Tabaco City Disaster Risk Reduction and Management Office
Tabaco CDRRMO is a government office mandated in handling disaster management and providing risk information to the community.
28/05/2026
ANGELES CITY | PAMPANGA
Personal na nagtungo sa Angeles City, Pampanga si CDRRMO Head Gelacio Molato Jr., kasama ang mga kinatawan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Tabaco City, upang makipag-ugnayan sa Incident Command Post kaugnay ng naganap na pagguho ng isang siyam na palapag na mixed-use building na kasalukuyang itinatayo sa Barangay Balibago noong Mayo 24, 2026.
Kabilang sa isinagawang koordinasyon ang pakikipagpulong kina Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin III at City Information Officer Jay Pelayo para sa maayos na pagproseso ng impormasyon, identification, at retrieval operations ng mga biktima ng insidente.
Dalawang Tabaqueño ang iniulat na kabilang sa mga naapektuhan ng naturang trahedya. Sa kasalukuyan, katuwang ng mga lokal na otoridad ang CDRRMO Tabaco sa pagtukoy sa pagkakakilanlan at retrieval ng mga nawawalang construction workers mula sa Tabaco City.
Pansamantalang nasa pangangalaga at kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga kamag-anak ng mga nawawalang manggagawa.
Patuloy na nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Tabaco sa panalangin para sa kaligtasan ng lahat ng naapektuhan at sa matagumpay na pagsasagawa ng rescue at retrieval operations sa ground zero ng collapse structure incident.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
Tabaco City Terminal Compound, Barangay Pawa
Tabaco
4511