NSAP BICOL
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from NSAP BICOL, Government Organization, Tabaco.
01/07/2026
|| Ibinahagi ni Lara Jean Mago, Science Research Analyst, BFAR 5, na nakatulong ang training sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng kanyang kaalaman sa pagkilala ng mga isda, na magagamit din niya sa pagtuturo sa ibang fish enumerator. Aniya, naging mahalagang karanasan ang mga praktikal na pagsasanay, na hindi niya naranasan sa kanyang Ichthyology class. Ipinahayag din niya ang pagnanais na mas marami pang katulad na pagsasanay ang maibigay upang mas maraming kawani ng pagkakataong mapaunlad ang kanilang kaalaman at kasanayan sa naturang paksa.
Hango mula sa mga salitang “fisheries” at “eskwela,” ang pagsasanay na ito ang kauna-unahang 𝘍𝘪𝘴𝘩𝘒𝘸𝘦𝘭𝘢 program na isinagawa eksklusibo para sa mga kawani ng BFAR. Bilang research arm ng BFAR, ang NFRDI ay may mandatong magsagawa ng mga pagsasanay at capacity-building initiatives na nagtataguyod ng epektibong aplikasyon at paggamit ng agham at teknolohiya sa pangisdaan.

17/06/2026
TINGNAN | Bilang bahagi ng pagpapatibay ng siyentipikong batayan ng panukalang Fisheries Administrative Order (FAO) para sa pagpapatupad ng closed fishing season ng Bali sardinella sa Fisheries Management Area (FMA) 7, nagsagawa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol, sa pamamagitan ng National Stock Assessment Program (NSAP), ng tatlong araw na Workshop on the Analysis and Interpretation of Reproductive Biology Data in Support of the Proposed Fisheries Administrative Order (FAO) on the Closed Fishing Season of Bali Sardinella (Sardinella lemuru) in Fisheries Management Area 7 (FMA 7) mula Hunyo 9–11, 2026 sa RFTFCD Training Hall, Tabaco City.
Layunin ng workshop na mapalakas ang paggamit ng siyentipikong datos sa pagbuo ng mga polisiya para sa pamamahala ng yamang-dagat, partikular sa pangangasiwa ng stock ng sardinas. Kasabay nito ang adhikain na pahusayin ang kakayahan ng mga research analyst ng NSAP 5 at iba pang kalahok sa data analysis at interpretation ng reproductive biology results ng Bali sardinella.
Dinaluhan ang workshop ng NSAP 5 Project Leader, Assistant Project Leader, Planning Officer, Chief ng Fisheries Management Regulatory and Enforcement Division (FMRED), Technical Working Group (TWG), mga science research analyst, at mga on-the-job trainees mula sa Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) Pasacao Campus. Naging resource persons naman sina Noimie Rose Dicdiquin at Cara Mae Loyola, mga eksperto mula sa National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI).
Sa kanyang pambungad na mensahe, binigyang-diin ni NSAP Project Leader Joelle Benavidez ang kahalagahan ng science-based policy-making sa pangisdaan. Aniya, patuloy ang suporta ng BFAR management sa mga pag-aaral na nagbibigay ng matibay na siyentipikong batayan sa mga regulasyong ipinatutupad.
Tinalakay sa workshop ang mahahalagang konsepto ng reproductive biology, gayundin ang tamang proseso ng pagsusuri, interpretasyon, at presentasyon ng datos. Bago ang aktwal na data analysis, isinailalim muna sa pagsasanay ang mga kalahok bilang paghahanda sa pagproseso ng datos.
Sa loob ng tatlong araw, inilatag ng mga analyst ang resulta ng pag-aaral gamit ang mga talahanayan, talangguhit, at mga figure. Kabilang sa mga sinuri ang gonadal maturity stages, s*x ratio, gonado-somatic index (GSI), length at first maturity (Lm50), at iba pang mahahalagang parameter.
Sa huling araw ng workshop, iniulat ni Carlos Gonzales, NSAP 5 Assistant Project Leader, ang mga resulta ng datos. Lumabas sa pag-aaral na bumaba ang length at first maturity ng isda kumpara sa nakaraang pag-aaral. Ang ilan sa mga resulta, kagaya ng fecundity at gonadosomatic index, ay may naitalang pagbabago na nakakaapekto sa pagpaparami ng kanilang lahi. Dahil dito, mas lalong pinag-igting ng management ang pagkakaroon ng pangalawang pag-aaral sa reproductive biology ng sardinas.
Sa pagpapatuloy ng diskusyon, ipinahayag ng mga lider ang kanilang pag-asa na magiging batayan ang mga resulta ng pag-aaral sa pagsusulong ng panukalang closed season sa FMA 7. Gayunpaman, hinihikayat ng kinauukulan na paigtingin ang suporta ng mga stakeholders sa ipapasang fisheries administrative order.
✍️Mark Eugene Asilum
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
Tabaco
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 8pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |