Zindy Writes
Where Story Matters
30/04/2025
3: Lakas Loob
"ANO SA tingin mo ang ginagawa mo, Yuri Ann!" G@lit na habol sa akin ni Zade ng palabas na ako nang mansion ng magulang ko. Marahas na kinabig nito ang braso ko kaya napangiwi ako.
Subalit hindi ko ipinakita sa kanya na nas@saktan ako dahil wala namang halaga iyon kay Zade. Walang halaga sa kanya ang anumang tungkol sa akin.
"Ano bang tingin mo, ginagawa ko ang sa tingin ko dapat matagal na nating ginawa, Zade Larzon. Pagod na rin naman ako," pag-amin kong ikinatitig nito sa akin. Ang kaninang nag-uuyam nitong tingin ay napalitan ng pagkagulat gumalaw ang panga nito tanda na galit ito. Pero hindi ito nagsalita.
"Tama ka, bakit nga ba hindi ako napapagod? But I am now. Kaya okay na. Malaya ka nang gawin ang gusto mo, hindi na rin ako maoobligang gawin ang mga bagay na kahit minsan hindi mo naman pinahalagahan. Dahil akala mo ako ang may kasalanan nang lahat, wala kang alam sa akin Zade, kaya bakit mo sa akin isinisisi ang lahat. Kaya tama 'to." mapait kong tinitigan si Zade sa mga mata nito. I never did that back then, dahil natatakot akong makagawa nang pagkakamali. Dahil ayaw kong maghiwalay kami ng asawa ko. Pero may dahilan na ako ngayon para palayain ang sarili ko. Kaya ito na ang gagawin ko.
Kumurap-kurap ako upang pigilin ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.
"Hindi mo puweding gawin 'to Yuri, you can't---"
"Bakit kailangan ba, antayin ko pang ikaw ang magsabi na maghiwalay na tayo. Kailangan ba isipin ko pa ang pride mo?" patuyang sumbat ko dito na muli na naman nitong ikinabigla. Malinaw ang narinig ko kanina. At alam kong tama lang talagang ako na ang kusang umayaw. "I'm sorry, pero gusto ko nang maging malaya, sayo at sa pamilya ko." kuyom ang kamaong saad ko dito.
"At saan ka pupunta pagkatapos? Wala kang ibang pupuntahan Yuri. Your nothing without me or your family." pumiksi ang balikat ko dahil sa sinabi ni Zade. Totoo naman, kaya nga hindi ako nagkakaroon ng lakas ng loob dahil natatakot ako sa maraming bagay noon.
++++++++++++++++++
Support The Author ADD To your Library Now
Basahin sa Dreame at Yugto App
Title: Misery Of His Unlove Wife
Author: Zindy (ZIndy Rivera)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Telephone
Website
Address
Tabaco City
Tabaco
4511