CAVITE CONNECT
For collaboration inquiries, kindly send email.
đź“© [email protected]
12/06/2026
ARAW-ARAW NATING PINANGANGALAGAAN ANG KALAYAAN 🇵đź‡
Sa paggunita ng ika-128 na Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12 sa Kawit, Cavite, nakiisa sa makasaysayang seremonya si Emilio S. Aguinaldo VI, apo ni Pangulong Emilio Aguinaldo, mula sa balkonahe ng Aguinaldo Shrine—ang parehong lugar kung saan ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas noong 1898.
Pinangunahan din niya ang pagbigkas ng Panata sa Bagong Pilipinas bilang bahagi ng seremonya ng pagtataas ng pambansang watawat.
Sa kanyang mensahe, hinikayat niya ang mga kabataan na pahalagahan at panindigan ang kalayaang ipinaglaban ng mga naunang henerasyon.
"Huwag tayong matakot at ating panindigan ang ating kalayaan," aniya.
Photo source: Armie Aguinaldo/FB
12/06/2026
Kinumpirma ng Malacañang na may sapat na pondo ang Commission on Elections (COMELEC) para sa nakatakdang special election sa Dasmariñas, Cavite sa August 29, 2026.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ipinaalam ng Department of Budget and Management (DBM) na maaaring gamitin ng COMELEC ang umiiral nitong pondo para sa nasabing electoral exercise, kaya’t sapat na ito upang maisagawa ang halalan.
Matatandaang naunang tinaya ni COMELEC Chairman George Garcia na aabot sa humigit-kumulang ₱191 milyon hanggang ₱200 milyon ang kakailanganin para sa special election na sasaklaw sa tinatayang 450,000 rehistradong botante.
Isasagawa ang halalan upang punan ang bakanteng puwesto sa 4th District ng Cavite matapos maalis sa pwesto ang dating kinatawan dahil sa mga kasong may kinalaman sa “disorderly behavior” at “conduct unbecoming” bilang isang mambabatas.
Patuloy ang koordinasyon ng COMELEC at mga kaukulang ahensya upang matiyak ang maayos, malinis, at mapayapang pagsasagawa ng halalan.
12/06/2026
Nanguna sa listahan ng mga top performing municipal mayor sa lalawigan ng Cavite sina SM Matro ng Tanza, Randy Salamat ng Alfonso, at Lawrence Arca ng Maragondon, batay sa inilabas na resulta ng isang survey firm.
Ayon sa ulat, kinilala ang tatlong alkalde dahil sa kanilang mataas na performance ratings na sumasalamin umano sa kanilang pamumuno, mga programang pangkaunlaran, at serbisyo publiko sa kani-kanilang bayan.
Patuloy namang pinapalakas ng mga lokal na pamahalaan sa Cavite ang kanilang mga programa upang mapanatili ang epektibong serbisyo at pag-unlad sa mga komunidad.
12/06/2026
Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na itinakda ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) para sa special election sa 4th District ng Cavite mula July 15 hanggang 17, 2026.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, ginawa ang anunsyo sa isang coordination meeting kasama ang mga stakeholders sa Dasmariñas City.
Samantala, magsisimula naman ang election period sa July 30, habang nakatakda ang mismong special election sa August 29, 2026 upang punan ang bakanteng puwesto sa Kongreso.
Sinabi rin ni Garcia na kasalukuyang nire-realign ng COMELEC ang kanilang budget upang matustusan ang gagawing special polls.
Patuloy ang paghahanda ng poll body upang matiyak ang maayos, patas, at maayos na halalan sa Cavite.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Trece Martires
4109