Random with Kristine
Escape from the negativity, Embrace the positivity and see the changes.❤️
08/11/2025
Ang pagdating ng isang sikat na storm chaser, tulad ni Josh Morgerman ay isang malinaw na indikasyon na ang paparating na Bagyong ay seryoso at may malaking potensyal na maging mapanganib.
Ano ang Ibig Sabihin ng Pagdating ng Storm Chaser?
* Seryoso ang Banta: Hindi basta-basta maglalakbay ang mga propesyonal na storm chaser sa malalayong lugar. Ginagawa lang nila ito kapag base sa kanilang pagsusuri, ang bagyo ay may mga katangian na posibleng maging historically significant o exceptionally intense (Super Typhoon).
* Para sa Documentary/Media: Ang kanilang layunin ay idokumento ang bagyo para sa siyensya, balita, o dokumentaryo (gaya ng "Hurricane Man"). Ang kanilang presensya ay nagpapataas ng atensyon ng media sa buong mundo sa banta ng bagyo sa Pilipinas.
Dapat Ba tayong Matakot?
Ang nararamdamang takot ay natural lalo na kapag malakas ang bagyo. Ngunit mas makabubuti kung ito ay palitan ng pag-iingat (caution) at paghahanda (preparedness).
Gumawa ng emergency plan kasama ang pamilya. Siguraduhin na may stock ng pagkain, tubig, at first aid kit.
I-secure ang bahay (bubong at bintana) at ihanda ang go-bag.
Ang presensya ng storm chaser ay dapat maging isang senyales para maging alerto (A Call to Action), hindi para mag-panic.
Lagi pong tandaan: Mag-ingat, makinig sa mga opisyal na abiso ng PAGASA at ng lokal na pamahalaan, at unahin ang kaligtasan ng pamilya. At sa gitna ng paghahanda, huwag kalimutang manalangin at manalig. Ang pananampalataya ay nagbibigay ng lakas at kapanatagan ng loob habang hinihintay natin na makalipas ang pagsubok.
Ang paghahanda at pagdarasal ang pinakamahusay na panlaban sa takot na dulot ng bagyo.
04/11/2025
Usapan ni Abraham at ng Diyos sa Genesis 18 —
Gabing tahimik, si Abraham nakatayo sa labas ng tent niya, kausap ang Diyos na nagbabalak nang sirain ang Sodoma at Gomorra dahil sa sobrang kasamaan ng mga tao roon.
Abraham:
“Lord, totoo po bang sisirain n’yo ang buong lungsod? Kahit may mga mabubuti pa roon?”
Diyos:
“Marami nang kasamaan doon, Abraham.”
Abraham (nag-aalangan pero matapang):
“Pero Lord, paano kung may 50 pa kayong matuwid sa lungsod? Papayagan n’yo bang mamatay sila kasama ng masasama? Hindi ba parang di po ‘yon makatarungan?”
Diyos:
“Kung makakita ako ng 50 matuwid, hindi ko sisirain ang lungsod.”
Abraham:
“Okay Lord, paano naman kung 45 lang?”
Diyos:
“Kung 45, hindi ko pa rin sisirain.”
Abraham (medyo kinakabahan pero tuloy lang):
“E kung 40 nalang po?”
Diyos:
“Kung may 40, hindi ko pa rin wawasakin.”
Abraham:
“Lord, wag po sana kayong magalit ha, pero… paano kung 30 nalang?”
Diyos:
“Kung may 30 matuwid, hindi ko sisirain.”
Abraham (napapangiti pero humihinga ng malalim):
“E kung 20 nalang po?”
Diyos:
“Kung may 20, hindi ko pa rin sisirain.”
Abraham (mahina na boses):
“Panginoon… last na po talaga ito… paano kung 10 nalang?”
Diyos:
“Kung may 10 matuwid, hindi ko sisirain ang lungsod.”
⸻
Pagkatapos ng usapan, umalis ang Diyos, at naiwan si Abraham, tahimik na nagdarasal. Pero sa bandang huli, alam natin na halos wala nang matuwid sa Sodoma at Gomorra kaya tuloy ang parusa.
Tanging si Lot (pamankin ni Abraham) at pamilya niya lang ang nailigtas.
Kung may sampu pang matuwid… ililigtas Niya ang lahat.
Ganun kabuti ang Diyos naghahanap lang Siya ng iilan na totoo, para iligtas ang marami.
18/10/2025
Mga Red Flag sa Kaibigan 🚩😬
Minsan akala mo lang mabait siya.
Pero napansin mo ba, laging may kasamang “pero” sa bawat compliment niya?
1️⃣ Yung kaibigang gusto kang bumagsak para siya lang ang maganda o magaling.
2️⃣ Yung sinasabi niyang “concerned” siya, pero sa totoo lang tsismosa lang talaga.
3️⃣ At yung laging nawawala pag ikaw na ang nangangailangan.
Tandaan mo hindi lahat ng matagal mong kasama, totoo sa’yo.
Minsan, kailangan mo ring i-unfriend para ma-save mo sarili mo. 💔
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Blk 3 #48 Sitio Pinaglabanan Village, Western Bicutan
Taguig
1630