Philippines Trending Topics

Philippines Trending Topics

Share

Jesus said,

John 15:4
“Remain in me, as I also remain in you. No branch can bear fruit by itself; it must remain in the vine.

21/05/2026

Bilyon-bilyong piso ang ginastos pero bumabaha pa rin.

Ito ang salubong kay Davao City Congressman Pulong Duterte matapos lumubog sa baha ang ilang bahagi ng lungsod.

’Yan ang Agenda report ni Janina Vela.

Source: Bilyonaryo News Channel

19/05/2026

WANTED SIGNS VS BATO, IPINAKALAT NG AKBAYAN YOUTH

TINGNAN: Idinikit sa mga poste at ipinakalat ng Akbayan Youth ang wanted posters ni Sen. Ronald dela Rosa sa Kalayaan Avenue sa Quezon city kasunod ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court.

Hinihikayat din ng grupo ang publiko na makiisa sa tinawag nilang ‘people’s manhunt’ laban sa senador.

Courtesy: Akbayan youth

19/05/2026

‘KIDNAPPER’ VS. ‘KILLER’

Pumalag si Palace Press Officer Usec. Claire Castro sa pahayag ni Sen. Robin Padilla na nagtatago umano si Sen. Bato dela Rosa sa mga “kidnapper” kaya ito umalis sa Senate premises noong Huwebes, May 14.

Nauna nang lumutang si Sen. Bato pagtapos ng anim na buwan para bumoto sa bagong Senate leadership noong Lunes, May 11.

Source: News5

13/05/2026

NEWS UPDATE: Naaresto na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang pulis na nag-viral matapos itulak ang isang motorista sa C-5 road sa Pasig City.

Batay sa imbestigasyon, may ranggo na staff sergeant ang pulis na nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion ng Quezon City Police District (QCPD).

Nagalit umano ang pulis matapos maunahan siya ng biktimang motorista, dahilan upang itulak niya ito at bumulagta sa daan.

Source: via Ryan Lesigues PTV News

09/05/2026

RAMON TULFO TO VP SARA

Kapani-paniwala ang balita na nambato ng laptop computer si VP Sara sa kanyang subordinate na isang abogado.

In a fit of anger yun.

Of course, natatandaan natin ang pambubugbog niya sa isang sheriff na tumutupad lang ng utos sa kanya ng korte na isagawa ang eviction ng mga squatters.

May violent streak si Sara, tanda ng kanyang pagiging loka-loka.

09/05/2026

‼️ Tatlong US Destroyers Matagumpay Na Tumawid Sa Strait Of Hormuz

“Tatlong world-class na American Destroyers ang matagumpay na nakatawid palabas ng Strait of Hormuz habang nasa ilalim ng putok,” ayon kay Trump sa social media.

“Walang anumang pinsalang natamo ang tatlong destroyer, ngunit matinding pinsala naman ang natamo ng mga Iranian attackers,” giit niya.

Sinabi rin niya na “pinaputukan ng mga missile ang aming mga destroyer, ngunit madali itong napabagsak,” at idinagdag na ang mga drone ay “tinupok habang nasa himpapawid” sa gitna ng insidente.

“Ang aming tatlong destroyer, kasama ang kanilang mahuhusay na crew, ay muling sasama ngayon sa aming naval blockade,” ani Trump.

Source: Al Jazeera - Three US destroyers transited Strait of Hormuz under fire, says Trump

Want your business to be the top-listed Media Company in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Manila
Manila
1428