Sakristan PH

Sakristan PH

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sakristan PH, Digital creator, Talavera.

Photos from Kusing's post 26/07/2025

LA FIESTA ALTAR 2025
13th Pistang Matanda sa Parokyang Dambana
5th World Day of Grandparents and the Elderly
Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador - Talavera

Photo credits: Clarence Luther Bulanadi
Latest Encarna/ Recarving: Encarna ni Drew John Andrew Lacsina
Camareros de Honor: Familia Bolisay - Manahan Charito Marilyn Bolisay Manahan, La Casa Benedicta

Photos from Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador - Talavera's post 09/07/2025

π‘³π’‚π’Œπ’ƒπ’‚π’š π‘¨π’π’•π’π’π’Šπ’ 2025 𝒔𝒂 𝑻𝒂𝒍𝒂𝒗𝒆𝒓𝒂!

Ngayong Hulyo 13 hanggang 20, ating makakapiling si San Antonio Abad mula sa kanyang dambana sa San Antonio, Nueva Ecija.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa mga gawain kaugnay ng kanyang pagdalaw sa ating dambana at parokya.

Basahin ang talatakdaan para sa iba pang detalye.

26/06/2025

Ang primera klaseng relikya ni San Isidro Labrador ay isang banal na alaala na itinuturing na napakaespesyal sapagkat ito ay mula mismo sa kanyang katawanβ€”tiyak na bahagi ng kanyang buto. Ang ganitong uri ng relikya, ayon sa tradisyong Katoliko, ay tinatawag na β€œincorruptible” kung saan ang katawan o bahagi nito ay nananatiling hindi naaagnas o nabubulok kahit lumipas ang mahabang panahon. Itinuturing itong isang tanda ng kabanalan at biyayang mula sa Diyos.

Ang nasabing relikya ay ipinagkaloob ni Reberendo Padre Victor Naval Cruz noong Setyembre 2001 bilang isang biyayang espiritwal sa mga mananampalataya, lalung-lalo na sa mga deboto ni San Isidro Labrador sa Bayan ng Talavera, Nueva Ecija. Ang pagkakaroon ng isang primera klaseng relikya sa isang lugar ay nagiging sentro ng debosyon, panalangin, at inspirasyon sa pamumuhay ng may pananampalataya, katulad ng pamumuhay ng kabanalan ni San Isidro na kilala sa kanyang simpleng buhay, pagmamahal sa Diyos, at malasakit sa kapwa.

Photos from Kusing's post 25/06/2025

Mapagpalang Kapistahan sa Pandeyosesis na Dambana at Parokya ni San Juan Bautista.

β€œTaong Putik Festival sa Bibiclat, Aliaga, Nueva Ecija πŸ‡΅πŸ‡­πŸ™ Isang Debosyong May Himala at Kasaysayan”

Tuwing ika-24 ng Hunyo, ginugunita ng mga taga-Aliaga, lalo na sa Barangay Bibiclat, ang Taong Putik Festival bilang panata kay San Juan Bautista β€” tagapagbinyag ni Hesus at patron ng mga nagpapakumbaba.

πŸ“œ Kasaysayan ng Himala noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig:
Noong ikalawang digmaang pandaigdig, matapos pumatay ng mga sundalong Hapones ang mga gerilyang Pilipino, tinipon ng mga sunadalong Hapon ang mga kalalakihan ng Bibiclat sa harapan ng kapilya upang sabay-sabay na barilin bilang ganti. Sa gitna ng takot, taimtim na nanalangin kay San Juan Bautista ang mga taga-nayon. Sa kabila ng maaraw na panahon, isang malakas na ulan ang biglang bumuhos β€” isang hindi maipaliwanag na pangyayari. Dahil sa kanilang paniniwala sa diyos ng araw, itinuturing ito ng mga sundalong Hapon bilang isang banal na tanda, kaya’t hindi na itinuloy ang pamamaril. Bilang pasasalamat, gumulong sa putikan ang mga taga-Bibiclat β€” simula ng tradisyon ng Taong Putik.

πŸ’š Panata, Debosyon, at Simbolismo:
Ang mga deboto ngayon ay nagsusuot ng putik at dahon (karaniwan ay dahon ng saging), ginagaya ang hitsura ni San Juan Bautista. Sila’y nangangalakal ng kandila o limos sa mga bahay, bilang bahagi ng panata para sa kalusugan at biyaya ng pamilya. Ang mga alay ay inihahandog sa misa sa Kapilya ni San Juan Bautista.

Ang putik at tuyong dahon ng saging ay sagisag ng:
β€’ Pagpapakumbaba
β€’ Pagsisisi
β€’ Pakikiisa sa kalikasan
β€’ Pag-alala sa Binyag ni Hesus

Isang buhay na patotoo ng pananampalataya, himala, at pagkakaisa ng komunidad. πŸ•ŠοΈ

Photos from Kusing's post 24/06/2025

Ang Veneradong imahe ni San Isidro Labrador β€” Opisyal na imahe ng Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador, Talavera, Nueva Ecija.

Gabayan mo po kami, aming mahal na patron, sa panalangin at paggawa nang may pananampalataya.

Want your business to be the top-listed Media Company in Talavera?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Talavera