Theta Omicron Maximo Inocencio Chapter

Theta Omicron Maximo Inocencio Chapter

Share

International Humanitarian Service Fraternity and Sorority

MAXIMO INOCENCIO - MOTHER CHAPTER

06/06/2025

ANNIVERSARY SPECIAL | Handog Pagkain, Hatid Ngiti 🤍

Ngayong June 8, 2025 | 8:00 AM sa Covered Court, Bria Homes, Brgy. Inocencio, Trece Martires City, Cavite — sama-sama tayong maghahatid ng masustansyang pagkain at ngiti sa ating mga kabataan at elderly na nangangailangan.

Ito’y taos-pusong handog ng Theta Omicron Maximo Inocencio Chapter, na patuloy na naninindigan sa layuning maglingkod at magmahal sa komunidad.

Tara’t maging parte ng simpleng gawaing may malaking epekto. 🤟🏻✨💛

18/08/2024

PUBLIC ADVISORY :
Ipinababatid po sa lahat na nakakasaksi ng tila FOG o HAMOG na nasa ating paligid. Ito po ay Volcanic Smog (VOG), inaabisuhan na maging mapagmasid at gawin ang mga kaukulang paghahanda patungkol sa ibinubugang usok ng Bulkang Taal na maaring makaapekto sa kalusugan lalot higit sa may kasalukuyang karamdaman.

Ang volcanic smog ay isang mapanganib na kombinasyon ng gas at maliit na particulate matter na resulta ng aktibidad ng bulkan. Maari itong magdulot ng problema sa paghinga at iba pang sakit sa kalusugan, lalo na sa mga mayroong mga existing na kondisyon sa baga.

Narito ang ilang hakbang para pangalagaan ang inyong kalusugan:

1️⃣ Manatili sa Loob: I-limit ang mga outdoor na aktibidad upang mabawasan ang pagka-expose sa volcanic smog.
2️⃣ Magsuot ng Face mask :Magsuot ng Face mask, lalo na kapag lumalabas ng bahay, upang mabawasan ang paglanghap ng makakasamang particulate matter.
3️⃣ Isara ang mga Bintana: Palakasin ang pag-sara ng mga bintana at pinto upang maiwasan ang pagpasok ng volcanic smog sa inyong tahanan.
4️⃣ Manatili Sa Labas ng Panganib: Subaybayan ang mga update mula sa lokal na mga awtoridad para sa pinakabagong impormasyon at tagubilin ukol sa kaligtasan.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay may mataas na lebel ng sulfur dioxide (SO2) ang ibinubuga ng bulkang Taal na nagdudulot ng volcanic smog o vog. Nagbuga ang Taal Main Crater ng 3,355 tonelada na volcanic sulfur dioxide o SO2 gas noong ika-17 ng Agosto.

Maaari itong magdulot ng iritasyon sa mata, lalamunan at sa respiratory tract na maaaring lumubha depende sa konsentrasyon o tindi ng pagkakalanghap. Mapanganib ang volcanic smog sa may mga kondisyon sa kalusugan tulad ng hika, sakit sa baga, sakit sa puso, sa mga matatanda, mga buntis at mga bata.
Mag-ingat po tayong lahat.

Photos from Theta Omicron Maximo Inocencio Chapter's post 07/08/2024

Celebrating the 51st Founding Anniversary of Alpha Kappa Rho International Humanitarian Service Fraternity and Sorority! ✨

From our founding days to the present, Alpha Kappa Rho has continually exemplified the true essence of service, selflessness, and unity. As we celebrate this remarkable anniversary, we honor the legacy of leadership, compassion, and the transformative power of our work. May this 51st year inspire renews passion and dedication, propelling Alpha Kappa Rho to even greater achievements in the years to come.

LONG LIVE ALPHA KAPPA RHO! 🤟🏻

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Trece Martires?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Trece Martires