Bignay NHS - A.P. Club
This is the official page of Bignay National High School - Araling Panlipunan Club.
11/07/2026
Maligayang Kaarawan Dr. Pio ๐๐๐
https://www.facebook.com/share/p/1GxRMZ1PqD/
Today, July 11, 2026, the Valenzuela City Library commemorates the 157th Birth Anniversary of our local hero, Dr. Pio Valenzuela!
Museo Ni Dr. Pio Valenzuela
10/07/2026
The Araling Panlipunan Department of Bignay National High School warmly welcomes our newest Araling Panlipunan Teacher,
๐ธ Ma'am Cristina J. Deniega ๐ธ
We are delighted to have you as part of our teaching family. May your journey with BNHS be filled with meaningful experiences, professional growth, and countless opportunities to inspire our learners.
Your dedication and passion for education are truly valued, and we look forward to working with you in nurturing responsible, knowledgeable, and empowered students.
Welcome aboard, Ma'am Cristina!
We wish you success and happiness in your new journey with the BNHS communityโค๏ธโค๏ธ
04/07/2026
https://www.facebook.com/share/1MhPMJuJUo/
๐๐ค๐ - ๐๐๐ ๐๐๐จ๐ง๐ ๐๐ง๐ข๐๐๐ซ๐ฌ๐๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ญ๐๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ข ๐๐๐ซ๐๐๐ฅ๐จ ๐. ๐๐๐ฅ ๐๐ข๐ฅ๐๐ซ (๐๐๐๐ - ๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ - ๐๐๐๐)
Ngayong araw ay ginugunita ang ika-129 taong anibersaryo ng kamatayan ng kinikilalang tagapagtaguyod ng masoneriyang Pilipino, dakilang propagandista, at tagasimula ng pahayagang maka-FilipinoโMarcelo H. Del Pilar.
Sa kanyang mga ginamit na nom de plume gaya ng Piping Dilat, Dolores Manapat, Siling Labuyo, atbp., namukod-tangi ang kanyang sagisag-panulat na Plaridel. Ito ay bahagi ng pagtatakip sa kanyang tunay na katauhan mula sa kanyang mga inililimbag na sulatin laban sa mapang-abusong pamamahala ng mga prayle't Espanyol sa Pilipinas, gaya ng Dasalan at Tocsohan (1888); ยกCaiigat Cayo! (1888); La Soberania Monacal en Filipinas (1889); mga pinamatnugutang artikulo sa Diariong Tagalog (1882) at La Solidaridad (1889-1895).
Sa mga huling buwan ng kanyang buhay, si Plaridel ay namuhay sa matinding karukhaan at karamdaman sa Barcelona, Espanya. Matapos ang pagtigil ng La Solidaridad noong Nobyembre 1895, nakaranas siya ng depresyon at lumalala ang kanyang tuberkulosis. Mula Enero 1896, kinupkop siya ng mag-asawang Fernando at Teresina Canon, mga Pilipinong nakabase sa Barcelona, na siyang nagbigay ng pangangalaga, pagkain, at tahanan sa kaniya.
Dahil sa lumalalang karamdaman, siya ay isinugod sa Antiguo Hospital de la Santa Creu noong ika-20 ng Hunyo 1896 hanggang sa tuluyang bawian ng buhay noong ika-4 ng Hulyo 1896. Siya ay inilibing sa Montjuรฏc Cemetery sa Barcelona sa tulong ng pamilya Canon.
Taong 1920, nang iutos ni Ispiker Sergio Osmeรฑa kay Hukom Norberto Romualdez na hanapin at iuwi ang mga labi ni Plaridel. Dumating sa Pilipinas ang mga labi ni Plaridel noong ika-3 ng Disyembre 1920 at sinalubong ito ng kanyang mga kaanak, kasunod ng ibaโt ibang luksang parangal.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Bignay National High School, Gitna Street , Bignay
Valenzuela
1440