DIY Party Rentals by Ali

DIY Party Rentals by Ali

Share

Affordable and classy sweet corner equipments for rent and basic backdrop styling services. πŸ₯³

01/01/2025

Happy 1st birthday, Crystal Jazz! 🌸πŸ₯³

19/02/2024

Hello dear clients and rentees!
Active na po ulit ang ating page sa wakas pasensya na po sa mga pending posts and unread messages ngayon lang po ako nagka access sa ating fb page na ito.
For our future clients pwede na po kayo mag advance booking para sa inyong upcoming events! Thank you and Godbless! πŸ₯³

Lovelots,
CEO β™₯️

Photos from DIY Party Rentals by Ali's post 19/02/2024

Late upload! πŸ˜‡

Thank you so much clients for choosing and trusting us!
See you on your next event. πŸ₯³

DIY Party Rentals by Ali

Photos from DIY Party Rentals by Ali's post 31/12/2023

123123..
365/365..

Huling pahina ng isang taong makabuluhan at punong puno ng aral at biyaya. Huling pahina para may maisulat ka pang maganda at tama. Ama, maraming salamat sa isang buong taon na ikaw ang aking kasama.πŸ™ Alam kong sa lahat ng aking niluha ay nandyan ka at ako'y palaging pinagpapala. Patawad sa higit isang libong duda kung kaya ko pa ba o hindi na.. Palagi kong sambit sayo na pagod na ang iyong Darna. πŸ˜” Pero palagi mong pinapadama saakin na ang pananalig sa iyo ang pinaka malakas kong sandata. Sa lahat ng ginawa kong desisyon ngayong taon na ito, alam kong nandyan ka palagi sa tabi ko. Unang buwan pikit mata , suntok sa buwan sinimulan ko ang mag negosyo kesa magtrabaho. Pilit pinagsabay kahit aminadong mahirap. At sa kalagitnaan ng taon ay tinapik mo ako at kinausap. Ano ba talaga ang gusto ko? Ang gusto ko lang ay maging magulang sa anak ko. Ang daming bagay na sumubok sa kakayahan at pananalig ko. Pero palaging sambit ko, "Ama, sayo ay magtitiwala ako."
Dalawa ang tangan ko pagpasok ng taon na ito. Ngunit isa lang ang dapat na piliin ko. Isang higit kumulang na 6 na taon at isang hindi ako sigurado kung karapat dapat ba sakin to. Ama maraming salamat sa pag gabay sakin. Marami pa pala akong mga bagay na kakayanin. Kaya ko palang mag negosyo nalang at hindi na habang buhay pang empleyado lang. Mula sa isa, hanggang sa maging lima na sila. Pagyayamanin ko po ito Ama. πŸ™

At sa 98 successful bookings ko ngayong taon na ito, maraming maraming salamat sa tiwala nyo. πŸ’–
Mula sa isa hanggang sa naging siyam na pu't walong nagtiwala, maraming maraming salamat sa inyo. Solid kayo! πŸ™Œ
At sa pag bubukas ng panibagong taon, nakahanda na ulit ako para magbigay ng sa inyo. 🎊πŸ₯³
Yung takot ko na simulan ang pangarap kong negosyo, napalitan ng lakas ng loob at salitang "kaya ko to" dahil sa pagtitiwala nyo.
Mag-iisang taon na tayo mga ka DIY ko!
Salamat sa isang taong pagsasama at tiwala. Kayo ang dahilan kung bakit mayroong DIY Party Rentals by Ali

Ang dating pangarap ko lang ay unti unti ko nang naisasakatuparan. Sadyang napakasarap sa pakiramdam. At sa pag tatapos ng taon, kita-kits po ulit tayo sa mga darating na events nyo! πŸ₯³

Claiming for more clients/bookings for 2024! ✨🧿πŸͺ¬πŸ§ΏπŸͺ¬

Diskarte wag puro arte, walang swerte lahat kilos. Para sa'yo ito lahat anak! πŸ’ͺ

Want your business to be the top-listed Shop in Tanza?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Sanja Mayor
Tanza