Ang Tagumpay

Ang Tagumpay

Share

MPES news, updates, information, policies, guidelines, rules, regulations, events, programs, projects and activities

27/04/2021

Alam niyo ba?🤔

âś…Na ngayong taon na ito 2021 ay ang tinatawag na QUINCENTENNIAL o ang ika 500 taong anibersaryo ng pagkapanalo ng pangkat ni Datu LAPULAPU sa digmaan sa Mactan laban kina FERDINAND MAGELLAN

Munting kaalamanđź’ˇ

âś…Si Lapulapu (aktibo noong 1521) ay isang Datu sa pulo ng Mactan sa Cebu, Pilipinas, na nakilala bilang pinakaunang katutubo ng kapuluan na lumaban sa mga taga-Europa.
âś…Siya rin ang dahilan ng pagkamatay ng manlalakbay na si Fernando Magallanes. Itinuturing siya bilang pinakaunang bayaning Pilipino.
✅Kilala rin siya sa mga pangalang Çilapulapu, Si Lapu-Lapu, Salip Pulaka, at Khalifa Lapu o Caliph Lapu (ibinabaybay din bilang Cali Pulaco), subalit pinagtatalunan ang pinagmulan ng mga pangalan nito.

Lapulapu

âś…Kapanganakan:
1491
Pulo ng Mactan (ngayon Mactan, Lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu, Pilipinas)

âś…Namatay:
1542 (edad 50–51)

âś…Bantayog:
Lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu
Liwasang Rizal, Maynila

âś…Ibang pangalan:
Çilapulapu
Si Lapulapu
Salip Pulaka

âś…Nakilala sa:
Namuno sa mga hukbong Bisaya na pumatay kay Fernando Magallanes

âś…Titulo
Datu ng Mactan

Ang mga mamamayan ng Kapuluan ng Sulu ay pinaniniwalaan na si Lapulapu ay isang Muslim na nagmula sa mga Tausug. Pinaniniwalaan din na si Lapulapu at Rajah Humabon ay mga nagtatag ng Kasultanan ng Cebu.

Bilang isang pinuno ng Mactan, si Lapulapu ay sadyang may matibay na paninindigan. Bilang patunay dito, ay mariin niyang pagtanggi sa mga mapanlinlang mga alok ni Magellan. Ayon kay Magellan, bibigyan niya ng magandang posisyon at natatanging pagkilala si Lapulapu, subalit kapalit nito ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang nasasakupan at sa ilalim pa nito, ay ang sakupin ang buong Pilipinas at angkinin ang mga lupang tunay na pag-aari ng mga nitibo at partikular na ang kamag-anak at angkan ni Lapulapu. Labis na ikinagalit ni Magellan ang pagtanggi ni Lapulapu sa kanyang alok.

Samantala, isang anak na lalaki ni Datu Zula, kaaway ni Lapulapu, ang pumanig kay Magellan at kanilang binuo ang paglusob sa Kaharian ng Mactan. Hatinggabi ng ika-26 ng Abril, taong 1521, nang si Magellan, kasama ng kanyang mga kapanalig na mahigit sa isang libo ay naglayag upang lusubin ang Mactan. Sa Opon kung saan matatagpuan si Lapulapu noon at sampu sa kanyang mga kaanak. Sa kabilang dako ay handa namang salubungin ito ng may 1,500 mandirigma ni Lapulapu. Sila ay nakapuwesto sa may baybaying-dagat. Nang magsalubong ang dalawang hukbo ay nagsimula ang isang umaatikabong labanan sa Mactan. Sa bandang huli ay nagapi ni Lapulapu si Magellan nang tamaan niya ito sa kaliwang binti. Si Magellan ay bumagsak sa lupa at dito na siya tuluyang pinatay ni Lapulapu.

Sanggunian: Wikipedia

Want your school to be the top-listed School/college in Tarlac?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Tarlac