News Tanza 4108

News Tanza 4108

Share

Staying updated on what is happening in our beloved town of Tanza Cavite

22/05/2026

𝗔𝗬𝗔𝗪 𝗡𝗬𝗢 𝗧𝗨𝗠𝗜𝗚𝗜𝗟 𝗛𝗔!
𝗗𝗜𝗥𝗘-𝗗𝗜𝗥𝗘𝗧𝗦𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔. 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗧𝗜𝗧𝗜𝗚𝗜𝗟, 𝗨𝗨𝗕𝗨𝗦𝗜𝗡 𝗡𝗔𝗠𝗜𝗡 𝗞𝗔𝗬𝗢!

Muling nagsagawa ng buy bust operation ang SDET Tanza MPS ngayong May 22, 2026 bandang 1:50 ng madaling araw sa Brgy. Paradahan 1 na nagresulta sa pagkakaaresto ni alyas “Jay” at residente ng nasabing barangay dahil sa paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165.

Nakumpiska sa operasyon ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 0.19 grams at standard drug price na ₱1,496.00, gayundin ang dalawang tig-iisang daang pisong buy bust money na may serial numbers na SM498314 at GH891138.

Palalakasin natin ang kampanya laban sa iligal na droga upang mapanatiling ligtas at maayos ang bawat barangay sa Bayan ng Tanza.

15/05/2026
02/05/2026

𝗗𝗜𝗥𝗘-𝗗𝗜𝗥𝗘𝗧𝗦𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔. 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗧𝗜𝗧𝗜𝗚𝗜𝗟, 𝗨𝗨𝗕𝗨𝗦𝗜𝗡 𝗡𝗔𝗠𝗜𝗡 𝗞𝗔𝗬𝗢!
Sa isinagawang buy-bust operation ng SDET ng Tanza Municipal Police Station sa Brgy. Bagtas, arestado isang menor de edad na sangkot sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165.

Sa operasyon, nasamsam ang tinatayang 0.15 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na humigit-kumulang ₱1,020.00, kasama ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Paiigtingin natin ang ating laban kontra iligal na droga sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng batas at kaukulang intervention programs para sa mga kabataang nalalagay sa ganitong sitwasyon. 

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Tanza?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Tanza
4108