QSHS XII

QSHS XII

Share

solidarity • competency • consistency
Its the ONE and ONLY, QSHS Batch 12 🦅🪩

31/03/2025

Isang makabuluhang hatdog na niluto ng ating pinaka-mahusay na Batch 12 5-star Michelin Chef na si Chef Dosena Margarina—pinapakita ang malinamnam, manamis-namis at maalat na pritong hatdog na magpapatunay na pinaka-masarap na hatdog sa buong Pilipinas. Itong hatdog na ito ay kabilang sa top secret recipes ng ating Chef Dosena kaya naman SUMAKSES sa Best Recipes of All-Time (source: Cooking Mama) at hindi basta-basta magagaya ng ibang mga chef. 🌭😋🌭

Interesado sa Hatdog ng Batch 12? Maaaring i-private message ang page ng upang mag-order ng napakalinamnam na hatdog na FDA-certified na handog ng Batch 12! Bili na! 🌭😝🌭

Photos from QSHS XII - Polaris's post 31/03/2025

ANG ENTABLADO AY NASA INYO! 🍿🎭

Handog ng seksyong Polaris, tukuyin natin ang bawat karakter na maglalayag sa gaganaping ‘theater role-play’ na inangkop sa nobela ng Noli Me Tángere ni Dr. Jose Rizal.

Ngayong Lunes. March 31. Sa gabay ni Gng. Joan Mancenido-Cada. Quezon Science High School.

31/03/2025

ANG ENTABLADO AY NASA INYO! 🍿🎭

Handog ng seksyong Sirius, tukuyin natin ang bawat karakter na maglalayag sa gaganaping ‘theater role-play’ na inangkop sa nobela ng Noli Me Tángere ni Dr. Jose Rizal.

Ngayong Lunes. March 31. Sa gabay ni Gng. Joan Mancenido-Cada. Quezon Science High School.

Aglahi. Isang aglahi sa mga bayaning nagpanday ng sariling dugo upang itindig ang kalayaan, subalit ngayo'y ipinagkakanulo ng mismong lahing kanilang ipinaglaban. Bakit patuloy ang pang-aapi? Bakit ang sugat ng kahapon ay nananatiling bukás, at ang mga tanikala ng panunupil ay ngayo'y hinahawakan na rin ng mga Pilipinong sa kanila'y pinalaya? Sa bawat sigaw ng kalayaan noon, may tinig ngayon na binibigkis ng takot. Sa bawat dugong dumanak noon, may pangakong nalimutan sa modernong ginhawa.

Ang pang-aapi ay hindi na nangangailangan ng tanikala; sapat na ang bulong ng pagmamaliit, ang sulyap ng pangungutya, ang banayad ngunit malalim na sugat ng paglimot. Hindi dayuhang sapatos ang yumuyurak ngayon sa ating dangal, kundi mga paang galing sa sariling lahi—mga kamay na Pilipino ang pumipisil sa leeg ng kapwa Pilipino, mga matang kababayan ang tumitingin nang mababa sa sariling dugo. Kung dati’y mga banyagang prayle at conquistador ang naghari sa ating bayan, ngayo’y mga bagong panginoon mula sa sariling dugo at laman ang naghuhukay ng libingan ng mga api.

Sa pagdating ng takipsilim, may mga sugat na hindi naghilom, may mga luha na hindi pa rin natutuyo, at may mga tinig na patuloy na inaapakan. Ngunit sa bawat patak ng dugo, sa bawat hibla ng pagdurusa, may binhi ng himagsik na tumutubo—at isang araw, ito’y sisibol sa apoy na hindi kayang patayin ng kahit sinong mapang-api.

Hanggang kailan tayo mananatiling mga aninong nilalamon ng sistemang tayo mismo ang nagpapatakbo? Patuloy tayong bumubulong ng hinaing, subalit sa harap ng pang-aapi, ilang beses na nating pinili ang katahimikan?

Pinapanood natin ang mga María Clara na nilulunod sa inaasahang kahinhinan, ang mga Crispín na pinapatay bago pa marinig ang kanilang tinig, ang mga Basilio na tumatakbo sa dilim ng kawalang-katarungan—at sa kabila ng lahat, tayo’y nananatili sa ating mga pwesto, tila mga tau-tauhang hinahaplos ng takot. Habang si Doña Victorina ay patuloy sa pagpapanggap at pangungutya sa sariling lahi, at si Doña Consolación ay walang-habag sa pagpapahirap sa mahihirap, hindi ba’t tila natin nakikita ang mga mukha ng mga namumuno ngayon? Mga politikong may busilak na pangako ngunit may pusong kasing-itim ng kanilang kasinungalingan. Hindi na tanikala ang gumagapos sa atin—kundi ang ating sariling pagwawalang-bahala. Hindi na patalim ng dayuhan ang sumasaksak sa ating laman—kundi ang talim ng sariling pagkakanya-kanya.

Ngunit hanggang kailan tayo mananatiling tahimik? Hanggang kailan natin hahayaang yurakan ang ating dignidad, ipagkanulo ang ating kasaysayan, at talikuran ang sakripisyo ng mga nagbuwis ng buhay? Darating ba ang araw na hindi na lang natin pag-uusapan ang pagbabago, kundi tayo mismo ang magiging dahilan nito?

Isang aglahi sa mga nagbuwis ng buhay ang paglimot at pagpapabaya sa bayang kanilang ipinaglaban—ngunit higit na mas masakit, ang sariling kababayan na mismo ang lumalapastangan sa kanilang sakripisyo.

AGLAHI: Pagkalimot. Pagkakanulo. Pagpapabaya.

Want your school to be the top-listed School/college in Tayabas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Brgy. Isabang
Tayabas
4327