DA - SCRC ANNEX
Cagayan Breeding Station
01/05/2026
๐๐๐๐ ๐๐, ๐๐๐๐ | ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Ngayong Araw ng Paggawa, binibigyang-pugay natin ang lahat ng manggagawang Pilipino na patuloy na nagsisikap para sa kaunlaran ng ating bansa. Sa bawat sektor, ang inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon ang nagsisilbing pundasyon ng ating pag-unlad.
Sa araw na ito, higit nating kinikilala ang ating mga magsasakaโang tunay na haligi ng seguridad sa pagkain. Sa ilalim ng init ng araw at hirap ng paggawa, kayo ang nagsisig**o na may pagkain sa bawat hapag ng pamilyang Pilipino.
Ipinagmamalaki ng DA SCRC Annex ang ating mga magsasakaโang haligi ng ating agrikultura. Ang inyong ambag ay mahalaga at patuloy na nagbibigay daan tungo sa mas matatag at masaganang kinabukasan. ๐พ๐
Maraming salamat sa inyong tapat at walang kapantay na paglilingkod. Maligayang Araw ng Paggawa!
23/04/2026
LIBRENG TOLL FEE PARA SA AGRI-TRUCKS ๐๐พ
Simula Abril 20, libre na ang toll fee para sa mga truck na nagdadala ng produktong agrikulturalโisang hakbang upang mabawasan ang gastos at mapanatiling tuloy-tuloy ang daloy ng pagkain.
Siguruhing accredited sa DA ang inyong mga truck upang makasama sa programa.
Sa gitna ng patuloy na krisis sa enerhiya at tumataas na gastos sa transportasyon, pinapagaan nito ang kasalukuyang hamon sa sektor ng agrikultura.
16/04/2026
To our dedicated and inspiring, Sir JoshuaโHappy Birthday! ๐
Maraming salamat sa iyong matatag na pamumuno, dedikasyon, at patuloy na paggabay sa ating mga programa at proyekto. Dahil sa iyong liderato, mas nagiging makabuluhan at matagumpay ang ating paglilingkod sa sektor ng agrikultura. Nawaโy patuloy kang pagpalain ng lakas, karunungan, at higit pang tagumpay sa iyong mga adhikain.
From your DA SCRC Annex Family,
๐๐ฆ ๐ค๐ฆ๐ญ๐ฆ๐ฃ๐ณ๐ข๐ต๐ฆ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ข๐ฑ๐ฑ๐ณ๐ฆ๐ค๐ช๐ข๐ต๐ฆ ๐บ๐ฐ๐ถ ๐ข๐ญ๐ธ๐ข๐บ๐ด! ๐โจ
31/03/2026
Sa espesyal na araw, taos-puso po naming ipinapaabot ang aming pasasalamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at mahusay na pamumuno. Nawaโy maging makulay, masaya, at puno ng tagumpay ang darating na taon ng inyong buhay, at patuloy kayong pagpalain ng kalusugan, karunungan, at inspirasyon.
Nawaโy patuloy ninyong madama ang pagmamahal, suporta, at paghanga mula sa mga taong nakapaligid sa inyo. Sa bawat hakbang na inyong tinatahak, nawaโy magpatuloy kayong maging ilaw at gabay sa marami, at ang bawat araw ng inyong buhay ay maging puno ng kasiyahan, tagumpay, at inspirasyon.
MALIGAYANG KAARAWAN, DOC. BRYAN SIBAYAN!
Mula sa iyong SCRC Family
31/03/2026
๐๐ช๐ฃ๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ฃ๐, ๐๐๐ก๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐ง๐๐ก: ๐๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐ช๐ฃ๐๐ค ๐ฃ๐ ๐ผ๐๐ง๐๐ ๐ช๐ก๐ฉ๐ช๐ง๐
Kabuuang 200 mag-aaral mula pre-elementary hanggang Grade 6 ng My First Step Whole Child Development Center, San Gabriel, Tuguegarao City, kasama ang kanilang mga g**o at magulang, ang nakinabang sa makabuluhan at kapaki-pakinabang na Farm Tour at Immersion Activity na isinagawa ng DAโSouthern Cagayan Research Center (SCRC) Annex noong Pebrero 19โ20 at Marso 27, 2026.
Ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan sa pakikipag-ugnayan kay Ms. Melisande J. Liquigan, punong-g**o ng My First Step Whole Child Development Center. Sa isinagawang farm immersion, naranasan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
โข Demonstration ng pagpapakain at pangongolekta ng itlog ng DADOS Chicken
โข Hands-on na pagtatanim ng upo (bottle gourd) at ube
โข Pagbisita at maikling talakayan ukol sa cattle production
โข Pagtingin at pagpapakain sa mga kambing
Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, mas naunawaan ng mga bata ang kahalagahan ng agrikultura bilang pinanggagalingan ng ating pagkain at bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay. Mas napalalim din nito ang kanilang pagpapahalaga sa kalikasan at responsableng pangangalaga sa hayop.
๐๐ข ๐ฎ๐ถ๐ณ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฆ๐ฅ๐ข๐ฅ, ๐ช๐ต๐ช๐ฏ๐ข๐ต๐ข๐ฏ๐ช๐ฎ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏโ๐ข๐ข๐ฏ๐ช ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ข๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ถ๐ฌ๐ข๐จ๐๐ฃ ๐ฏ๐ ๐ข๐๐ง๐๐ ๐ช๐ก๐ฉ๐ช๐ง๐.
Istorya ni: Ms. Chlaryssa Grace G. Vergara
Kuhang litrato nina: Mr. John Paul B. Malicdem, Mr. Emjay B. Libunao, at Mr. Joshua L. Mabborang
27/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐
Matagumpay na isinagawa ang Field Tour sa DAโSouthern Cagayan Research Center Annex noong ika-12 ng Marso 2026, bilang bahagi ng Farmers Livestock School (FLS) โ Goat Enterprise Management para sa 25 individual goat raisers mula sa limang (5) barangay ng Enrile, Cagayan -- Divisoria, Lemu, Inga, Maracuru, Batu, at Magalalag.
Layunin ng aktibidad na ito na maipakita sa mga kalahok ang aktuwal na mga teknolohiya at tamang pamamaraan sa pamamahala ng kambingโmula sa wastong pagpapakain, pagpaparami, hanggang sa forage production and managementโna kanilang magagamit sa kani-kanilang sakahan.
Bilang dagdag suporta, ang mga kalahok ay nakatanggap din ng mga forage and fodder trees planting materials tulad ng Mulberry, Madre de Agua, Mani- mani, Napier grass at iba pa bilang suporta sa pagkakasakatuparan ng kanilang forage production at mapanatili ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng pakain para sa kanilang mga alagang kambing.
Ang nasabing field tour ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Provincial Veterinary Office sa pangunguna nina Ms. Maricel Verbo, Provincial Coordinator ng FLS, at Ms. Vilma B. Alupani, kasama ang mga kinatawan mula sa LGU Enrile na sina Mr. Pablo Bunagan at Dr. Eunice Anne Tungcul.
Ang Farmers Livestock School (FLS) ay isang anim (6) na buwang season-long training na naglalayong palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka sa wastong pag-aalaga ng kambing, tungo sa mas mataas na produksyon at mas matatag na kabuhayan.
๐๐ถ๐ญ๐ข ๐ฌ๐ข๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ, ๐ต๐ถ๐ฏ๐จ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ข๐ฌ๐ด๐บ๐ฐ๐ฏโ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฎ๐ข๐ถ๐ฏ๐ญ๐ข๐ฅ ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐จ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ถ๐ด๐ต๐ณ๐ช๐บ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ฃ๐ช๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐๐ข๐จ๐ข๐บ๐ข๐ฏ!
Istorya ni: Ms. Chlaryssa Grace G. Vergara
Kuhang litrato ni: Mr. Joshua L. Mabborang
# # #
25/03/2026
๐๐๐-๐๐จ๐ ๐ฃ๐ ๐ผ๐๐ง๐๐ ๐ช๐ก๐ฉ๐ช๐ง๐: ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ช๐๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ก๐๐ข๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐๐๐ง๐๐ฃ๐๐จ๐๐ฃ
Matagumpay na isinagawa ng Department of Agriculture โ Southern Cagayan Research Center (DA-SCRC) Annex ang pagtatapos ng kabuuang isang daan at labing-apat (114) na mag-aaral ng Senior Highschool mula sa tatlong (3) paaralan na lumahok sa Work Immersion Program.
Kabilang dito ang tatlumpung (30) mag-aaral mula sa Sampaguita National High School na nakatapos ng 240 oras ng work immersion, gayundin ang limampuโt dalawa (52) mula sa San Vicente Institute - Solana at tatlumpuโt dalawa (32) mula sa Andarayan National High School na kapwa nakatapos ng 80 oras ng work immersion.
Sa kanilang pananatili sa DA-SCRC Annex, ang mga mag-aaral ay nabigyan ng kaalaman at praktikal na karanasan sa ibaโt ibang banner programs at research for development (R4D) initiatives, kabilang ang Livestock Goat Production, DADOS Chicken Production, Biotechnology (Semen Collection and Processing), Organic Agriculture, High-Value Crops, Rice, at Corn Production.
Layunin ng programang ito na palakasin ang kaalaman at kasanayan ng mga kabataan sa larangan ng agrikultura at ihanda sila bilang mga susunod na katuwang sa pagpapaunlad ng sektor.
Patuloy na pinagtitibay ng DA-SCRC Annex ang pakikipagtulungan sa mga institusyong pang-edukasyon upang malinang ang kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga ng kabataan sa agrikulturaโbilang susi sa paghubog ng susunod na henerasyon ng mga magsasaka at tagapagtaguyod ng kaunlaran.
Istorya ni: Ms. Chlaryssa Grace G. Vergara
Kuhang Litrato ni: Mr. John Paul B. Malicdem at Mr. Emjay B. Libunao
# # #
24/03/2026
๐ผ๐ ๐ฉ๐ฌ๐๐ก ๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ข๐ค๐ฃ๐จ๐ฉ๐ง๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐๐ฉ ๐๐๐ฃ๐๐จ-๐ค๐ฃ ๐๐ง๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ฃ๐
Matagumpay na isinagawa noong Marso 17, 2026 sa Iraga Brgy. Hall, Iraga, Solana, Cagayan ang actual demonstration at hands-on training sa silage making para sa mga magsasaka ng Solana, sa pangunguna ng Southern Cagayan Research Center โ Annex (SCRC Annex) katuwang ang Municipal Agriculture Office ng Solana.
Bilang tugon sa pinsalang dulot ng tagtuyot na nakaapekto sa humigit-kumulang 3,445 ektarya ng maisan at 2,527 magsasaka sa bayan ng Solana, isinagawa ang aktibidad upang mabigyan ng agarang teknikal na gabay ang mga apektadong magsasaka.
Sa aktibidad, aktwal na isinagawa ng mga kalahok ang bawat hakbang sa silage makingโmula sa pagproseso ng mga naapektuhang mais, tamang pag-compact, hanggang sa maayos na pag-iimbakโupang masig**o ang de-kalidad at masustansyang pakain sa mga alagang hayop.
Ipinakita rin sa mga magsasaka kung paano gawing oportunidad ang krisis sa agrikultura sa pamamagitan ng silage productionโhindi lamang bilang alternatibong pakain, kundi bilang isang potensyal na mapagkakakitaang agribusiness.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan at mga ahensya ng agrikultura, patuloy nating pinapalakas ang kakayahan ng ating mga magsasaka upang maging mas matatag at resiliente sa harap ng mga hamon sa sektor ng agrikultura.
Sa tamang kaalaman at teknolohiya, ang bawat hamon ay nagiging pagkakataonโtungo sa mas matatag, masagana, at sustenableng agrikultura. ๐พ
Ulat at kuhang litrato ni: Ms. Chlaryssa Grace G. Vergara
# # # #
13/03/2026
Mula sa Tagtuyot, Ginawang Oportunidad!
Nagsagawa ng pagsasanay sa Silage Preparation, Silage Making, at Market Linkaging para sa mga magsasaka ng Solana, Cagayan ang Southern Cagayan Research Center โ Annex (SCRC Annex) katuwang ang Municipal Agriculture Office ng Solana.
Isinagawa ang aktibidad na ito bilang tugon sa matinding tagtuyot na nakaapekto sa produksyon ng mais sa nasabing bayan. Sa halip na masayang ang mga mais na naapektuhan ng tagtuyot, ipinakilala sa mga magsasaka ang pagpoproseso ng mga ito bilang silage, na maaaring gawing masustansyang alternatibong pakain sa mga alagang hayop at sabay na magbukas ng oportunidad para sa karagdagang kita sa pamamagitan ng silage enterprise.
Nagsimula ang aktibidad sa isang paunang talakayan at orientation upang ipaliwanag ang kahalagahan at mga benepisyo ng paggawa ng silage, lalo na sa panahon ng mga hamon dulot ng pagbabago ng klima at kakulangan sa ani. Kasunod nito, magkakaroon ng hands-on training sa darating na Martes (March 17, 2026), kung saan aktwal na ituturo at ipapakita ang tamang proseso ng paghahanda at paggawa ng silage, upang masig**o na magagamit ito ng mga magsasaka sa kanilang sariling komunidad.
Dumalo rin sa aktibidad ang DA Marketing Division upang maiugnay ang mga magsasaka sa mga potensyal na mamimili at merkado, na magbibigay ng oportunidad upang maging isang kapaki-pakinabang na agribusiness ang produksyon ng silage.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagbabahagi ng kaalaman, at pagpapalakas sa kakayahan ng mga magsasaka, patuloy nating ginagawang oportunidad ang mga hamon sa agrikultura tungo sa mas matatag at sustenableng kabuhayan ng ating mga komunidad ng magsasaka.
09/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
The Southern Cagayan Research Center Annex proudly congratulates ๐ ๐ฟ. ๐๐ผ๐๐ต๐๐ฎ ๐. ๐ง๐ฎ๐ป๐ด๐๐ถ๐น๐ฎ๐ป, newly appointed ๐ฆ๐ฐ๐ถ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฅ๐ฒ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ต ๐๐ป๐ฎ๐น๐๐๐, and SCRC Manager ๐๐ฟ. ๐๐ฟ๐๐ฎ๐ป ๐ฆ. ๐ฆ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป, on his promotion as ๐๐ด๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ต๐ถ๐ฒ๐ณ ๐๐๐, following the ๐ข๐ฎ๐๐ต-๐ง๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ผ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐ก๐ฒ๐๐น๐ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐บ๐ผ๐๐ฒ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฝ๐ฝ๐ผ๐ถ๐ป๐๐ฒ๐ฑ ๐๐บ๐ฝ๐น๐ผ๐๐ฒ๐ฒ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ ๐ฅ๐๐ข ๐ฌ๐ฎ held on ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ต ๐ฏ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ at the ๐ฅ๐๐'๐ ๐๐ผ๐ป๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐๐ฎ๐น๐น, ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ๐ฏ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐น, ๐ง๐๐ด๐๐ฒ๐ด๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ผ ๐๐ถ๐๐, ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป.
Your dedication, hard work, and commitment to agricultural research and development continue to bring pride to the SCRC community. We celebrate this well-deserved achievement and wish you continued success in serving our farmers and advancing the agriculture sector.
๐ ๐ฐ๐ถ๐ณ ๐๐๐๐ ๐๐ฏ๐ฏ๐ฆ๐น ๐ง๐ข๐ฎ๐ช๐ญ๐บ ๐ช๐ด ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ถ๐ฅ ๐ฐ๐ง ๐บ๐ฐ๐ถ!
06/03/2026
Sa pagdiriwang ng Womenโs Day, nagpakita ng lakas, pagkakaisa, at malasakit sa agrikultura ang mga kababaihan ng JUANA ng Southern Cagayan Research Center sa isinagawang Simultaneous Ubi Planting noong March 4, 2026.
Pinangunahan ni Dr. Bryan S. Sibayan, Center Manager, kasama si Engr. Jovy T. Chua, APCO Cagayan, ang makabuluhang aktibidad na naglalayong palaganapin ang pagtatanim ng ubi at maparami ang quality planting materials nito sa rehiyon.
Bago tuluyang magtanim, pinasigla muna ng mga Juana mula sa Main at Annex ang umaga sa isang masiglang Zumba, patunay na ang malusog na pangangatawan at sama-samang pagkilos ay mahalagang bahagi ng matagumpay na agrikultura.
Matapos ang sayaw, sabay-sabay na nagtungo ang mga kalahok sa production site ng center upang magtanim ng ubiโisang simbolo ng pag-asa, kasipagan, at kontribusyon ng kababaihan sa pagpapaunlad ng agrikultura. Ang bawat tanim ay kumakatawan sa adhikaing palakasin ang produksyon ng ubi at suportahan ang mga magsasaka sa rehiyon sa pamamagitan ng sapat at de-kalidad na planting materials.
Sa pamamagitan ng gawaing ito, muling pinatunayan ng JUANA ng SCRC na ang kababaihan ay hindi lamang katuwang sa tahanan kundi mga lider at tagapagtaguyod ng makabagong agrikultura. Sama-sama silang nagtatanim hindi lamang ng ubi, kundi ng pag-asa, kaunlaran, at mas matatag na kinabukasan para sa sektor ng agrikultura.
๐๐ฅ๐๐ญ-๐๐๐ฅ๐๐ฒ || ๐๐๐ง๐จ๐จ๐ซ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ๐ ๐ง๐ข ๐๐ซ. ๐๐จ๐ ๐๐ฅ๐ข๐จ ๐๐๐ฆ๐จ๐ง๐๐ฌ, ๐ฆ๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ค๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐๐ฎ๐ง๐, ๐๐ฌ๐๐๐๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐ง๐๐ค๐๐ฉ๐๐ ๐๐๐ง๐ญ๐ ๐ง๐ ๐ค๐๐ง๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ข๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐.๐๐ ๐ค๐๐๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐จ.
Secretary Francisco "Kiko" Tiu Laurel Jr.
Undersecretary AS Chris Morales
#๐๐๐๐๐๐๐๐๐
#๐ฆ๐๐ฌ๐๐ ๐๐ง๐๐ง๐ ๐๐ ๐ซ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ฌ๐๐๐๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ฏ๐๐ฅ๐ฅ๐๐ฒ
#๐ฆ๐๐ฎ๐ง๐ฅ๐๐๐ง๐๐๐ค๐จ๐ง๐จ๐ฆ๐ข๐ฒ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ฌ๐๐๐๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ฏ๐๐ฅ๐ฅ๐๐ฒ
#๐๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐ฌ๐๐๐๐ก๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐๐จ๐ฌ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Maguirig
Solana
3503
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |