Anakbayan Fatima
The most comprehensive national democratic mass organization of the Filipino Youth.
#JoinAnakbayan
06/10/2025
FATIMANIANS AGAINST CORRUPTION, WALKOUT NAβΌοΈπΆπ»ββοΈ
Sa kabila ng kaliwa't kanan na isyu sa katiwalian, bitbit ng Fatimanians ang "Veritas et Misericordia" o ang ibig sabihin ay "Truth and Compassion." Kaya hindi tayo mananahimik sa walang habas na pambubusabos ng korapsyon sa mamamayang Pilipino!
Makabayang Fatimanians, ngayon ay lumalaban! Sumali sa walkout!
ποΈ OCTOBER 9, THURSDAY
β’ 3PM β Assembly infront of Admission's Office
β’ 3:10PM β March outside Lagro Subd.
β’ 3:15PM β Program along Quirino Ave.
Join our messenger GC!
π https://m.me/j/AbZviP1ziCw1patR/
24/09/2025
π§π¨ππ’π¬ ππ‘π πππππ‘! πͺππππ‘π ππ§π₯ππ¦ππ‘! ππ¨πͺππ π ππ§πππ’π§! π ππ-π’π₯πππ‘ππ¦π ππ§ π πππ£π-π’π₯πππ‘ππ¦π
Saksi ang sambayanang Pilipino sa lakas ng masa na naganap sa Luneta noong linggo, ika-53 na anibersaryo ng Martial Law ng diktaduryang Marcos Sr. Bahagi ng direksyon natin ang pagpapalakas sa pamamagitan ng pag-organisa. Mahalaga ito upang lalong tumatag ang pagkilos ng sambayanan, magapi ang mga naghaharing-uri, at mawakasan ang pagpapatuloy ng bulok na sistema! Mariin nating tandaan na ang masa lamang ang may kapangyarihang makakapagpapabasak ng mapaniil na estado. Magmulat, mag-organisa, mag-alsa!
Hindi ka pa ba organisado? Sumali na sa pinakamalawak na pambansang demokratikong organisasyon ng kabataan!
Sumali sa Anakbayan Fatima!
π https://bit.ly/JoinABFatima
22/09/2025
TAGUMPAY ANG PAG-KILOS NG SAMBAYANAN!
Pagod at nasusuka na ang taumbayan sa matinding kurapsyon na nagaganap sa ating bayan. Ang pagkilos sa Luneta patungong Mendiola ay resulta lamang na ang masang Pilipino ay handang lumaban kapag may katiwalian.
Humigit 100,000 mamayang lumalaban ang nakiisa sa pagkilos sa Luneta. Resulta ito ng matagalang panahong pagpapahirap sa taongbayan. Malinaw na wala tayo dapat piliin sa dapat singilin, hangga't sangkot, dapat managot.
Fatimanians! Hindi na sapat ang ating pananahimik, dapat nang singilin ang mga korap. Hindi na pwede na wala tayong pakielam dahil kahit gaano natin iwasan apektado tayo ng sistema.
Ang Tanong Kailan?
Muli maging Organisado, Makibaka, at Kumilos!
MARCOS SINGILIN, DUTERTE PANAGUTIN!
SUMAPI SA ANAKBAYAN FATIMA!
https://docs.google.com/forms/u/0/d/e/1FAIpQLSfBXQC9ZJRSKcHV6rlwRxw9MkjbNl3g6OK3BopBiu5mft2eUQ/viewform
15/09/2025
π¨ RED-TAGGING ALERT π¨
Muling ipinapakita ng pasistang estado ang kanilang panggigipit at paninindak laban sa kasapi ng Anakbayan Fatima, isang student leader. Noong Setyembre 11, 2025, tinawagan siya ng isang opisyal ng barangay at sinabihan na huwag nang dumalo sa mobilisasyon sa Setyembre 21. Sa parehong araw, tatlong hindi kilalang pulis ang paulit-ulit na nang-usisa sa kaniyang kakilala kung saan siya nakatira. Kinagabihan, dalawang army reservist naman ang nagtanong sa isa pang kakilala hinggil sa kanyang tirahan.
Kinabukasan, Setyembre 12 bandang alas-dos ng hapon, dalawang pulis ang dumiretso sa kanyang bahay at agad siyang inakusahan na sangkot sa isang gulo kahit wala siya roon. Pumunta sila nang walang pahintulot at basta na lamang nanghimasok sa pribadong tahanan.
Ito ay hindi simpleng βseguridadβ kundi malinaw na anyo ng terorismo ng estado.
Ang sunod-sunod na atake laban sa mga progresibong organisasyon at indibidwal sa ilalim ng rehimeng Marcos Jr. ay pagpapatuloy lamang ng tiraniya ng rehimeng Duterte. Sa anyo ng de facto martial law, sa mga batas gaya ng Anti-Terror Law, at sa mga ahensya tulad ng NTF-ELCAC, ginawang normal ng estado ang red-tagging, paninira, at panunupil.
Kung babalikan noong 2023, ang Anakbayan Fatima ay tinarget na ng NTF-ELCAC nang i-red-tag ang kanilang chairperson sa isang forum.
Sa gitna ng krisis na likha ng kainutilan at pasismo ng estado, hindi tayo dapat magpasindak. Ang pinakamalaking lumalabag sa karapatang pantao ay walang iba kundi ang pasistang estadong pinamumunuan ni Marcos Jr. At ang tanging sagot dito ay ang sama-samang paglaban ng mamamayan para sa isang makatarungan at tunay na malayang lipunan.
HANDS OFF YOUTH ACTIVISTS βΌοΈ
NO TO RED-TAGGING βΌοΈ
BUWAGIN ANG NTF-ELCAC βΌοΈ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Valenzuela