Jay Ching Pineda

Jay Ching Pineda

Share

Businesswoman. Mother. Servant Leader. Giver. Pasiklaban Kay Nene Ching Sponsor.
#KonsehalaNgTundo #21

12/05/2025

Minamahal kong mga Kaibigan, Tagasuporta, at mga Kababayan sa Tondo,

Mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming salamat po.

Bagamat hindi natin nakuha ang tagumpay sa halalan, nais kong ipabatid sa inyong lahat ang aking taos-pusong pasasalamat sa inyong suporta, panalangin, at paniniwala sa ating layunin para sa mas maayos at mas maunlad na Tondo.

Ang ating kampanya ay naging isang inspirasyon—kasama ko kayong naglakad sa kalsada, nakinig sa inyong mga kwento, nakibahagi sa inyong mga pangarap, at nagtulungan upang itaguyod ang tunay na pagbabago. Ang inyong tiwala at suporta ang nagsilbing lakas ko sa bawat hakbang ng ating kampanya—mula sa house-to-house hanggang sa ating mga programa at pagtitipon.

Hindi man ako nanalo ng puwesto, ako’y nagwagi sa mas mahalagang bagay: ang mas matatag na ugnayan sa ating komunidad at mas lalong pagtatalaga ng sarili para sa serbisyo.

Hindi dito nagtatapos ang laban. Ito ay simula pa lamang ng mas makabuluhang pagkilos para sa ating mga kababayan. Ako pa rin at pamilya Ching, handang makinig, tumulong, at maglingkod.

Maraming salamat po, Tondo. Tuloy ang laban para sa tunay na malasakit at serbisyo!

Buong pusong nagpapasalamat,
Jay Ching Pineda

10/05/2025

Mga Batang Tundo, natapos na po natin ang kampanya sa araw na ito. Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong lahat! Hindi ko na po kayo maiisa-isa sa ngayon ngunit di ko po kayo makakalimutan sa puso at isipan ko.

Lagi't lagi kong panalangin ay manaig ang kagustuhan ng Diyos sa buhay ko. Ang bida sa buong kampanya na ito ay ang kagustuhan ng Diyos. Siya naglatag ng lahat ng ito. At Siya ring tatapos. Naging instrumento lamang po ako para maghatid ng tulong sa inyo. Naging instrumento lamang po kayo at ang lahat ng pangyayari upang ipamulat pa sakin ang mga bagay-bagay sa Tundo.

Masaya po ako sa buong kampanya. May mga bad days pero mas nanaig ang kabutihan ng Diyos sa ating lahat. May mga personal akong battles pero tumibay po ito dahil sa suporta ninyo.

Kaya sa darating na Mayo 12. Let His will be done on earth as it js in heaven. Maraming salamat po. Lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Diyos lamang.

Nagmamahal po ng lubos,

JAY CHING PINEDA

Want your organization to be the top-listed Government Service in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Varona Street Corner SImoun Street, Manila
Manila
1012