FOC Transportation - AH Transport
Infanta to Lucena to Infanta bus transportation services.
Pahayag ng FOC Transportation Corp
Tugon sa Balitang “Walang Biyahe: Infanta-Lucena”
Abril 16, 2025
Kami sa FOC Transportation Corp ay nagnanais na magbigay-linaw sa kasalukuyang sitwasyon kaugnay ng pansamantalang pagtigil ng biyahe sa rutang Infanta - Lucena (vice versa).
Nauunawaan at kinikilala namin ang mga hinaing ng ilang empleyado, at kami ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa tamang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) upang maayos at mapayapang maresolba ang mga usapin.
Tungkol sa napapabalitang pagbabago sa pamunuan ng operasyon patungo sa isang kooperatiba, nais naming linawin na wala pa pong PINAL o OPISYAL na desisyon ukol dito.
Anumang hakbang na aming tatahakin ay isasagawa sa paraang legal, patas, at makatao, alinsunod sa umiiral na batas sa paggawa (labor laws).
Ikinalulungkot po namin ang abalang dulot nito sa aming mga pasahero at publiko.
Kaisa po kami sa pagnanais na maibalik sa normal ang operasyon sa lalong madaling panahon.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
—FOC Transportation Corp Management
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
CM Recto Street
Tayabas
4327