BICOLNEWS.com
Beyond the News with Truth and Integrity
28/04/2026
GOV. BOBOY HAMOR, PINARANGALAN BILANG OUTSTANDING GOVERNOR SA SOCIAL SERVICES
Tinanggap ni Sorsogon Governor Boboy Hamor ang pagkilala bilang isa sa mga “Outstanding Governors of the Philippines” sa larangan ng social services, ayon sa ulat na inilabas nitong Martes, Abril 28, 2026.
Iginawad ang parangal sa ginanap na 29th National Convention and General Assembly ng Association of Local Social Welfare and Development Officers of the Philippines sa Zamboanga City, kung saan kinilala ang kanyang pamumuno at aktibong pagtutok sa mga programang panlipunan sa lalawigan.
Ayon sa ulat, naging batayan ng pagkilala ang epektibong pagpapatupad ng 7K Program ng pamahalaang panlalawigan, na may ilang pangunahing haligi na nakatuon sa social services, partikular sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mahihirap at bulnerableng sektor.
Tatlo lamang na gobernador sa buong bansa ang napili para sa nasabing parangal, na itinuturing na indikasyon ng natatanging liderato at malasakit ni Hamor sa kapakanan ng mga Sorsoganon.
Binigyang-diin ng pamahalaang panlalawigan na ang pagkilalang ito ay hindi lamang para sa gobernador kundi para sa buong lalawigan ng Sorsogon, bilang resulta ng patuloy na pagpapaigting ng mga serbisyong panlipunan sa ilalim ng 7K at 7K Plus programs.
📸 SPIO
27/04/2026
OIL PRICE UPDATE: Magpapatupad ng malaking rollback sa presyo ng diesel ang mga kumpanya ng langis simula Martes, Abril 28, kung saan inaasahang bababa ito ng halos ₱12.94 kada litro.
Samantala, bahagyang tataas naman ang presyo ng gasolina ng humigit-kumulang ₱0.53 kada litro.
Ayon sa mga industry source, ang price adjustment ay batay sa galaw ng pandaigdigang presyo ng langis sa nakalipas na linggo. I Bicol News
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Sorsogon
4700