Kaya eto na, itutuloy ko na ulit ang plan ko.” (sabay ngiti)
“Magbabayad na ako monthly hanggang mabawi ko yung mga na-miss kong quarters.” Sabay abot ng check.

Hindi siya sumuko. Bumalik siyang mas matalino, mas handa, at mas malinaw na ang pananaw.

Minsan, tumitigil ang tao hindi dahil di nila kailangan ang plan—pero dahil di pa nila nakikita ang tunay na halaga nito. Pero kapag dumating na yung realization, nagiging kwento na ito ng pag-asa.

👉 “Ikaw, kailan mo sisimulan ang protection plan mo?”
📩 Let’s talk. Message me anytime.

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Sipocot?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Sipocot
4408

Opening Hours

Monday 9am - 8pm
Tuesday 9am - 8pm
Wednesday 9am - 8pm
Thursday 9am - 8pm
Friday 9am - 8pm
Saturday 8:30am - 10pm