Ang Batingaw Online
Tapat at Responsableng Pamamahayag. Ito ANG BATINGAW, ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Solano.
01/06/2026
| ๐๐๐๐จ๐ฆ๐จ๐๐๐ก๐ ๐ฆ๐ช๐๐ ๐ก๐ ๐ฆ๐ช๐๐
๐๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป, ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ด๐๐ฟ๐ผ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ผ๐น๐ฎ๐ป๐ผ ๐๐ฆ ๐ถ๐ป๐ถ๐น๐๐ป๐๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ ๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ด '๐ข๐ฝ๐น๐ฎ๐ป ๐๐ฎ๐น๐๐๐๐ด๐ฎ๐ป'
Bilang bahagi ng pagpapaigting sa pangangalaga sa kalusugan ng mga kawani ng pacralan matagumpay na isinagawa ng Solano High School ang 'Oplan Kalusugan,' na isang programang naglalayong magbigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga g**o bago ang pagbubukas ng taong panuruan, Hunyo 1.
Sa pangunguna ng Philippine Red Crossโ Nueva Vizcaya Chapter, Educators Lion Club International, Rural Health Unit of Solano, at ng Grand Court of the Philippines Order of the Amaranthโ Villaverde Court No. 47, isinagawa ang gawain upang matiyak na nasa maayos na kalagayang pangkalusugan ang mga g**o at kawani bago ang pagsisimula ng klase.
Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang mga pangunahing pagsusuring medikal, konsultasyon, at iba pang gawaing naglalayong itaguyod ang kalusugan at kapakanan ng mga kawani ng paaralan.
Ayon kay School Nurse Herminia Basilio, bahagi ito ng paghahanda ng paaralan sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan upang maging produktibo ang kapaligiran sa pagkatuto bago ang pagbubukas ng pasukan.
"Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng iba't ibang organisasyon, patuloy na isinusulong ng ating paaralan [Solano High School] ang kapakanan ng mga g**o bilang mahalagang haligi ng dekalidad na edukasyon," dagdag ni Basilio.
Naniniwala ang administrasyon ng paaralan sa pangunguna ni School Principal IV Dr. Trinidad B. Logan na ang isang malusog na institusyon ng mga g**o ay susi sa pagkakaroon ng epektibo at makabuluhang pagtuturo.
Dagdag pa ng pamunuan na mahalaga ang ganitong mga programa upang mapanatili ang kahandaan at pagiging produktibo ng mga g**o sa kanilang pagbabalik paaralan.
โ๏ธ Ang Batingaw News Team
๐ท Reinmark Tamani
----------------------------------
๐๐ถ๐ฎ๐ถ๐ต๐ฐ๐ฌ ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ช๐ฃ๐ข๐ญ๐ช๐ต๐ข! ๐-๐ง๐ฐ๐ญ๐ญ๐ฐ๐ธ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ฑ๐ช๐ด๐บ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฉ๐ข๐บ๐ข๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ๐ข๐ธ ๐๐ฏ๐ญ๐ช๐ฏ๐ฆ, ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ฑ๐ช๐ด๐บ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฉ๐ข๐บ๐ข๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ต๐ข๐ข๐ด ๐ฏ๐ข ๐๐ข๐ข๐ณ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ฐ๐ญ๐ข๐ฏ๐ฐ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฃ๐ข๐ญ๐ช๐ต๐ข'๐ต ๐ฌ๐ข๐จ๐ข๐ฏ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ.
๐ฉ [email protected]
๐ shsangbatingaw.wordpress.com
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Address
Solano
3079
Opening Hours
| Monday | 7:30am - 5pm |
| Tuesday | 7:30am - 5pm |
| Wednesday | 7:30am - 5pm |
| Thursday | 7:30am - 5pm |
| Friday | 7:30am - 5pm |