Red Coquia-DWRS Radyo Pilipinas
Radio Broadcaster
16/07/2026
𝙐𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙏𝙤𝙪𝙧𝙞𝙨𝙩 𝙍𝙚𝙨𝙩 𝘼𝙧𝙚𝙖 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙖𝙨𝙞𝙣𝙖𝙣, 𝙉𝙖𝙠𝙖𝙥𝙖𝙜𝙩𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙜 27,060 𝘽𝙞𝙨𝙞𝙩𝙖 𝙖𝙩 𝙈𝙖𝙝𝙞𝙜𝙞𝙩 ₱1.24-𝙈 𝘽𝙚𝙣𝙩𝙖 𝙨𝙖 𝙐𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙇𝙞𝙢𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙪𝙬𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙊𝙥𝙚𝙧𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣
Mahigit 27,000 lokal at dayuhang turista ang bumisita sa kauna-unahang Tourist Rest Area o TRA ng Pangasinan sa loob lamang ng unang limang buwan ng operasyon nito.
Pinasinayaan ang pasilidad noong Pebrero 5, 2026 sa baybayin ng Lingayen Gulf. Batay sa tala, umabot na sa 27,060 ang mga bumisita sa TRA, na nagsisilbing sentro ng impormasyon at pahingahan para sa mga biyahero.
Kabilang sa mga pasilidad ang information center, malinis at PWD-accessible na mga palikuran, shower area, lactation room, at charging at workstations para sa mga biyahero. Mayroon din itong café at pasalubong center.
Tatlumpu't dalawang micro, small, and medium enterprises o MSMEs mula sa iba't ibang bahagi ng Pangasinan ang nagbebenta ng mga lokal na produkto, kabilang ang mga delicacy, handicraft, at iba pang gawang-Pangasinan.
Sa loob ng limang buwan, nakapagtala ang TRA ng mahigit ₱1.24 milyon sa benta, na nagpapakita ng ambag nito sa turismo at kabuhayan ng mga lokal na negosyante sa lalawigan.|| via Red Coquia-DWRS Radyo Pilipinas
(Photo Pangasinan Tourism)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Tayug